Mahigpit ang kapit ni Aiesha kay Silang habang patungo sila sa sinasabi nitong ato kung saan nagpupulong ang mga pinuno ng tribo. Pagkatapos kumain at magpahinga ay ipinatawag sila ng ama nito upang sumali sa pulong. “Bakit pa kailangang kasama ako?” tanong niya at parang tuko na humawak sa braso nito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ito sa mga hindi imbitadong bisita. Baka inilalagay sa kawa ng kumukulong tubig. “Dahil iyon ang gusto ng intugtukon. Huwag kang matakot. Hindi ka nila pupugutan ng ulo. Baka balatan ka lang nila ng buhay,” pabiro nitong sabi. Hinampas niya ito sa braso. “Nakukuha mo pang magbiro. Paano kung hindi sila pumayag na manatili ako dito?” Ayaw yata niyang matulog sa bundok o sa gubat. Baka pagpiyestahan ng mga hayop ang beauty niya. O kaya ay lingk

