“HUwaw! Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niya ang kapatid sa kusina. Maaga siyang naghanda para sa pagpasok kaya nakabihis na siya bago bumaba at mag-agahan. Umiiwas siya sa traffic kaya kailangan niyang umalis ng maaga sa bahay. Nginitian lamng niya ang kapatid habang dumirecho sa may cup board upang kumuha ng tasa at magtimple ng kape. “Seriously, pwede nang magpaganda sa upisina niyo?”, si Lance na humarap pa sa kanya at natawa siya dito. Nasabi pala niya sa kapatid dati na bawal ang magpaganda sa kanilang upisina kaya nagtataka ito sa maayos niyang itchura. Kahit simple ay nag-effort din kasi siyang naglagay ng kaunting make-up sa mukha at pumili ng damit na talagang bumagay sa kanya. “Uhm.”, tumango lamang siya sa kapatid pagkatapos ay hinarap ang pagtitimpla ng kape. Ano b

