Jacob's Insatiable Desire(Episode 2)

1018 Words
Kumuha ito ng pera sa wallet nya at ibinigay kay Jenny. Napatingin naman si jenny kay carlo dahil sa laki ng pera na ibinigay nito sakanya. " Itago mo yan, at magagamit mo yan kapag kailangan mo at kapag nagugutom ka pwede ka bumili ng kahit na ano." Napayakap nalang si Jenny sa papa nya carlo dahil sa Pag tulong sa kanya at pag turing bilang tunay na anak. Nang Matapos ang taon ay masayang nakapag tapos si Jenny Ng Salutatorian at Bakas sa kanyang ama ang Saya sa mukha nito. Hindi maipinta naman ang mukha ni Chona dahil sa pag kainggit sa Araw ng kanilang pagtatapos ng kanyang kapatid. Ilang araw ang makalipas ay nag ayos pa si Jenny suot ang dress na iniregalo pa ni Carlo noong graduation nila ni Chona. Nakangiti itong humarap sa salamin dahil pinangakuan sya ng kanyang ama na mag si celebrate silang dalawa para sa natatanging graduation ni Jenny. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay may bigla na lamang tumawag sa telepono at saka nya ito sinagot. Laking gulat nya at halos hindi sya makagalaw sa mga narinig sakanyang kausap. pumanaw na ang kanyang ama dahil naaksidente ito habang bumibili ng pagkain na dadalhin sana nila sa kanilang byahe papuntang orphanage. Labis ang pagdadalamhati ni Jenny dahil sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ama amahan. labis naman ang poot at galit ng mag inang si susan at chona kay jenny dahil sa nangyari. Ikinulong pa nila ito sa kwarto para lang di makalabas ng bahay at maka punta sa burol ng kanyang ama. Agad nyang kinuha ang mga gamit nya pag ka alis ng mag ina at pati na rin ang perang naibigay sakanya ng kanyang ama nang di malilimutang araw na magkasama pa sila. Doon ay dali dali nyang sinira ang bintana at saka dumaan dito dala ang kanyang mga gamit para makatakas. Sumakay sya sa isang taxi at nagpahatid sa sementeryo kung saan ililibing ang kanyang ama. Pagdating nya doon ay sumilip sya sa isang tabi malapit sa kinaroroonan nila susan at saka napahagulhol ng iyak habang unti unting tinatabunan ng lupa ang kanyang ama. Nang umalis na ang mga tao ay unti unti itong naglakad patungo sa puntod ng kanyang ama at saka napaluhod habang iyak ng iyak. Ibinaba nya ang kanyang mga gamit at saka ito napahawak sa lapida ng kanyang ama. "Pa, patawarin po ninyo ako, kasalanan ko po ito. patawarin nyo po ako dahil sa akin kaya namatay kayo.. aalis na po ako pa sa bahay, kasi baka mapatay ako nila aling susan sa sobrang galit. Pa, salamat sa pagmamahal at pag aaruga nyo sa akin. hinding hindi ko po makakalimutan ang mga masasayang araw na kasama ko po kayo at mga magagandang ala ala na nabuo nating pamilya. Salamat pa... I love you po" Tumayo na ito at naglakad papalayo. napabalik pa ito ng tingin dahil sa imahinasyon na naroon ang kanyang ama at nakangiti sakanya. Muli syang bumalik ng bahay para kunin ang litrato ng kanyang ama amahan ngunit pinagtabuyan lang sya ni Susan at chona at tinapon ang mga gamit sa labas ng gate. Nagmakaawa pa sya sa guard ngunit wala man lang itong nagawa dahil sa utos ni susan. Naglakad lakad sya sa maynila ng ilang araw at unti unting nauubos ang kanyang pera na ibinigay ng kanyang ama dahil sa pang araw araw nyang gastusin. Isang araw ay nakaupo sya sa may labas ng isang restaurant at pagod na pagod sa paglalakad. nakaramdam sya ng pagod at pagkahilo hanggang bigla nalang syang natumba at nawalan Na Ng Malay. CHAPTER TWO Nagising nalang si jenny na nasa hospital sya ta mayroong isang matandang babae ang nasa tabi nya at inaayos ang kanyang kumot. "Iha kamusta ka?" Tanong ng isang lola na nasa tabi nya "Ano pong nangyari.?" Tanong ni Jenny sa matanda Naupo ito at saka inayos ang sarili. "Ano po ba ang nangyari?" "Nawalan ka iha ng malay habang nakaupo ka kanina sa daan, siguro dahil sa pag ka gutom at pagod mo. saan ka ba iha galing at nasaan ang mga magulang mo?" tanong ng matanda kay jenny. "Wala na po kasi akong mapuntahan dahil kakamatay palang ng ama amahan ko, hindi naman ako makakabalik pa sa amin dahil sinisisi nila ako sa pagkamatay ng aking ama" malumbay nitong sagot sa matanda. "Ganon ba.. gusto mo bang kumain muna bago tayo mag usap?" Lumabas na sila sa hospital at saka tumungo sa restaurant doon ay kinuwento ni jenny ang buong pangyayari kung bakit ay nasa ganoon syang sitwasyon. naawa naman sakanya ang matanda at nag offer ito sakanya ng kasunduan. "Pwede ka naman sakin tumira, wala din kasi akong kasama sa bahay, wala akong anak at malayo din sa akin ang mga relatives ko. Pwede kitang pag aralin." masayang pahayag nito kay jenny habang nakangiti. "Talaga po la?" Gulat na tanong ni Jenny sa matanda "Oo naman, naiisip ko din kasi talaga na mag ampon para may kasa kasama ako. kaso malayo rin kasi ang bahay ampunan at hindi na ako makabyahe pa ng malayo." Tugon ng matanda. Matapos ang mahabang pag uusap ay agad naman na pumayag si jenny sa alok nito. Pansin nya naman sa matanda na nagpapakatotoo itong sabi kaya pumayag sya. At para na rin makatulong sa matanda sa mga gawaing nitong bahay.. Pagdating sa bahay ng matanda ay napakaganda nito at hindi kalayuan sa Bahay na pinangalingan nya dati. natulala sya at nagandahan dahil sa napakaraming puno rito. "Lola, ang ganda naman po ng bahay nyo." mangha na sabi ni jenny sa matanda "Kagaya ko ay matanda narin ang bahay na to , buhay pa ang aking asawa noon ng itinayo namin ito. Maaga lang sya namatay dahil sa kanyang sakit. Halika pasok ka" Sabay bukas ng matanda sa pinto ng kanyang bahay at Saka bumungad ang Napakaraming painting sa pader ng bahay. "Wow ang ganda naman nito lola" paglapit nya sa isang litrato ng isang batang kasama ang isang ama. "Iginuhit yan ng asawa ko noon at nagbabakasali na mag ka anak kami ng lalaki kaya mag sumikap ka para yumaman ka iha"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD