bc

Jacob's Insatiable Desire

book_age18+
371
FOLLOW
2.9K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
drama
bxg
mystery
campus
enimies to lovers
poor to rich
assistant
actor
like
intro-logo
Blurb

Jenny Garcia is 23 years old and living alone. She was left in an orphanage by her parents until adopted by a wealthy family. However, she might be abused, so she left and found a way to survive.

For a long time, she lived with her biological grandmother, Cynthia, who adopted and accepted her. One day, her grandmother died, and she was being abused by Cynthia's relatives. That is how she decided to leave and find a job. But something happened and she was accidentally struck by a car, which gave her the answer she needed. Will she be able to satisfy Jacob's insatiable desires?

chap-preview
Free preview
Jacob's Insatiable Desire
CHAPTER ONE JENNY'S P.O.V Sobrang saya siguro sa pakiramdam kapag may pamilya ka. yung sasandigan mo kapag may problema ka at masasabihan mo kapag umiiyak ka. pero wala ako nun.. Hello everyone, Ako nga po pala si Jenny Garcia, 23 years of age and lived as an independent Person. at ito ang Kwento ko. [23 Years Ago] Habang tahimik ang lahat at nagdarasal sa loob ng orphanage ay nakarinig sila ng batang umiiyak sa labas ng gate ng ampunan kaya't dali dali silang tumungo sa labas para tignan ang batang umiiyak. Pagdating doon ay bumungad sakanila ang isang batang halatang kapapanganak pa lamang at wala pang kamuwang muwang sa mundo. agad naman itong kinuha ni sister mary at Luminga linga sa paligid at nag babakasaling baka nandoon pa ang taon nang iwan sa sanggol. nang napuna nila na walang Tao sa paligid ay ipinasok na nila ito. Simula nang araw na yun ay doon na nagkamuwang ang batang si Jenny. pinangalanan sya base sa nakalagay na sulat na iniwan sakanya ng kanyang mga magulang. minahal at inaruga sya ng mga madre sa ampunan. hanggang sya ay naging 7 taon. "Sister mary, bakit po sila julia binalikan ng mama niya ako po hindi? Hindi po ba ako mahal ni mama?" tanong nito kay sister mary habang sinusuklayan sya. "Jenny, mahal ka ng mga magulang mo, Siguro ay wala lang silang lakas ng loob para ika'y buhayin." sagot ni sister mary "Pero bakit po nila ako pina ampon sister? hindi po ba nila ako mahal?" tanong nito habang naiiyak. Nakita nya ang ibang mga bata na inaampon at kasama na ng tatayong pamilya para sakanila pero sya ay nananatiling nasa orphanage parin at nag iisa sa isang tabi. Kinabukasan,ay may pumuntang mag asawa sa bahay ampunan at agad naman itong sinalubong ni sister mary. "Magandang araw po" sagot nito habang nakahawak sa kanyang suot na damit. "Hello, sister plano po sana namin mag adopt ng bata. Saan po ba kami pwede mag proceed?" patanong ng isang babae na may katangkaran at kulot ang buhok. Kasama nito ang isa pang lalaki na matangkad at matipuno. Habang nag uusap sila ay napadaan naman si Jenny at inilagay ang isang lalagyanan ng kahon. napansin ito ng kanyang asawang babae at saka nag salita sa madre. "Ano po ba ang pangalan nya sister.?" pagtatanong nito habang nakangiti "jenny garcia. iniwan sya rito noong sanggol pa lamang sya. Hanggang ngayon ay hindi parin sya binabalikan ng kanyang mga magulang" Sagot ni sister mary habang nakatingin kay jenny. "Iha, gusto mo ba sa amin?" Tanong ng lalaki kay Jenny habang hawak hawak sa kamay. Hindi naman kumibo si jenny at ngumiti nalang. Matapos ang pag uusap ay nag pirma na sila ng contract para kunin si jenny. at sinama na nila ito sa kanilang pag alis patungong Maynila. Tahimik na naka sakay si jenny sa loob ng kotse habang nakadungaw sa bintana. "Iha ako nga pala si Carlo at sya naman ang asawa ko na si Susan, simula ngayon kami na ang magiging magulang mo simula ngayon sana ay maging masaya at magpakabait ka sa amin." ngiti nitong sabi habang nakatingin sa salamin sa kotse na naka reflect sa kinakaroonan ni Jenny. Pagdating sa bahay ng mag asawa ay tinulungan na siya nitong bitbitin ang mga gamit nya sa loob. Malaki at malawak ang bahay halatang mayaman talaga ang pamilya. pinakilala sya nito sa totoong anak ng mag asawa na si Chona. "Chona, sya si jenny simula ngayon ituturing mo sya na parang totoo mong tunay na kapatid. naintindihan mo ba Chona?" Tanong ni Carlo sa kanyang anak na halatang Inis ang pagmumukha at hindi sang ayon sa kanyang ama. "Ayoko! Hindi ko naman sya totoong kapatid." Sagot ng batang si Chona at padabog dabog na umakyat sa kanyang kwarto. "Pagpasenyahan mo na ang kapatid mo jenny. naninibago lang sya sa ngayon. Pero matatanggap ka rin nya at baka maging mag kaibigan pa kayo." Ngiti na sabi ng kanyang Ina inahan na si Susan. Lumipas ang mga taon, unti unti nang lumalaki si Jenny sa piling ng mga umampon sakanya. Nakapag aaral naman sya ngunit napansin nya ang pag iiba ng trato sakanya ni Susan dahil sa mga mali maling sumbong ng kanyang Kapatid na si Chona. Kaya sya ay laging pinapagalitan ni Susan habang si Chona ay patawa tawa naman. Madalas pa itong hindi makapasok ng klase dahil pinapaiwan nito si Jenny sa bahay tuwing nauunang umaalis si Carlo para magtrabaho. Hanggang sya ay nag edad ng labing anim at doon nya naisip kung gaano kahirap ang realidad ng buhay. Isang araw ay nakabihis na si Jenny para pumasok na sana ng school ngunit bigla na lamang syang hinarang ni Chona at saka ito nagsalita. "Hindi ka pwedeng pumasok, masyado kang pabida sa school alam mo ba. Dapat ako lang ang matalino, at ikaw dapat nandito kalang naglilinis ng bahay " Sabay tulak ni Chona kay jenny. "Ma, kailangan ko pong pumasok sa school ngayon. may exam po kasi kami." Maiyak iyak na sagot ni Jenny. "Hindi ka pwedeng umalis ngayon jenny, walang mag aasikaso dito. " Pag sasang ayon ni susan sa Kanyang anak. Hindi nalang kumibo si Jenny at saka umalis na rin sila Chona at si susan sakay ng Kotse. Napaupo nalang ito at napahagulhol ng iyak. samantala nakalimutan naman ni Carlo ang kanyang Laptop kaya agad itong napabalik ng kotse pauwi ng bahay. Naabutan nya si Jenny sa labas ng bahay na nakaupo at umiiyak kaya agad itong lumapit at tinanong ang anak. "Jenny, ba't nandito ka pa? Hindi ba may exam kayo maya maya?" Takang tanong nito. "Opo pa." pag sang ayon nitong sagot habang pumupunas ng luha. "Nasan sila Chona? Bakit iniwan ka nila rito?" Ikinuwento ni Jenny ang lahat lahat na mga nangyari at ipinaliwanag nya lahat lahat dahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi na rin napigilan ng ama na mapaiyak dahil sa ginagawang pang aabuso ng kanyang asawa kay Jenny. "Tumayo kana dyan, at ihahatid kita sa school nyo para makapag take ka ng Exam"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YAYA SEÑORITA

read
12.6K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.6K
bc

The Real About My Husband

read
35.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
10.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
26.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook