“Aiesha, nandito na ang subject sa bus station. Nakapila siya at bumibili ng ticket. Nasa likuran lang ang partner ko,” report ni Calvin, ang inupahan niyang agent. Kasalukuyan nitong sinusundan ang kilos ni Silang ayon na rin sa utos niya. Naalarma siya at tumigil sa pagpili ng jeans sa closet. Nasa Singapore si Aldrich kasama si Minerva para sa isang ‘business conference’. Wala siyang pakialam kung negosyo nga ang ginagawa ng mga ito o kababalaghan. Dahil malapit nang matapos ang maliligayang araw ng mga ito. Pabor na pabor sa kanya ang pag-alis na iyon ng nobyo dahil may sorpresa siya sa pagbabalik nito. “Pauwi na ba siya sa tribo nila?” tanong niya at mabilis na inilabas ang kabibiling mountaineering sports bag sa ilalim ng closet saka ihinagis sa kama. “No. Sa palagay ko magpapa-

