Chapter 7

2108 Words

Muntik mapatili si Aiesha nang may humawak sa mga balikat niya mula sa likuran. “May problema ba dito?” tanong ni Silang na may-ari pala ng kamay. Pinakawalan ang pinipigil na hininga at mabilis na nagpunta sa likuran nito upang magtago. “Iyan kasing mama, ayaw akong tantanan,” sumbong niya. “Kahit magsumbong ka pa sa boyfriend mo, wala rin siyang magagawa. Alam mo bang si Jackie Chan pa nagturo sa aking mag-karate?” maangas na sabi ng lalaki at pumorma bilang paghahanda sa laban. “Bumalik ka na sa loob ng bus. Lumayo ka na dito,” utos ni Silang habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki na nakahandang sumugod. “Talaga bang lalabanan mo ang kawayang iyan? Isang ihip lang yata ng hangin tutumba na iyan. Sumama ka nang bumalik sa bus,” sabi niya at hindi inalis ang pagkakahawak sa bra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD