Liberian Girl-10

4756 Words
***Wraine's POV*** Hi I'm Wraine Mark Nelson and you can call me Rain or Marky it's up to you, Matangkad, matangos ang ilong sabi nang iba may pagkahalintulad daw ako sa mga greek legends but I don't know if it's true, and also medyo chubby ako at may pagka maingay minsan. "Pwede bang tumahimik ka! Ha tabachoy!?!" sigaw ni nang babaeng hindi krinush back nang lalaking mahal niya. "Tsk...Parang pinaglihi sa galit.." bulong kong sabi saka nakipag usap sa mga lalaking barkada ko. "Oii basta hah! mamaya kita kits!" "Sure ka bang wala si Mrs. Nelson dun?" "Kahit andun pa yun wala akong pakialam... basta mamaya ah! Kita tayo!" hindi ko gusto si Mama kasi nang dahil sa kanya iniwan kami ni Papa. Bata pa lang ako sa tuwing uuwi ako laging nag aaway sina Mama at Papa kaya lagi nalang ako pumapasok sa loob nang kwarto hanggang sa makatulog ako na wala pang kain kase nawalan na ako nang gana. Si Papa ay isang Piloto habang si Mama naman ay flight attendant. Binubuhay lang ako ni Mama sa pamamagitan nang pag tatrabaho niya sa airline's. "Nak nagluto ako!" nilampasan ko lang siya saka pumunta sa taas at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis na ako saka naghanda nang maiinom para mamaya para ready na ang lahat pag dating dito nila Jake. Narinig ko na ang boses nang mga tukmol kaya lumabas na ako nang kwarto at nadatnan sila dun nakipag usap kay Mama. "Hi po Mrs.Nelson... Magandang gabi po makikiingay nanaman po kami dito" ngiti nang mga kaibigan ko kay Mama. "Okay lang! ano ba kayo! o siya baka hinihintay na kayo dun ni Wraine...Saka wag masyadong mag pakalasing ha" bulong ni na rinig ko parin naman kahit medyo malayo ako sa kanila. "Pwede ba! wag mo nga kaming pagsabihan kung ano ang dapat gawin!" sigaw ko sa kanya napatingin naman sa akin ang aking mga kaibigan tumalikod na ako saka pumasok sa kwarto narinig ko pa silang nag sorry kay Mama. "Mark! shot!" bigay nang isang kaibigan ko nang baso sa akin nilagok ko na ito. "Alam mo brad, dapat pasalamat ka kasi andyan pa si Tita para sa'yo! eh ako? wala! wala na akong ina na magmamahal sa akin kasi patay na siya" bata palang tong si Jake ay namatay na Mama niya ang Papa niya naman ay iniwan sila. Si Ryan naman ay hindi alam kung sino ang Nanay niya kasi iniwan lang siya sa Tatay niya. "Wala akong pakialam... Edi kung gusto niyo magkaroon nang Nanay edi sa inyo na siya!" sabi ko sa kanilang dalawa na alam kong hindi nila sinang ayunan. Nandito ako ngayon sa bilyaran kasama ang tropa ko si Mama naman ayun nandun sa trabaho niya na mahal niya. Napalingon ako sa babaeng pumasok sa pinto, grabi ang ganda talaga nang babaeng toh maldita lang at laging mainit ang ulo na parang araw araw ay may regla. "Hoy Shaneskie!!" napalingon siya sa akin sabay taas nang kilay niya saka ako tinalikuran. "Tsk pakipot pa!" ininom ko na ang beer ko saka ako tumira at pumuntos sa billiard saka naki pag apir sa mga tropa. "Banyo lang ako brad.." "Sige... Oii ikaw bayad nito ah!!" "O sige sure!..." Pumunta na ako sa banyo para umihi dun kaya pagkapasok ko ay binuksan ko na ang zipper ko saka simpleng umihi at pumikit pikit at dinama ang relaxation sa tuwing umiihi ako. "Ang haba naman.." napamulat ako nang may narinig ako sa tabi ko at pag lingon ko nakita ko ang lalaking naka make up na nakatingin sa junjun ko. "Put*ng ina!!.... hoii bakit ka tumitingin ha!!" dali dali kong sinirado ang zipper ko at parang may nahagip ang zipper kaya binuksan ko ulit ito at dahan dahan na sinirado. "Ang haba naman nun Papa!.." walang pagdadalawang isip ay sinakal ko na siya at dinikit sa pader. "Ahhh! r**e!! r**e!!" sigaw ba naman nito. "Hoy anong nangyayari dito?!?" pinaghiwalay kami nang lalaki na pumasok dito saka ako marahas na lumabas nang banyo at bad mood na bumalik sa mga tropa ko. "Brad ayos kalang—" "Bwesit na bakla!!" nang marinig nila ang dahilan kung bat ako nawala sa mood ay tinawanan lang ako nang mga ito. "Hahaha!!!" sige tumawa lang kayo hanggang sa mawalan kayo nang oxygen at mamatay. *Ring ring ring* Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Mama kaya hindi ko ito sinagot at hinayaan lang ang sumunod pa na mga tawag niya. Lasing akong uuuwi sa bahay kahit di pa friday ngayon. Nagtaka ako kasi habang papalapit ako sa bahay maraming mga ambulansya at mga police kaya dali dali akong lumabas nang kotse saka pumasok sa bahay hinarangan pa ako nang ibang autoridad pero sinabi ko na ako ang anak nang may ari nang bahay kaya pinapasok nila ako at akmang bubuksan ko palang ang pinto ay parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang makita si Mama na duguan at walang malay na binuhat nang lalaki saka ito dahan dahang nilagay sa ambulansya. "Wala ba dito ang anak niya o asawa niya para samahan siya?" nang narinig ko iyon ay pumunta ako sa kanila saka nila ako sinama papuntang hospital. "Ma.. laban lang ah, kaya mo yan" hinawakan ko ang kamay ni Mama saka hinalikan ito nang paulit ulit habang nakatingin ako sa kanya. Andito ako sa labas nang emergency room at hinihintay si Mama na magamot, tinawagan ko rin sina Jake at Ryan at sinabi ang nangyari kay Mama, nang mahagip nang mata ko ang lalaking nasa edad kwarenta na mabilis tumakbo papuntang nurse station habang naka pang piloto pa ito nang damit at saka tumungo dito papunta sa aking direksyon. Hindi ko siya pinansin kasi baka may kapamilya din siyang nag aagaw buhay din tulad ni Mama, sa halip na pagtuonan ko siya nang pansin ay iniisip ko lahat nang masasamang ginawa ko kay Mama, lahat nang pag suway ko sa kanya, at lahat nang sakripisyong ginawa niya para sa akin.  "Ang sama mo Wraine.. ang sama sama! mo.." habang nakapikit ang mata ko ay di maiwasang tumulo ang luha ko hanggang sa napahagulhol ako. "Doc kamusta po si Lea?" napalingon ako nang magtanong ang lalaki sa doctor nang Nanay ko. Bakit niya kilala si Mama? at saka parang pamilyar ang mukha nang lalaking toh?!. "Pa?!" napatayo ako saka siya hinarap at hindi nag dalawang isip na sinuntok si Papa sa harapan mismo nang doctor at ibang tao. "Gag* ka anong ginagawa mo dito?!" sinuntok ko nang sinuntok hanggang sa awatin kami nang mga gwardya dito at nang ibang doctor at nurse. "Wala kang karapatan na pumunta dito!" sinigaw sigawan ko siya wala na akong pakialam kung umiiyak man ako o ano basta ang alam ko lang ay galit ako sa taong to. "It's okay.. wala siyang kasalanan it's my fault..babalik na lang ako sa susunod..." umalis na siya pagkatapos nun kaya binitiwan na ako nang mga gwardya at tamang tama ay dumating na din ang mga tropa ko na di halatang nalasing kanina. "Brad ayos kalang? nakita namin tatay mo dun—" hindi na natapos ni Ryan ang sinabi niya nang sikuhin ito ni Jake at sumenyas. "Kamusta si Tita?..." di ako sumagot sa tanong nila kaya ang doctor nalang ang tinanong nila saka kami ginaya papunta kay Mama. "She's already stable pero kailangan padin natin siyang bantayan. Malalim ang tinamo niyang sugat galing sa pagkasaksak sa kanya.." kinuyom ko ang kamay ko habang nakatingin kay Mama. Galit ako! sobrang galit ako sa mga taong nanakit sa'yo, pagbabayaran nila ito pangako. Nakatingin parin ako may Mama na hanggang ngayon ay di pa gumigising at may oxegyn pang nakalagay sa kanya. Sobrang hirap makitang ganito ang magulang mo kung di lang talaga illegal ang pagpatay baka hinanap ko na ngayon ang lalaking nanloob sa bahay namin saka ito pinatay makaganti lang para kay Mama. Makalipas ang ilang minuto ay nilipat na si Mama sa kwarto niya dito sa hospital at nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong andito parin kahit na lasing para tulungan akong bantayan si Mama. "Brad iglip lang muna kami ah.. Gisingin mo nalang kami kapag may kailangan ka.." Natulog na sila dito sa kwarto si Jake ay nakahiga sa mahabang upuan sa gilid nang kama ni Mama at si Ryan naman ay dun nakatulog sa mesa. Hindi ako makatulog habang naiisip ko ang mga nangyari kanina at dati nang bata pa ako. ***Flashback*** "Wow ang dami mo namang nakuhang stars Marky.." mangahang sabi sa akin nila Jake at Ryan matagal na kami magkakilala nila since kinder palang at si Mama ang babae na tinuturing din nilang Mama. "Babye!!" kaway ko sa mga kaibigan ko bago bumaba nang school bus at pumasok sa bahay excited na akong sabihin to kina Mama at Papa na marami akong stars na nakuha dahil sa mga activities sa school. "Joey! sabihin mo sa akin ang totoo?!" sigaw agad ni Mama ang sumalobong sa akin pagpasok ko nang bahay si Papa naman ay nandun sa taas at sumisigaw din kay Mama dito. "Lea wag mo siyang idamay dito! naiintindihan mo?!" "Joey please mag usap tayo! wag naman ganito oh!" pakiusap ni Mama kay Papa. "Mama? Papa? bakit po kayo nag aaway?" umiyak na ako kasi ayaw ko na nakikitang nag aaway sina Mama at Papa. "Nak aalis muna si Papa ah babalik ako..." pagkatapos nun ay umalis na si Papa bitbit ang mga gamit niya hahabulin ko pa sana siya kaso pinigilan ako ni Mama at niyakap nalang at paulit ulit na nagsabi nang sorry. Paglaki ko nalaman ko nalang na may ibang babae na si Papa ganun din si Mama kaya galit ako sa kanilang dalawa pero mas galit ako may Mama kasi simula nung umalis si Papa at nagkaroon siya nang ibang lalaki ay hindi na niya ako masyadong nabibigyan pansin at minsan minsan pa ay pinapabayaan niya ako para puntahan ang lalaki niya. Kaya galit ako sa kanilang dalawa. ***End of flashback*** Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil na guro sa kalasingan at kapaguran kaya nakatulog na ako, nagising na lang ako nang may humahaplos sa ulo ko kaya napatingin ako kay Mama na nakngiting tumingin sa akin ngayon. Inayos ko ang aking sarili saka ginising ang mga kaibigan kong nakatulog. Nahulog pa si Jake sa upuan dahil sa gulat nang gisingin ko ito at si Ryan naman ay nilalabanan ang antok habang nakatingin sa amin at nakatayo sa tabi ni Mama. "Ma? may masakit ba? gusto mo tawagin ko ang doctor?" sunod sunod kong tanong sa kanya habang pinag mamasdan ang maputla niyang mukha. "Ayos lang ako anak...." hinawakan niya ang kamay ko at napaluha saka ngumiti sa akin. "I'm sorry... Ma I'm sorry.." narinig ko ang pagsirado nang pinto at alam kong sina Jake at Ryan yun. Humagulhol ako habang nakayuko at nakahawak sa mga kamay ni Mama. "I'm sorry! Ma I'm sorry!" hinawakan ni Mama ang mukha ko saka marahan na pinahid ang mga luha kong di mapigil sa kakatulo. Lumipas ang ilang araw at medyo gumagaling na si Mama, pinatigil ko na si Mama sa pagtatrabaho total meron naman kaming naipon and skolar naman ako sa school. Nandito ako ngayon sa school at alam ko rin na nagulat sila ma'am at mga kaklase ko dahil sa biglaang pagbabago ko. Kagabi bago ako natulog ay nanalangin ako at nangakong magbabago na hindi na ako magiging sakit sa ulo sa aking Mama at sa lahat nang taong nakapaligid sa akin. "Parang ang bait natin ngayon ah!"  "Siyempre pinagaling niya si Mama at bilang kabayaraan sa kabutihan niya gusto ko rin magbagong buhay para narin iwas sa gulo." sabi ko sa mga tropa ko. Tama naman eh nang dahil sa Diyos ay gumaling si Mama at saka siyempre dahil din sa doktor gumaling si Mama kaya nag papasalamat talaga ako sa kanila, sa mga taong tumulong sa amin. "Hi Shane!" bati ko sa nakasimangot na babae. "Luh! di namamansin.." iniwan ko ang mga kaibigan ko saka siya nilapitan, matagal na akong may gusto kay Shane pero since si Bryan ang gusto niya eh wala akong laban dun chubby lang naman ako si Bryan maskulado at gwapo pa. "Pwede ba! Ang aga-aga nambibwesit.." ang sungit talaga nito parang araw araw may regla. "Ano? Ba't ka tumitingin?" tanong niya sa akin nang naabutan akong nakatingin sa kanya. "Bakit masama bang tumingin sa babaeng gusto ko?....Sa babaeng masungit na hindi krinush back nang lalaking gusto niya na nag ngangalang Shane?" at dahil dun hinampas niya ako nang ilang ulit at ayos lang yun sa akin kasi sa taba ko naman tumatama ang hampas niya hindi sa laman ko. "Hi Shane heto oh pagkain don't worry di yan maasim... Baka kasi mas lalong aasim ang mukha mo, bye!" umalis na ako sa canteen bago ako patayin nang babaeng yun. Ba't kaya yun ganun? ba't Jaya maasim ang mukha nun?. "Ma! andito na ako!" masayang sigaw ko pagkapasok ko nang bahay, naaamoy ko naman ang niluto ni Mama na adobo. "Oh Wraine mabuti naman at andito kana... Magbihis kana at kakain na tayo" hinalikan ko si Mama sa ulo at niyakap nang mahigpit bago umakyat at magbihis. Pagbaba ko may naabutan akong lalaking nakatalikod at alam ko na kung sino ang lalaking toh sa boses palang niya at sa tindig alam kong si Papa ito. "Sige.. Magpahinga ka nang mabuti nahanap na ang lalaking pumasok sa bahay ninyo wag kanang mag alala ligtas kana kayo nang anak natin." may pahawak hawak pa sa balikat tong tatay ko. "Hindi mo ako Anak.."napalingon silang dalawa sa akin. "At wala akong Tatay. At kung meron man matagal nang patay.". Nilampasan ko lang siya saka ginaya si Mama sa mesa at nagsimula nang kumain, wala namang imik si Mama, nung nakaraan nalaman ko nalang ang dahilan kung bakit iniwan ako kami ni Papa dahil sa babae niya na katrabaho ni Mama dati. "Ano pang hinihintay mo diyan Joey? saluhan mo kami dito" aya ni Mama. "Ma! kung ayaw niya wag mo nang pilitin makakain naman tayo kahit wala siya" nilagyan ko na nang pagkain ang plato ni Mama ganun din sa akin saka nagsimula nang kumain. Nakita sa gilid nang mata ko na umupo siya at nilagyan ni Mama nang pagkain sa plato. "Ma! may kamay yung tao, di naman yan pilay o bata para alalayan" suway ko kay Mama saka binalik ang atensyon sa pagkain ko, nakita ko naman siya na naglagay nang pagkain sa plato niya at nagsimula nang kumain. "I'm so happy, after many years nagkasama sama ulit tayo sa hapag" bulislis ni Mama na hindi ko sinang ayunan kasi hindi ako masayang kasama namin siya ngayon dito. "Tapos kana Nak? kain ka pa, paborito mo pa naman ang niluto ko" ngiting sabi sa akin ni Mama nang makita na niligpit ko na ang kinainan ko naghugas na ako nang kamay saka lumapit kay Mama at hinalikan ito sa ulo saka nagpaalam. "Kakain nalang ako ulit mamaya.." tapos nun ay umalis na ako dun at aakyat na nang may pahabol na salita si Mama sa akin. "Nak! imbitahin mo sila Jake at Ryan dito sabay kayong kumain mamaya okay!" sigaw niya. "Sige po Ma!" sigaw ko naman pabalik, bago ako nakaakyat ay naabutan ko pa ang sinabi ni Mama sa lalaking yun. "Pag pasensyahin mo na si Wraine Joey! hindi guro naging masaya ang araw nun. But don't worry magiging maayos din siya..."  Alam kong nagtagal pa ang lalaki sa bahay kaya hindi din ako bumaba kahit ihing ihi na ako. Tiniis ko nalang ito hanggang sa may narinig akong tumawag sa akin sa phone at nakita ang number kaya sinagot ko ito. "Hello sino toh?" tanong ko sa kabilang linya. "Oi tabachoy!" nagulat ako sa pamilyar na boses nang babae sa kabilang linya na naging dahilan kung bakit ako nakaihi sa aking short. "Ay put*ng ina!" napamura ako dahil nandidiri ako sa aking sarili, nang dahil sa gulat ay napaihi ako nang wala sa oras. "At minumura mo na ako ngayon?!" "Ay sorry! hindi naman ikaw yun eh iba!" pagdadahilan ko habang pumipili nang ibang shorts sa aking kabinet. "Bumaba ka nga dito!" "Huh? saan?.... Teka wag mong sabihin?.... Nandito ka sa bahay!?!" mas lalo akong nagulat na dahil kung bakit napasigaw ako. "Baba ka dito may pag uusapan tayo!" teka hindi ako ready, binaba na niya ang tawag. Tang*na naman oh kung kailan hindi ako handa, diyan la siya pupunta. Pani na to? baba akong basa ang shorts ko at nangangamoy ihi? bahala na nga. Naabutan ko pang nag uusap sila Mama sa sala at alam kong napatingin sila sa akin. "Nak saan ka pupunta? ba't... Ba't naka polo at pantalon ka?" napahinto ako sa sinabi ni Mama, Hala ano nang sasabihin ko? na may kikitain ako o merong nag aya nang birthday? pero yung kikitain ko nasa labas lang naman nang bahay eh. "Ah wala Ma! Fashion....fashion lang" palusot ko saka lumabas alam kong nagtataka na ang dalawang yun kung bakit ako nakasuot nang ganito. Eh siyempre crush ko yung kikitain ko di pwede dugyot at pangit ako pag nakita niya ako. "Saan lakad mo?" nagtatakang tanong niya rin habang nakatingin sa porma ko ngayon. "Bakit gwapo ba?" ngiti ko sa kanya na nag paasim nang mukha niya. "Ang akala ko si Bryan lang ang mahangin ikaw rin pala!"  "Siyempre mataba eh, puno talaga nang hangin" napangiti ko siya dun yes! plus points ka boy!. "Ba't ka pala andito? wag mong sasabihin na manliligaw ka? ako dapat ang manligaw sa'yo pero kung nagmamadali ka why not!" "Alam mo hindi lang puro hangin ang laman nang katawan mo kundi sakit! parang may amats kana! kailangan kanang dalhin sa hospital!"  "HAHAHA saan namang hospital? mental hospital?!" "Buti alam mo!" ang ganda talaga nang babaeng maasim ang mukha. "Anong tinititingin mo diyan?" "Himala ata at hindi maasim ang mukha mo?! at teka saan mo nakuha ang number ko?" I ask when I remember about how she get my number?. "Well saan pa kundi sa payatot mong kaibigan!" "Oii hindi naman payat si Jake may kaunting laman naman ang kalansay na yun" pagtatanggol ko sa payat na kaibigan kong si Jake. "Alam mo dapat idonate mo yang taba mo sa mga payat na tulad niya" "Kung pwede lang bakit hindi?" Nag usap pa kami sa labas nang bahay at naabutan kami nila Jake at Ryan dito kaya mas lalong humaba pa ang usapan namin. Kahit saan lang umaabot ang usapan namin sa exam, sa mga mag jowa na hindi umabot nang pasko, sa mga bagay bagay at siyempre ang topic na about kay Bryan.  Umalis na pala si Bryan kaya pala laging masama ang timpla nang babaeng ito kung kakausapin mo. "Ah kaya pala hindi na namin siya nakikita sa school umalis na pala" sabi naman ni Ryan. "Guys pasok na tayo ang lamig na dito sa labas eh" Pag reklamo ni Jake. "Ayan kasi puro ka nalang buto kaya madali kang lalamigin" banat naman ni Ryan. "At least gwapo na payat eh ikaw?" pagtanggol ni Jake sa sarili. "Tandaan mo walang mayaman na pangit" sagot naman ni Ryan sa aming tatlo si Ryan ang medyo maangat. "Ahh kaya pala... Kala ko kasi mga bulag ang mga babaeng sumasama sa'yo" tumawa lang kaming lahat dahil sa sinabi ni Shane may humor din pala tong babaeng to, kala ko puro init at maasim na mukha lang nalalaman nito eh. Ilang araw na ang makalipas nung huli kong nakita ang lalaking nang iwan sa amin para sa babae niya. Ilang araw nadin ang lumipas nang sabihin ko kay Shane na may gusto ako sa kanya pero binatukan lang ako nito sabi niya kasi kaibigan lang daw turing niya sa akin siyempre dinaan ko lang sa tawa pero deep inside masakit. Ang sakit pala mabasted brad kala ko easy lang pero ang hard pala. So ayon naging close na kami nila Shane tas nakilala ko na rin si Kristen, kaya naman pala di siya pinili kasi maganda naman pala tong si Kristen eh, may panlaban tapos mabait tsaka smart pa. Eh itong si Shane mainit lang naman ulo nito palagi eh kung hindi naman lagi nalang nakasimangot.  Pero totoo ngang Love is blind Kasi kahit maraming magagandang babae diyan dito parin ang bagsak ko sa babaeng palaging maasim ang mukha, di naman sa sinasabi kong pangit siya pero parang ganun na nga. "Hoy tabachoy!." ano nanaman kaya ang sadya nang babaeng to dito at sumadya talaga sa upuan ko? Luh?! baka narealise niya na mahal niya din ako. "Yes mahal ko?" tawag ko sa kanya. "Gusto mo nang pektus?" akmang pepektusan niya ako nang sinangga ni Ryan ang kamay ni Shane. "Opss!! wag naman ganyan miss sungit! Don't a***e an animal like him, that's against the law" Bwesit kala ko ililigtas ako mas masakit pa yung sinabi niya kaysa sa pamemektus ni Shane eh!. "Oo nga kung sasaktan mo siya, madidepress yan tapos hindi na yan kakain kaya papayat yan, tapos kung papayat yan wala na tayong panlechon ngayong birthday ni Ryan!" ba't ba ako nagkaroon nang kaibigan na tulad nila. "Ahh oo nga no? may sense naman... Pasalamat ka boy nandito si payat at pangit kasi kung hindi kanina pa kita pinektusan.." pasalamat kalang kasi babae ka tapos mahal pa kita kaya di kita mapag hihigantihan. Araw na nang Kapangitan ngayon ibig sabihin kaarawan ni Ryan ngayon. And since request ni Ryan na sa bahay lang namin gaganapin ang birthday niya kaya andito kami ngayon sa bahay para maglinis at mag desenyo para sa birthday niya. Inimbitahan din namin sila Chelly, Nathan, Christian, Rose at Kristen para samahan kami mag celebrate nang birthday ni Pangit. "Happy birthday!!!!'' sigaw namin pagpasok ni Ryan sa bahay kasama niya ang Tatay niya nakita naman namin na napaluha siya kaya napasabi nalang kami na ang pangit niya talaga kahit kailan, matapos ang surprise at gift opening at kumain na kami, nangunguna si Jake sa pagdadasal, at habang tahimik silang nakikinig kay Jake ay sumubok akong tumikim nang lechon. "Aray.." bulong kong sambit nang sampalin ni Shane ang kamay ko. "Patay gutom ka talaga..." bulong niya sa akin habang nakapikit ang mata at nakinig ulit sa dasal ni Jake. Grabi naman tung si Jake ang tagal matapos nang dasal gutom na ako, tiniis ko nalang ang kagutuman hanggang sa natapos na din at masaya kaming nagsalo salo sa hapag kasama ang tropa at ang pamilya namin andito din pala ang Tatay ni Jake inimbitahan din namin. "Naku!! Ryan di na ako magtataka kung magkakaroon ka na nang girlfriend pati narin kayo Jake at Wraine" Masayang tugon ni Mama sa amin nina Jake at Ryan na kain lang ang inatupag at ngumiti nalang kay Mama. Nakita kong nagmamadali si Mama sa pagbibihis nang mapadaan ako sa kwarto nito kaya di ko maiwasang mag tanong kung saan siya pupunta at tanging sagot lang nito ay may kikitain na importanting tao lang daw pero nang bumaba ako ay nakita ko ang lalaking naging dahilan kung bakit hindi ko naranasan ang magkaroon nang pamilya.... nang kompletong pamilya walang iba kundi ang Tatay ko. "Wraine Anak!" masayang bati nito sa akin pero nilampasan ko lang siya at dumiretso sa kusina para uminom nang tubig narinig ko pa ang pag uusap nila at napatigil lang nang bumalik ako sa sala. "Pag pasensyahan mo na Anak natin, mainitin talaga ulo nun pero mabait naman yan.." pagkumbinsi ni Mama kay Papa. "Ayos lang di ko naman siya masisi kung bakit galit siya sa akin ngayon..." "Buti alam mo.." putol ko sa estorya niya. "Mark Anak don't say that to your father" winarningan ako ni Mama. "Why? he deserves that after all the things that he did to you! to us!" pasigaw na sabi ko. "Wraine Anak listen to Mama... Kahit pa anong nagawa niya sa atin dati he's still your father after all" mapait akong napangiti sa sinabi nang Nanay ko. "Seriously Ma? ayos lang sa'yo na basta basta lang babalik ang lalaking sumira nang buhay mo? nang buhay ko?" di ko maiwasang mapaluha habang sinasabi ang mga katagang iyon sa Nanay ko saka napatingin sa lalaking sumira nang lahat. "Ano pa bang kailangan mo? nasira mo na ang buhay namin ni Mama dati at ngayon na masaya na kami, babalik kalang bigla! para ano? para sirain ulit lahat?!!" di ko maiwasang taasan ang boses ko kahit na magulang ko siya. "Sige lang Mark, tatanggapin ko kung ano mang parusa ang ibigay mo sa akin... mapatawad mo lang ako" nilapitan ko siya at marahas na hinawakan ang kwelyo nito saka tumingin sa mga mata niya. "Sa tingin mo mapapatawad pa kita?! sa lahat nang nagawa mo sa akin? hah!! sa lahat nang ginawa mo kay Mama?!" umiiyak na ako habang nakatingin sa kanya habang si Mama naman ay panay ang iyak at pigil sa akin na suntukin ko ang Tatay ko. "Ilang taon!! ilang taon akong umaasa na dadating kang muli kasi sabi mo babalik ka!! ilang taon na sinisi ko si Mama sa lahat nang pangyayari, sinisi ko siya na siya ang naging dahilan kung bakit ka umalis, na kung bakit nasira ang pamilya na pangarap ko!!" sigaw ko sa pagmumukha niya, di ko na alam ang nangyayari sa akin sa mga oras na iyon kusang lumabas ang galit sa akin at lahat nang hinanaing ko simula bata pa. Matapos ang kaganapang iyon ay umalis ako at nagtungo sa painuman at dun ay nagpakalasing. inoff ko ang cellphone ko kasi alam kong tatawagan ako nang mga kaibigan ko pag nalaman nila ang nangyari kanina. "Isa pa ngang beer" order ko sa counter, binigay ito sa akin at iinumin ko na nang may kumuha nito mula sa kamay ko napatingin ako sa babaeng katabi ko ngayon na nilagok lahat nang laman nito saka umorder pa nang isa. "Anong ginagawa mo dito?"  "Ako dapat magtatanong niyan sa'yo.. Anong ginagawa mo dito?" lumingon ito sa akin pero binalik din ang atensyon nang ibigay nang waiter ang order niya saka ito ininum. "Umiinom ka?" napatingin ako sa kanya, parang sanay na to sa inuman ah. "Medyo... Alam mo na pag may party sa business nila Mommy di maiwasang mapainom" walang pakialam na sabi nito sa akin. Nanatili pa kaming ganoon hanggang sa malasing na siya at tila napasobrahan nang inum kaya inaya ko na siyang umuwi. At inayos ang postura nang katawan niya sa kotse ko. "Saan ba address mo?" hindi ko alam kung naririnig ako nang lasing na babaeng toh. "Ewan ko!! di ba sabi mo gusto mo ako?!" napatingin ako sa mukha niyang parang tanga na ngayon. "Buti at naalala mo pa na gusto kita" sagot ko naman. "Do you know that I have a secret to tell?" lasing na sabi nito sa akin hindi ko na siya pinansin kasi abala ako sa kakahanap nang bahay nila dito sa Subdivision. "Hey!! are you even listening?!" "Hoy gagi!! muntik na tayo dun ah" napahinto ako nang di oras dahil sa ginawa niyang paghawak sa manobela at iliko ito. "Hoy ikaw babaeng masungit s***h lasenggera! mag behave ka nga diyan kundi may gagawin ako sa'yo sige ka!" banta ko sa kanya saka inayos ulit siya sa upuan niya at nagmaneho ulit. Grabi ang likot pala nang babaeng toh pag nalasing, pero okay lang cute naman hehe. Ang plano ko pa naman ay maglalasing ako tapos tatawagan ko mga kaibigan ko para iuwi nila ako pero parang baliktad ang nangyari. "Andito na tayo sa bahay niyo sige na uwi kana.." pagtataboy ko dito sa kanya. "Pano kita magugustuhan kung ganyan ka trumato nang babae ha!!" sigaw nito sa pagmumukha ko. "Eh pano ba? pano mo ba ako magugustuhan?" sinakyan ko na ang trip nang babaeng toh, total lasing naman ito and I'm sure di nito maaalala lahat nang nangyari ngayon. "Kiss mo ko" napaubo ako sa sinabi niya at lumapit pa ito saka nag duck face sa harap ko. "Hoy!! bawal yan! baka kasuhan ako niyan nang magulang mo!!" "Bahala ka! ayaw mo?" gusto siyempre pero kasi lasing ka at ayaw ko mag take advantage sa'yo bad yun at hindi nakalalaki yun. "Ayaw siyempre!" pagsisinungaling ko, malungkot ito bumaba nang kotse saka papasok na nang gate nila nang umikot ito at kumatok sa bintana nang kotse ko kaya binuksan ko ito. "Ano? may naiwan ka—"  "I love you!" mabilis itong humalik sa labi ko sabay sabi nang bagay na yun at patakbong pumasok sa bahay nila. Oxygen kailangan ko nang oxygen!! tumawag kayo nang ambulansya! ang puso ko nagwawala na!.. Cause of death : Kiss by a women he loves..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD