Pagkakita ni Anna kay Ezekiel ay parang nahigop pabalik ang kanyang diwa sa oras kung saan tuluyang pinutol ng binata ang kanilang ugnayan. Sa oras na sobra siyang nasaktan at linunod ang sarili sa kanyang mga luha. Yung tipong hindi niya alam ang gagawin kung paano pahupain ang sakit na nararamdaman dahil sa pagkawala nito. Nagpasalamat siyang napabilis ang kanyang pag-alis at sa mahigit isang buwan niyang pamamalagi dito sa Australia ay sumandaling nakalimutan niya ang tungkol sa binata. Ngunit sa pagpapakita nito ay tila nagbabalik ang lahat sa kanyang ala-ala at unti unti ay nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib. “Mommy, kasama ko si kuya Kiel.”, turan ni Carl habang yinugyog ang kanyang kamay kung kayat biglang nagising ang kanyang diwa. Tinignan niya ang kapatid at nginitian ng

