Chapter 17

3036 Words

“Aiesha!” gulat na gulat na sigaw ni Salinga nang makita siya. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap. “Akala ko hindi na tayo magkikita.” “Galing ako sa transient house mo at sabi dito daw kita matatagpuan.” Pinuntahan niya ito sa unibersidad sa Baguio kung saan ito nag-aaral. Luminga ito sa paligid at saka lang napansin na pinagtitinginan sila ng mga tao. “Doon muna tayo,” anito at niyaya siya sa bench. “Enrollment namin.” Nagsalubong ang kilay nito nang makita ang ilang mga kalalakihang sumusunod sa kanila. “Sino naman ang mga iyan?” Maasim siyang ngumiti. “Huwag mo na lang pansinin. Mga alipores ko lang iyan. Hindi naman sila makikialam sa pinag-uusapan natin.” “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito. “Gusto kong bumalik sa Gangan. Gusto kong makausap ang Kuya Silang mo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD