bc

Falling for the Disguised Billionaire

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
fated
second chance
submissive
heir/heiress
sweet
bxg
city
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Nakapag-aral si Amary Mercer sa kolehiyo kapalit ang kondisyong paibigin at baguhin ang notorious playboy na si Damien. Ngunit habang niloloko siya nito ay natagpuan niya ang tunay na pag-ibig sa seryoso at misteryosong si Renver o mas nakilala niya sa pangalang Renz Black. Lumalim ang pag-ibig niya rito matapos niyang hiwalayan si Damien. Ngunit matutuklasan niya ang tunay na pagkatao ni Renz lalo na ang nakatakda nang pagpapakasal nito sa iba.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MAAGANG naulila si Amary Mercer sa ama. Ang inang si Amarah ang mag-isang bumuhay sa kaniya. Naaksidente sa isang construction building ang ama niya noong limang taong gulang pa lamang siya. Katiwala sa mansiyon ni Vice-president Daniel Vash ang ina niya at sa apartment na pag-aari nito sila nakatira. Nasanay si Amary sa simpleng buhay ngunit masaya siya dahil kasama niya ang kaniyang ina. Maghapon lang ang trabaho ng kaniyang ina. Sa gabi ay nakakasama niya ito at sa araw ng day-off. Siya naman ay nasa kolehiyo at nasa pangatlong taon sa pangalawang kurso. Sinagot lahat ni Daniel ang scholarship niya sa Blackwood University. A prestigious university in the country owned by an American businessman, Ronald Blackwood. University of wealthy people ang tawag ng karamihan dahil halos may mga masasabi sa buhay ang nakakapag-enrol sa nasabing unibersidad. Tourism ang unang tinapos niya ngunit hindi agad nakapagtrabaho dahil inalok ulit siya ni Daniel na kumuha ng business administration. Plano kasi nito na kuhain siyang empleyado sa kompanyang pag-aari nito. At makatulong sa pamamahala. Hindi siya nakatanggi dahil iyon naman talaga ang unang pangarap niya. At isa pa, bibihira ang mabigyan ang ganoong opportunity, ang libreng pag-aaral. Ngunit hindi siya makatanggi sa kapalit nito. “Oh, anak, kumusta naman kayo ni Damien?” tanong sa kaniya ng ina niya habang sabay silang naghahapunan. Tinutukoy ni Amarah ang kasintahan niya na anak ni Daniel. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Damien ngunit hindi niya maramdamang karelasyon niya ito. Bahagya siyang napabuntong-hininga. Inipalag muna sa plato ang kutsara at tinidor. Napatingin sa mukha ng ina. “As usual pa rin po. Parang wala lang. mas malapit pa nga po ako sa mga kaklase kong lalaki kaysa sa kaniya. Marami siyang pinagkakaabalahan kaya hindi ko na pinapansin,” sagot niya. Itinuloy niya ang pagkain. Mahinahong napailing ang ginang habang inaabot ang basong may tubig. Si Damien ang kapalit ng scholarship niya. Dahil malaki ang tiwala ni Daniel na siya ang makapagpapabago sa anak nito. Hindi lang matigas ang ulo ni Daniel, naging malaking tinik na ito sa ama dahil sa kung sinu-sinong babae ang inuuwi. Hindi naiiwasang maapektuhan ang pag-aaral ni Amary. Madalas kasi siyang napi-pressure sa situwasyon nila. Iniisip niya rin ang kalagayan ng ina na matagal nang naninilbihan sa pamilyang Vash. “Puwede mo namang hiwalayan si Damien kung hindi mo na talaga kaya. Pangalawang araw pa lang naman ng pasok mo bukas. Puwede ka pang huminto,” payo ng ginang. Napatingin siya muli sa ina. “Ma, hindi naman po ganoon kadali iyon. Mawawalan po kayo ng trabaho at mawawala rin ang scholarship ko. Sayang naman ang nasimulan ko na,” sagot niya. “Eh kaysa naman maging impyerno ang buhay mo sa kaniya. Ngayon pa nga lang hindi ka na pinahahalagahan. Alalahanin mo, nasa agreement ninyo ni Sir Daniel na pagkatapos ninyong mag-aral ay magpapakasal kayo ni Damien.” Dahan-dahan siyang napayuko. Biglang nanabang ang panlasa niya sa pagkain. Hindi na siya nakasagot ngunit lumalim ang iniisip niya. Hanggang sa pagtulog ay nakasiksik sa isipan niya ang sinabi ng ina. WALANG maayos na tulog si Amary kaya napansin kaagad ng kaibigan niyang si Jessy Park ang matamlay niyang kilos. Nasa entrance siya ng university nang maabutan nitong naglalakad siya. “Himala hindi ka hinatid ni Damien ngayon. At bakit parang inagawan ka ng kaligayahan? Are you really okay?” puna ni Jessy sa kaniya. Hindi sila nagmamadali sa paglalakad dahil may isang oras pa bago magsimula ang unang klase nila. Alam na kaagad nito kapag may mabigat siyang dinadala. Tahimik lang siya at sumasabay sa paghakbang ni Jessy. “Alam mo, besh, your whole day will be gloomy as you started being sad in the morning.” Si Jessy pa rin ang maingay. Dati ay halos marinig sa malawak na compound ang boses nila kapag nagkatuwaan. Naiintindihan naman siya ng kaibigan. Marami na ang lumalagpas sa kanila habang sila ay relax pa rin sa paglalakad. “Oy besh! Umimik ka naman diyan,” anito. Saglit lang siyang napasulyap sa kaibigan. Mahigpit ang yakap niya sa kumpol ng libro. Kahit papaano ay naiibsan ang bigat sa dibdib niya habang yakap ang mga ito. “Okay, just take your time to meditate. Alam kong masakit na ang ulo mo sa boyfriend mo na ‘yan. By the way, hindi ko nga pala nakasabay ngayon si Ella dahil may early class daw sila sa laboratory.” Tinutukoy ni Jessy ang isa sa kaibigan nilang si Ella Sy, ang tsinitang kumukuha ng doctoral degree katulad ni Damien. Pinakasosyal nilang kaibigan. May pagkakikay naman si Jessy. Pero siya ang pinakasimple. Nasa pasilyo na sila ng departamento na pupuntahan nila. Nakikinig siya sa patuloy na kuwento ni Jessy tungkol sa kaibigan nilang si Ella. Panay sa ibaba ang tingin niya dahil hindi maiwasang isipin niya si Damien. “Ay kalabaw!” biglang tili ni Jessy. Pero siya ang biglang nawalan ng balanse at gulantang dahil siya ang sumalpok sa malaking katawan ng nakasalubong niya. Namataan niya ang mga libro sa sahig na kanina’y hawak lang niya. Tulalang napanganga si Jessy habang nakatingin sa kaniya. Siya nama’y tila hinanap pa ang kaluluwang humiwalay sa katawan niya. Sa lakas ng pagkabangga niya sa kasalubong ay nayanig ang mundo niya. Ni hindi na niya alam kung ano ang huli niyang ini-emote. “Bakit hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo?” Biglang seryoso at mapanising boses ng lalaki ang nagpakunot sa noo niya. Bahagya niyang nilayo ang sarili to see who’s that annoying man. Nakuha nito ang inis niya dahil hindi man lang ito nag-sorry. “Ako pa talaga ang sinisisi mo eh ikaw na nga ang…” Naudlot ang sasabihin niya nang ibaba nito ang katawan para pulutin ang mga libro niya. Kahit si Jessy ay manghang napatutop sa bibig habang sabay nilang sinusundan ng tingin ang galaw nito. An ordinary man in simple hoody black shirt and navy blue pants. Nakasuot ng eyeglasses. Walang kung anong dekorasyon sa katawan maliban sa headset na nasa magkabilang tainga nito. “Next time, huwag mong angkinin ang daanan,” simpleng salita nito na nagpatiim ng bagang niya. Pagkuwa’y nilagpasan lang sila nito. “Masama pa yata ang loob na iniabot sa iyo ang books mo,” komento ni Jessy. Sinundan niya ang tuwid at deretsong paglalakad ng lalake. Kahit nakatalikod na ay pansin niya ang atletikong pangangatawan nito. “Kahit na, dapat pa rin sana siyang mag-sorry. Tumalsik espiritu ko sa laki ng katawan niya,” gigil niyang sambit habang nakatanaw sa paglaho nito. Humagigik si Jessy sa pag-atungal niya. “In fairness, besh! Ang pogi kaya niya. Hindi mo ba napansin? He looks simple pero may something sa mukha niya eh. Parang may lahi. Transferee yata iyon. Ngayon ko lang siya nakita rito,” ani ni Jessy. Nagpatiuna siya. “Let’s go, Jess. Hayaan mo na ‘yon. Dumagdag pa rin siya sa bad mood ko. Kahit gaano pa ‘yon kaguwapo, wala akong pakialam.” Nagpatuloy na lamang sila ni Jessy sa paglalakad hanggang sa makarating sa business administration deparment. Hindi pa man nila narating ng classroom na papasukan nila ay humarang na sa daanan si Zara Vash, the dean. Kapatid ni Damien. Hindi pa man ito nagsalita ay tinikwasan na siya nito ng kilay. Gandang-ganda sa paired of black vest and mini skirt. Liyad na liyad sa three inches high heeled shoes. “Ang bruha, papalapit na,” bulong ni Jessy sa kaniya. Sanay na siya sa galawan ng dean. Hindi lang niya pinapatulan. Mas mataas pa rin ito kaysa sa kaniya. “Crossing my way again? You still have guts to walk like a leech sucking my family’s money!” Lihim na nanggigil ang mga kamay ni Amary sa sinabi nito. Bad mood na nga siya, makasalubong pa ng asungot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
845.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
389.4K
bc

Not just, the Beta

read
364.0K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook