Chapter 8

2953 Words

Naalimpungatan si Aiesha nang sumigid ang malamig na hangin sa kanyang balat. Subalit nanatiling nakapikit ang mga mata niya dahil naramdaman niya ang mainit na katawan sa tabi niya at lalo siyang sumiksik doon. “Gumising ka na. Malapit na tayong bumaba,” bulong boses ng isang lalaki. At sa kanyang diwa, isang matipuno at guwapong mandirigma ang may-ari niyon. At siya naman ang prinsesa na sinagip nito sa mga dragon. Ngayon ay nakasakay sila sa isang kabayo na magdadala sa kanya pabalik sa palasyo. “Pwede bang dito na lang tayo?” Ayaw niyang umalis sa kung nasaan sila dahil mas ligtas ang pakiramdam niya. “Hindi pwede,” anito at magaang tinapik ang pisngi niya. “Gising na.” Idinilat niya ang isang mata nang makilala kung sino ang may-ari ng boses. Boses iyon ni Silang. At hindi ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD