Chapter 18

2926 Words

“Huwag mo nang isipin ang sinabi nila Ina at Ama na ayaw nila sa iyo para kay Kuya Silang. Pumayag naman na silang maikasal kayo, hindi ba?” wika ni Salinga kay Aiesha habang patungo sila sa olog. Napansin marahil nito na hindi siya mapalagay mula nang umalis sila sa bahay nito. Naiwan si Silang upang masinsinang kausapin sina Lakay Kabuguias at Inang Negay. Subalit sinabi niya na hindi pa pormal na maitatakda ang kasal hangga’t hindi pa nakakausap ang mga magulang niya at ibabalik ang me’king. Pagdating sa olog ay ilang kadalagahan ang naabutan nila. Biglang natigil ang tawanan at kwentuhan nang mga ito nang makita silang paparating. “Gawis ay masdem yo,” bati niya. Kinabahan siya nang makitang kasama sa mga ito si Inana. Tumayo si Inana na hindi maipinta ang mukha at lumapit sa kani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD