"I'm 23 years of age and i transfered here for a personal purpose, it's just a privacy and i don't want to talk about"
sabay upo nito
Hindi naman naka pag salita ang instructress nila dahil sa sinabi nito sa isip nito ay for privacy nga siguro talaga.
Nagstart na sya mag lesson para sakanyang mga student pero hindi pa rin si jenny makaconcentrate dahil naiilang sya sa katabi nito.
Hindi nya napansin na nahulog pala ang kanyang pen kaya't pinulot ito ni jacob saka ibinigay sakanya.
"Talagang pinapulot nya pa kay jacob.. tsk" pahinhin na sabi ni chona sa kanyang kaklase.
pagkatapos ng lesson ni mrs roces ay tumunog na ang bell ibig sabihin ay lunch break na.
kaya't dali daling nagsitakbuhan ang mga studyante sa canteen para maghanap ng mauupuan.
nag order na din ng foods si jenny at naupo sa isang tabi.
Nagpila na rin si jacob lara mag order ng pagkain ngunit pinauna na sya ng mga girls. kaya't naghanap sya ng mauupuan.
"You can sit there" pag iimbita ni chona
Pero hindi nya ito pinansin at naupo sya sa bakanteng mesa malapit kay jenny, napatingin pa sya rito dahil nag iisa lang din ito sa mesa habang kumakain.
Biglang Tumayo si Chona at saka binuhusan ng inumin si jenny sa kanyang damit na ikinagulat ng lahat.
Matapos nilang kumain ay agad naman tumungo si Jenny sa comfort room dahil naglinis sya ng kanyang sarili.
pagpasok nya sa loob ng C.R ay nakita pala sya nila chona na pumasok doon kaya't napagkatuwaan siya nitong ilocked at saka umalis habang tumatawa kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Hindi ba tayo papagalitan ni principal?" tanong ng isa nitong kasama
"of course not, hindi naman malalaman ni principal hindi ba?" sabay tawa ng mga kasamahan nito
bubuksan na sana ni jenny ang pinto ng CR ng hindi nya ito mabuksan.
sakto naman na nag bell na at time in na nila kaya nagpanic na sya.
"Hello, may tao ba sa labas?
pabukas naman po ng pinto.. please nalocked ako dito sa loob."
sigaw nito ngunit wala namang nakakarinig sakanya.
Buti na lang at sa tabi nito ay ang CR ng lalaki at nagkataon naman na papasok si Jacob para mag Cr ng may narinig syang sumisigaw sa loob ng females room
kaya lumapit sya dito para buksan.
"Tao po!! tulungan nyo ako!
nakalocked po yung pinto sa labas!! pabukas naman"
pag sisigaw nito para may makarinig sakanyang tao sa mula sa labas.
binuksan ni jacob ang pinto at bumungad sakanya si jenny na pawis na pawis.
"salamat.."
marahang sabi ni jenny at saka dali daling tumakbo patungong classroom.
pagpasok ni jenny sa room ay pinagtatawanan sya ng mga grupo nila chona dahil pawis na pawis ito.
"mukhang haggard ka ata jenny."
pang iinsulto ni chona habang pinag tatawanan nila si jenny.
Pumasok naman na sa loob ng room si Jacob at saka naupo sa may gilid ni jenny.
Maya maya pa ay dumating ang kanilang professor na si Vincent.
"Since this is the first day that we met,
I allowing you all to Take this chance to Dismiss but- since this is a music class i'll invited you to join in our organization where you can share your talents in singing and other musical instruments.
But if you were not interested in our Organization you can also join in other department to show your skills and passion.
So that's all for today and next meeting we will divided you in to two group for our singing duo.
so goodluck and don't forget what i say. Bye class."
Nagsigawan naman ang lahat sa klase dahil sa pag dismiss sakanila ng kanilang guro.
at nagsitakbuhan sa labas para sumali sa mga organization sa school.
Naiwan naman si Jenny, Jacob at si Chona sa loob ng room dahil nag aayos pa ito ng mga gamit nila sa desk.
lumapit si Chona at saka naupo sa may upuan sa harap ni jacob.
"Will i be your partner in singing duo?"
Tanong nito kay jacob habang nag aayos ng sapatos.
Tumingin ito sakanya at saka nagsalita.
"nag usap na kami ng partner ko."
malamig nitong sagot sabay talikod kay chona.
"pero sino?" pagtatakang tanong nito.
"It's none of your business." sagot nito sakanya at saka inilagay ang libro sa may lalagyanan sa gilid ng kanyang mesa.
Umalis naman na si Chona at binunggo si jenny bago tuluyang lumabas ng room.
Kinuha na rin ni jenny ang kanyang bag at saka tumayo para lumabas na sana nang biglang nagsalita si jacob kaya napahinto sya.
"Miss..."
Tumayo ito at saka naglakad patungo kay jenny.
"Tayo ang mag partner sa Music class.."
Lumabas na ito ng room at naiwan si Jenny na nakatayo at gulat na gulat.
"Pero--"
Hindi na si jenny nakapag patuloy ng salita dahil tuluyan na itong umalis sa classroom at may kalayuan na din.
Habang palabas sya ng school ay di nya mapigilan maisip kung bakit sya ang napili ni jacob para maging kaduo sa music class nila..
[Jenny thought]
Malaking gulo na naman to para kay Chona. kapag nalaman nya na kami ang magka partner ni Jacob. Hays.. ano kaya ang gagawin ko..
Pag uwi ni jenny ay kaagad syang naupo sa kanyang kama at saka nahiga.
napansin nya na tila wala ang kanyang lola kaya hinanap nya ito sa buong bahay..
"lola!!" sigaw nito habang naglilibot sa buong paligid
"lola nasaan kana ba?" pag aalala nitong sabi habang kausap ang sarili.
Pag uwi nya sa bahay ay nakita nya itong kakauwi pa lamang sakay ng kotse.
"Saan ka po ba la nang galing? kanina ko pa po kayo hinahanap bakit po kayo umaalis nang wala man lang pong pasabi" sabay yakap nya dito sa sobrang pag aalala.
"Ano ka ba apo may mga inaayos lang akong papiles para din naman yun sa kinabukasan mo" sagot nito habang nakahawak sa pisngi ng kanyang apo
"halika na at kumain na tayo, kamusta ang school mo ngayong araw ha apo ko "
dagdag pa nitong tanong kay jenny