“Ate, nandito si kuya Kiel.”, dinig na dinig ni Anna ang sigaw ni Mark mula sa may hagdan. Walang pasok kaya wala siyang ginawa kundi mahiga at matulog. Ngunit bago magtanghalian ay naisipan niyang bumangon upang tignan kung ano ang ginagawa ng mga kapatid. Usually ay nagluluto si Lance ng kanilang pagsasaluhan habang nanonood o di naman kaya ay naglalaro ng video games sina Mark at Carl. Pero bago bumaba ay naligo muna siya at nagbihis ng kanyang pabori tong maxi dress. Kahit mahaba ay napakagaan at ang tela ay sobrang comfortable sa katawan. Namana din yata niya mula sa namayapang ina ang pagsusuot ng dress kapag nasa bahay. Sa kanyang pananaw noong bata siya kapag ganon ang suot ng ina ibig sabihin taong bahay lamang ito at walang pupuntahan kung saan mararamdaman ng lahat ang kapayapaa

