Chapter 2

1130 Words
Elysha It’s been a month since nag confess ako kay Kayden and I never thought I would feel better like this. Nung araw na nag confess ako sa kaniya ay nag usap kami ni Anastasia pagkatapos ng party. “Oh bakit parang lugmok na lugmok ka dyan? Daig mo pa yung may malaking utang sa bangko,” ani nito. “Shut up ka nga Sia heart broken ako ngayon,” usal ko sa kaniya. “Hahaha hulaan ko, binasted ka ni Kayden no?” Tumawa pa siya ng malakas habang pumapalakpak. “Hahaha kawawa ka naman.” Pang aasar nito sa akin. “Antayin mo lang na ikaw naman ang nasa sitwasyon ko. Malalaman mo kung anong feeling ng hindi kayo magkakatuluyan ng lalaking matagal mo nang gusto,” sambit ko sa kaniya. “Duh as if naman no. I will not let someone get on my way. Walang makakapigil sa happy ever after ko tsk.” Determinado talaga tong babaeng to sa mga plano niya sa buhay. How I wish na sana ganun din kadali sa akin na gawin yun. “Pero di nga ate, nag confess ka kay kuya Kayden kanina?” Tanong nito sa akin. “Oo,” sagot ko at tumango pa. “Anong sinabi niya?” Usisa nito. “Well. He said that we’re friends and we’re good. May girlfriend siya at naiintindihan ko naman yun.” May panghihinayang pa rin sa boses ko. “At least nasabi mo na diba?” Sumang ayon ako sa sinabi niya dahil tama naman yun. May damdamin akong pinakawalan na matagal ko nang tinatago. Isang buwan na mula nung nag confess ako sa kaniya at mas lalong bumuti ang nararamdaman ko. I no longer tremble when he’s around. We still exchange smiles at hindi naman kami naiilang sa isa’t isa. Nagseselos pa rin ako kapag nakikita ko silang magkasama ng girlfriend niya. Hindi ko naman pinipigilan ang sarili kong magselos because it’s normal. Mawawala rin naman to pagdating ng panahon. Hindi ko minamadali ang sarili ko na maka move on kay Kayden dahil alam kong aabot naman ako diyan. Kakagising ko lang ngayon dahil may pasok pa ako. Naligo na agad ako at nag ayos pagkatapos ay bumaba na ako sa dining area. Napakalaki ng bahay namin but it seemed so empty. Bilang lang ang mga araw na kumpleto kaming lahat dahil madalas wala sila mommy at daddy dito. I wonder bakit andito ngayon sila mom and dad himala ata na wala silang business trip. Lumaki kami na halos maids at ang yaya lang namin ang kasama. Pagbaba ko ay nakita ko na kumpleto kaming lahat. Ako ata ang pinaka last na bumaba. “Good morning everyone!” Bati ko sa kanila. “Good morning Ely hija. Umupo kana dahil may good news ako sa iyo.” Kinabahan ako sa sinabing good news ni mommy lalo na nung makita kong parehong napairap si kuya Vaughn at si Anastasia. Umupo ako sa tabi ni Anastasia ang kinuha ang table napkin at nilagay iyon sa paa ko. “Kumain na kayo,” utos nito sa amin. Kumuha na ako ng rice at bacon at ganun rin ang mga kapatid ko. Nakakailang subo pa lang ako nang magsalita ulit si mommy. “Elysha anak, we already found the perfect man for you!” Excited na usal nito. Na disappoint ako sa sinabi niya. Pagkatapos ni kuya Vaughn ako naman? Is that the reason why they’re here? I mean busy ang mga magulang ko kaya minsan lang sila umuwi dito at madalas tumatagal lang sila ng isang araw. “Mom I think Elysha is still not ready about that marriage thing. Kakatapos mo nga lang sirain ng buhay ko a month ago tapos isusunod mo naman si Elysha? My God mom please take a break!” Napatingin ako kay kuya Vaughn nang sabihin niya yun. Swerte talaga kami ni Anastasia sa kaniya kasi hindi niya kami pinapabayaan. “Mind your manners Vaughn! Nasa hapagkainan tayo. How dare you disrespect me like that!” Napayuko kaming tatlo sa sigaw ni mommy habang si daddy naman ay walang imik. “Whatever.” Rinig ko pang bulong ni kuya. “Anyway hija, I know this man will be so perfect for you. He also came from a rich family kaya naman he’s qualified to be your future husband.” Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi ni mommy. Yeah money really matters in this household. “Mom kaka engage lang ni kuya a month ago. I think tama siya we should take a break,” sabi ko. “Oh no dear. Everything is settled. Napag usapan namin to noong engagement party ng kuya mo at ni Leslie. Alam mo ba yung anak ng mga West? Si Kayden?” Sabay kaming nagkatinginan ni Anastasia nang banggitin ni mommy ang pangalan ni Kayden. Wtf! Don’t tell me I’m marrying him?! “Mom!” Napasigaw ako dahil dun. “What? Matagal na naming napagkasunduan ng mga magulang ni Kayden at sumang ayon rin naman siya. You need to be engaged lalo na’t ikakasal na ang kuya mo kay Leslie.” Napasapo ako sa noo ko nang sabihin niya yun. So a month ago pa pala nila to plinano? Bakit? Bakit siya pa! “Mom Kayden has a girlfriend please wag mo namang gawin to sa kaniya!” Pakiusap ko. “Well I can’t do anything about it. Napag usapan na namin yun ng parents niya at ano ka ba naman hija maghihiwalay rin naman sila. It’s not a big problem,” sagot nito ang nagpatuloy sa pagkain. “Pero mom-“ “No buts Elysha. I don’t want to hear another word from you. Kumain kana dyan.” Gusto kong maiyak sa sinabi ni mommy. I tried to look at dad pero hindi rin ito nakatingin sa akin. I saw kuya Vaughn’s apologetic look at ganun rin si Anastasia. I know they know how I feel. Ano nalang ang sasabihin ni Kayden sa akin? Oo gusto ko siya but I don’t want to cause a problem between him and his girlfriend. Hindi naman ako ganun ka desperada. “Bilisan mo na dyan Elysha. Your fiance will be picking you up.” Naibagsak ko ang kubyertos na hawak ko nang sabihin niya yun. “What?!” Gulat na tanong ko. “Yeah his father called me earlier and said na susunduin ka raw ni Kayden mamaya so be ready.” Damn it nababaliw na talaga sila! Bakit naman ako susunduin ni Kayden? I know they forced him to do it! “Madam Elysha andito na po si sir Kayden nag aantay po sa labas,” usal ng isang maid namin. Masama ang loob kong tumayo at umalis sa hapag kainan dala dala ang bag ko. Kayden and I studies at the same school kaya siguro pinilit itong sunduin ako. I saw his car outside pero hindi naman siya lumabas. I guess he won’t open the door for me kaya ako nalang ang kusang nagbukas nun. I can feel his dark aura. I guess he already knew the news. Napapikit ako habang umuupon sa passenger’s seat. “Elysha. We really need to talk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD