Tirik na ang haring araw pagkagising ni Anna kinabukasan. Hindi niya naibaba ang kurtina sa bintana kagabi at direchong tumama sa kanyang mukha ang nakakasilaw na sinag ng araw. Pinilit niyang binuksan ang kanyang mata ngunit agad niyang nasapo ang ulo sapagkat tila ito mabibiyak sa matinding sakit. Napaungol siyang bumiling sa kabilang side upang tumayo at magtungo sa banyo. Tnanggal niya ang kumot na nakapulupot sa kanyang katawan ngunit agad din niyang ibinalik iyon ng mapagtantong wala siyang kahit na anong saplot sa katawan. Sa pagkakataong iyon ay pumasok sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ni Ezekiel kagabi. Naalala niyang magkayakap silang natulog kagabi pagkatapos ng mainit nilang pagniniig, bakit nawala na ito ng siya’y magising? Sabagay tanghali na, bukod sa hindi ito b

