Pagkalabas ni Ezekiel sa pintuan ay naipaypay ni Anna ang dalawang kamay sa mukha, feeling niya biglang uminit ang panahon kahit na nakafull sa pinakamalamig na temperature ang aircon. Ramdam pa niya ang pangangapal ng mukha sapagkat nag-assume siyang hahalikan siya ng binata kaya pumikit siya at hinintay na dumampi ang mga labi nito. Sa kasamaang palad ay mali ang kanyang inakala, sa halip ay iniwan siya at pinagtawanan. Kung pwede lang talaga lumubog siya sa kinatatayuan dahil sa labis na pagkapahiya. Masyado yata siyang naoverwhelmed sa ipinakita nitong sweetness kagabi at mali ang inisip niyang may something sa kanilang dalawa. “Haist! Anna Marie Lacuesta kung hindi ka naman talaga assuming!”, halos kutusan niya ang sarili dahil hindi siya nag-iisip. Hindi na bumalik si Ezekiel sa up

