Pabiling-biling sa higaan si Aiesha. Ilang beses na niyang ipinikit ang mga mata subalit hindi pa rin siya makatulog. Pagod ang katawan niya subalit ayaw matahimik ng isip niya. Bumalikwas siya ng bangon at sinulyapan si Inana na mahimbing na natutulog sa papag na pinagsasaluhan nilang dalawa. Dapat ay kanina pa siya tulog sa sobrang pagod. Siguro hindi siya komportableng makasama ang isang tao na alam niyang may galit sa kanya. Nang silang dalawa na lang ni Inana sa olog ay naging malamig ang trato nito sa kanya. Gusto niya itong kausapin pero humiga na ito at pumikit. Dini-discourage na kausapin pa niya ito. Bumaba siya sa papag at nagdesisyong bumalik na lang sa bahay nila Silang. Malamig ang hangin sa labas kaya nagsuot siya ng makapal na jacket. Jogging pants ang pantulog kaya wal

