Elysha
"Kayden..."
Hindi ko alam anong sasabihin ko. I can't speak as if my tongue were tied together. Napapikit ako when he suddenly slammed the steering wheel so hard.
"What is this bull s**t all about huh?!" Galit na sigaw nito.
"K-kayden can we calm down first-"
"How can I f*****g calm down Elysha?! Tell me how!" Sigaw niya ulit. Hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.
"I'm just as shocked as you Kayden kaya pwede ba! Wag mo akong sigawan!" I bursted in anger.
I know he's scared and I am too! Hindi ko rin naman alam anong gagawin ko kasi hindi naman kaming dalawa ang nagdesisyon nito.
"Wow and now you're mad? If I know pinilit mo yata ang mommy mo to set this up. You all have the power to this Ely and that's bull s**t! Akala ko ba okay na tayo last month? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sakin?!" Sumbat niya.
Kung hindi ko lang sana gusto ang lalaking to matagal ko na tong sinuntok!
"Kayden pwede ba! It's true that I like you, I wouldn't deny that but accusing me for setting this arranged marriage is bull s**t! Ano bang tingin mo sa akin? Ganun na ba talaga ako ga desperada?!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.
Natigilan siya sa sinabi ko. He looked at me full of amazement and he smirked.
"How would I know if you're really desperate or not? Tsk."
He just shake his head and started driving. Masama ang loob ko habang sinasandal ang ulo ko sa bintana. I never knew that the guy I liked is a monster. I get that he's mad but is it a good reason for accusing me like that?
Ni hindi nga niya ako hinayaang mag explain!
"How would I explain this to Claire huh?" May galit pa rin sa boses niya.
"I'll talk to her." Wala sa sariling naisambit ko.
"As if that will do any good." Masungit na sagot nito.
"Eh ano bang dapat kong gawin? Yun lang ang magagawa ko!" Naiinis kong turan.
"Aren't you gonna convince your parents to stop this? Parang gustong gusto mo rin yung nangyayari ah? Hindi mo ba sila pipigilan?" He said in a sarcastic tone.
"Kayden do you think I didn't do that? I did that earlier bago pa ako umalis ng bahay kaya pwede bang wag mong ibuhos sakin lahat ng sisi? If I know may kinalaman rin ang mommy mo. Bakit di mo rin sya kausapin? Tutal dalawa naman silang nagplani nito!" Sigaw ko sa kaniya.
Bigla siyang natigilan sa sinabi ko na para bang natauhan siya. I suddenly felt a chest pain and difficulty in breathing.
Napapikit ako at napahawak sa dibdin ko. Kayden doesn't seem to notice me yet dahil nagda-drive pa sya.
"K-kayden..."
Nahihirapan at nanghihinang tawag ko sa kaniya.
"What?!" Naiinis nitong sambit ngunit agad ring kinabahan nang makita niya akong nahihirapang huminga.
"P-pwede mo bang lakasan ang aircon?" Pakiusap ko sa kaniya.
I am gasping for air habang kinakapa ang bag ko. Natataranta rin naman siyang pinapalakasan ang aircon.
"What the f**k is happening Ely?!" Sigaw niya.
Hindi pa rin ako makapagsalita because I'm still gasping for air and I'm still having chest pains.
He stopped the car on the side road at inagaw niya ang bag ko.
"What do you need? Anong hinahanap mo?!" Natatarantang usal nito.
"I-inhaler!"
Halos matapon na lahat ng laman ng bag ko sa pagmamadali niya. He finanlly saw it and gave it to me.
"I-ito na! Ito na dahan dahan lang!" Sambit niya.
I took it from him at agad kong ginamit. I also took another medicine and he gave me some water. Binuksan ko ang bintana ng kotse niya at agad na nilabas ang ulo ko para makalanghap ng preskong hangin.
Nakahinga ako ng maluwag nang dahang dahang humupa ang sakit sa dibdib ko at nakakahinga na rin ako ng maayos.
After a while ay bumalik na ako sa pagkakaupo at sinarado ko na rin ang pinto ng kotse niya. Sumandal muna ako habang nakapikit.
There's a silence between us.
"A-are you okay?" Bakas ang pag aalala sa boses nito.
Maybe he's just scared that he might be blamed if something happens to me. Wag mong paasahin ang sarili mo Ely, hindi siya nag aalala sayo.
"Yeah I'm okay." Matamlay na sagot ko.
"May asthma ka ba?" He asked.
"Yeah pero minsan lang naman yon. Hindi ko lang alam bakit bigla akong inatake ngayon. Maybe because I was shouting earlier." Paliwanag ko.
"I-im sorry." Paumanhin nito.
Is he guilty? I secretly rolled my eyes. Kung hindi pa ako inatake ng asthma hindi rin naman yan magso-sorry. Bakit kaya nagkagusto ako sa lalaking to?
Hindi na ako nagsalita muli. Hindi niya pa rin pinapaandar ulit ang kotse at katahimikan lamang ang namamagitan sa amin.
This silence is suffocating me.
Alam kong hindi pa rin kami nagkakaintindihan ni Kayden kaya mas mabuti pa siguro kung bigyan na muna namin ng space ang isa't isa para makapag isip. Alam kong sinisisi nya ako ngayon at wala pa rin namang mangyayari kahit mag explain pa ako dahil sarado pa rin yung pag iisip niya.
Inayos ko na ang bag ko and he was just staring at me. Hindi ko na sya pinansin at agad ring tinanggal ang seat belt ko.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang usal nito.
"I'll take the cab. Alam ko namang susunduin mo rin si Claire kaya ayokong mahirapan ka ng mag explain. And I also don't like sitting in someone else's place," sagot ko.
Tinutukoy ko yung passenger's seat. Alam kong trono yon ng girlfriend niyang si Claire. Ayoko rin namang mag away pa sila dahil sakin. Hindi ko ugaling manira ng relasyon ng iba.
"Ely nag sorry na nga ako kanina diba? Mapapagalitan ako ni dad kapag hinayaan kitang umalis. He told me to take you to school." Naiinis na naman niyang turan.
"It's fine. Hindi mo naman kailangang mapilitan eh at isa pa hindi rin naman ako magsusumbong," I answered.
"You can still go with us. The back seat is empty." He offered.
"Thanks, but no thanks."
I immediately got out of the car at pabagsak na sinara ang pinto ng kotse niya. Napaka-insensitive talaga ng kupal na to. Sa tingin ba niya magiging masaya ako sa pagiging third wheel sa kanilang dalawa ng girlfriend niya?
Baka atakihin lang ulit ako ng asthma don! Masasaktan pa ang puso ko!
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kotse niya at alam kong sinusundan niya pa rin ako.
"Hey! Get inside here malalagot ako kay dad ano ba!" Sigaw niya habang tinatawag ako at ilang beses pa syang bumusina.
My face lighten when I saw a car next to his. Alam ko kung kaninong kotse yon! Kay Albee yon!
I waved my hand. Nag overtake siya sa kotse ni Kayden at huminto sa harap ko. Binuksan ko agad ang pinto ng kotse niya at bago ako pumasok at binelatan ko muna si Kayden.
Lintik lang ang walang ganti.
"I'm really glad you're here!" Bulalas ko.
Albee greeted me with his cute smile. Lumabas na naman ang dimple niya sa cheeks.
"What happened? Kotse yon ng crush mo ah?" Pang aasar nito.
"Oh please shut up maagang nasira ang araw ko." Hirit ko sa kaniya.
Albee is my boy best friend. Magkakilala na kami since first year college hanggang ngayon na third year na kami. We are really close as if we're siblings. Mabuti nalang talaga at palagi siyang to the rescue.
"Bakit ano bang nangyari?" He asked.
I started telling him what happened. And he was so mad!
"Are you sure na okay kana? Gusto mo bang dumaan muna tayo sa hospital?" Tanong nito sa akin.
"Nah hindi na kailangan. I'm really fine right now. Mabuti nalang talaga perfect timing yung pagdatin mo." Nakangiting sambit ko sa kaniya.
Nag usap usap lang kami habang sa byahe hanggang sa nakarating na kami sa school. Actually wala naman na talaga classes. Pumupunta lang kami dito to comply some of the requirements na hindi pa namin napapasa.
"We are we going after this?" Tanong ni Albee.
"I don't know. Hindi ka ba busy?" Tanong ko sa kaniya.
"I'm not. Ipapasa ko lang to kay Mrs. Castro then I'm good to go. How about you?" Tanong nito.
"Well may ipapasa lang akong project kay Mr. Villamonte wala na rin akong pupuntahan after non," sagot ko.
"Wanna go to the arcade?" Tanong ni Albee.
The arcade is our go to place. Palagi kaming nakatambay don. Madalas na nga kaming napagkakamalang mag jowa eh but we know that we're just good friends for each other.
Nag separate ways muna kami ni Albee para ipasa ang dapat naming ipasa. Napagpasyahan naming magkita nalang sa first floor sa baba ng hagdan na inakyatan namin.
Pagkatapos kong magpasa ng project ay bumaba na rin ako agad. Nakita kong nakatayo si Kayden sa baba.
I'm ready to not notice him. Hindi ko nalang sya papansinin dahil wala rin naman akong sasabihin sa kaniya.
"Hey Ely can we talk?"
I was already passing by him when he suddenly called me. Lumingon ako sa kaniya at kunyaring tumingin pa sa wrist watch ko.
"Sorry ah nagmamadali ako eh. May pupuntahan pa kase kami," usal ko sa kaniya.
"Kami? Who are you going with? Kanina bumaba ka sa sasakyan ko at sumakay ka sa ibang kotse tapos ngayon aalis ka na naman?" Tanong nito.
What's up with him? Bakit bigla nalang siyang nagkaroon ng pake sa akin.
"Uhh I didn't know na I'm obliged to tell you about my whereabouts?" Masungit na sambit ko.
"Of course you are! Sa akin ka binilin ni daddy kaya malilintikan ako kapag may nangyaring masama sayo."
I almost rolled my eyes. Really huh?
"Well binilin lang naman na ihatid ako sa school diba? I already arrived safe here. Akala ko ba naiinis ka sa akin? Bakit bigla kang nagkakaganyan? High ka ba?" Naiinis na tanong ko.
"I told you we need to talk!" Naiinis ring sambit niya.
"I already told you I don't have time to talk right now. May pupuntahan nga kami at pwede ba? Wag mo akong kausapin dito baka makita ka ng girlfriend mo."
"Hey Ely okay na ba?"
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Albee na naglalakad habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya.
"Yeah let's go!" Nagmamadaling sambit ko at tiningnan pa ulit si Kayden.
"Mas importante ba yang lakad mo kesa sa pakikipag usap sa akin?" He said in a cold tone.
May dalaw ba sya ngayon? Nirereglaba sya? Bakit ba bigla siyang nagkakaganyan?
"Next time nalang tayo mag usap Kayden. I need some time for now and so do you. At isa pa we can't talk if you're still close minded kaya pwede ba pahupain mo muna yang inis mo saken baka atakihin na naman ako ng asthma kapag magtatalo na naman tayo!"
Hindi ko na siya hinayaan pang sumagot. Mabilis kong hinila si Albee at nag walk out ako sa harap niya.
Hindi siya dapat umaakto ng ganun. He's getting my hopes up kaya ako naiinis sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkakaganun. Napapraning na ba sya?
"What was that about?"
I snapped out of my reverie when Albee asked me.
"Hindi ko rin alam. He said he wanna talk to me and he suddenly acted like I'm his responsibility," ani ko.
"So what are you gonna do now?" Tamong nito habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"I don't know. I don't wanna get married." Malungkot kong sambit.
"Why? Isn't he your long time crush?" Casual na tanong nito.
"Yeah he is. But I still don't wanna marry him tho. May girlfriend na sya at ayoko rin namang ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya," I answered.
Albee pulled me closer to him and he put his arms on my shoulders.
"It's fine. A man like him doesn't deserve you anyway." Makahulugan niyang sambit.
Naguguluhan ako sa sinabi niya but I just shrugged.