"Pinag aral ito ng matanda sa isang pribadong paaralan at doon ay naibuhos nya lahat ng pagtiyatiyaga sa pag aaral.
Isang araw nagulat sya at nagtago sa isang poste ng makita ang kanyang dating kapatid na si Chona at may mga kasamang babae.
Umiwas sya at dali daling lumakad para makalayo.
ngunit kahit na umiiwas na sya ay hindi pa rin sya nakaligtas sa mapaglarong tadhana.
Nang bigla nalang sila nagtagpo ni Chona at nahulog ang kanyang mga dalang libro.
"Oh my God! andito pala ang killer "
malakas na bigkas nito
kaya napatingin naman ito sa kanyang paligid .
Marami ang nagulat at nabigla sa sinabi ni Chona sakanya.
kaya pinagkumpulan sya ng mga studyante.
"Yes Isa syang killer, alam nyo ba na dati ko syang kapatid dahil isa syang Ampon nila mom and dad.
Pero ng dahil sa kanya dad died and hindi ko man lang sakanya na sabi na mahal ko sya.
Dahil namatay si dad sa aksidente dahil sa babaeng yan.
and now dito ka pa talaga nag aral para lang makasama ulit at makipag competent sa akin."
Sigaw nito kay jenny
"Pero namatay si papa dahil sa aksidente, wala naman akong kasalanan sa nangyari" sagot ni jenny
"At natuto ka pang sumagot!!" sabay hawak nito sa ulo ni jenny at pinag sabunutan.
"Tama na yan!!!"
Napahinto silang lahat ng may isang babaeng sumisigaw at yun ay ang kanilang instructor.
"Go to the guidance office right now!"
Bulyaw nito sa dalawa
[PRINCIPAL OFFICE]
"Ano ba naman kayo, kakasimula palang ng buwan tapos ganito na ang mangyayari sa school?
Tomorrow I need to talked to your parents and make sure that they would be come for a meeting.
do you understood!"
"Yes maam" sagot ng dalawa sa guidance councilor
Paglabas ng room ay agad na nagsalita si chona.
"So, sino and dadalhin mo, Kapitbahay nyo hahaha"
Patawa tawa nitong sabi kay jenny habang papa alis.
Pag uwi ni jenny sa bahay ay tahimik syang naghanda ng makakain kayat nag taka ang kanyang lola dahil sa hindi ito umiimik.
"may problema ba apo.?"
Pag tatanong nito
"La.. kasi po, kailangan daw po kayo makausap bukas sa guidance office." sagot ni jenny
"Bakit may ginawa ka bang masama?"
pagtatakang tanong nito sa kanyang apo.
"Wala po lola, kasi po nagkataon na doon din po pala nag aaral si chona, yung dati kong kapatid.
Napag initan at sinisisi nya pa rin ako sa pagkamatay ni papa.
kaya hindi po ako naka tiis at nagsalita po ako sakanya dahilan para sabunutan nya po ako.. sorry po la"
"Aba! walangyang batang yun ah, sisihin nya ang sarili nya wag lang ang apo ko."
Sabay yakap nito sakanya.
Kinaumagahan.
Dali daling tumungo si chona kasama ang ina nitong si susan para sugudin si jenny sa Guidance Office.
"Nasan sya!!"
sigaw na sabi nito habang papasok sa loob ng kwarto.
"Huminahon po kayo misis." pag sasaway ng guidance Councilor.
"Dahil sa babaeng yan namatay ang asawa ko, hindi na nahiya pag katapos naming alagaan at bihisan!!"
Tumayo ang matanda at saka nag salita
"Oy oy oy! babaeng makapal ang mukha ang lakas naman ata ng Loob mo para pag salitaan ang apo ko.
kahit na sino pa sya ampon man sya o hindi.
dapat tinatrato mo sya ng tama palibhasa hindi mo alam ang pinagdaanan ng bata kaya kung makapag salita ka ay parang wala lang.
kung tutuusin nga ay mas nakaka awa ang kalagayan nyong mag ina, dahil hanggang ngayon hindi nyo pa rin matanggap ang pagkamatay ng asawa mo.
Dapat noon nyo pa pinakita ang pagmamahal sakanya hindi yung iiyak kayo kung kailan huli na."
"Abang matanda ka!!" sagot ni susan rito
Inawat na ito ng isa pang guro at saka nag salita ang councilor.
" Tama na po yan, make sure lang na hindi na ito mauulit pa. For the sake of other students and our school.
jenny and chona do you understand any personal issues may be kept for privacy okay?" tanong nito sa dalawang bata
"yes maam" response naman ng dalawa
Paglabas ng apat ay pinagbantaan ito ni susan.
"Oras na guluhin mo pa ang anak ko, hindi ko na ito palalampasin"
sabay alis nito kasama ang kanyang anak
"lola sorry po, pati kayo nadamay pa. hayaan nyo po la hindi na po ito mauulit." sambit ni jenny habang naka hawak sa braso nito.
"Okay lang ako apo, hayaan mo nalang ang batang yun. At kapag ginulo ka pa nya sabihin mo lang sa akin at ako na mismo ang susugod sa kanila." sabay tawa nilang dalawa palabas ng school
Pag uwi ng bahay ay naupo si jenny sa may sala at kinuha ang mga libro pati na ang kanyang mga notebook para mag research at sagutan ang mga assignment nya.
Napatingin naman sakanya ang kanyang lola habang may kausap ito sa telepono.
"Nais kong maayos ito kaagad para wala na akong problemahin pa kung sakali."
Kinabukasan ay agad na gumising si Jenny at dali daling nag ayos para pumunta ng school.
pagdating doon ay nakasabayan nya si chona na papasok na rin ng gate.
agad naman syang pinagsarahan ng gate nito at saka tumawa.
"Late kana stupid jenny." sabay tawa nito habang papalayo.
May bigla naman bumukas ng gate na isang lalaki at saka tahimik na naglakad patungong room.
Napatingin si jenny dahil parang baguhan ito sa kanyang paningin.
Pagdating sa classroom ay nakita nya ang lalaking bumukas kanina ng gate na naka upo sa may gilid nya at tahimik lang itong nakikinig ng music habang naka headphone.
Hindi naman na sya nag usisa at inintay nalang na dumating ang kanilang instructor.
Nakita nyang panay tingin ang mga babae pati na si chona sa lalaking katabi nila dahil sa napakagwapo at tikas nitong itsura.
lalapit na sana si chona para magpakilala sa lalaki ng biglang dumating ang kanilang instructor na si mrs. roces.
"Okay, class before we started i know na alam na ninyo na we have a late comers student from korea.
That's why i should need to introduce you all,
Our new student mr. Jacob Bianchi Lee"
Tumayo naman si jacob at saka nag take ng bow para sa lahat and then naupo na sya at saka inalis ang kanyang headphone.
"Napaka serious type mo naman ata mr. Jacob. May i asked you some questions?"
tanong ng kanilang guro na si mrs. Roces
"Yes, maam" maikling sagot nito
"How old are you and why are you transfered here in our school?"
tanong nito kay Jacob.
Natahimik lahat at iniintay ang kasagutan mula sa bibig ni Jacob.