“How do you feel now, bro?”, si Doctor Go ng makabalik sa bahay ni Ezekiel upang tignan ang kalagayan ng binata. “I’m good now, thanks to you.”, wika ng binata dito kasabay ng pagsenyas upang maupo sa gilid ng kanyang kama. May couch sa loob ng kanyang silid subalit mahimbing na natutulog si Anna doon kaya sa bed na lamang niya ito pauupuin. Ilang beses pa itong tumingin sa couch bago lumapit sa kanya. Parang hindi makapaniwalang may natutulog na babae sa loob ng silid niya. “You are heartless! Hindi mo man lang pinahiga sa napakalaking higaan mo.”, maya maya ay pabirong mulagat nito kaya hindi niya napigilan ang mangiti. “Icheck-up mo nalang kaya ako nang hindi kung ano ano ang nakikita mo.”, sa halip ay nakangiting wika niya dito. "I bet there's a story behind that smile.”, nanunuks

