Chapter 16

2662 Words

Malungkot na pinagmasdan ni Aiesha ang mga pictures ng Gangan sa computer. Ang rice terraces, ang lawa, ang mga tao. Wala na siyang ginawa maghapon kundi magkulong sa kuwarto at tingnan ang mga iyon. Partikular na tumigil ang mga mata niya sa nakangiting close-up picture ni Silang. Hinaplos niya ang mukha nito sa monitor. Hindi siya nagsasawang pagmasdan ang mukha nito. Sumasakit lang ang kalooban niya kapag naaalalang ang guwapong mukhang iyon ay may pasa nang huli niyang makita. Bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Sa halip na lingunin ang dumating ay ini-off niya ang monitor. Sagrado sa kanya ang mga larawang kuha niya sa Gangan at ayaw niyang makita ng iba. Iyon lang ang nagpapanatili ng katinuan niya. “Hey, girl!” sabi ni Portia at hinalikan siya sa pisngi. “Nakaka-miss ang beauty

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD