“Hi, napatawag ka?”, may pag-aalinlangang turan ni Anna kay Yael. Kahit napag-usapan nilang mananatili silang magkaibigan ng dating kasintahan ay hindi pa rin niya inaasahan ang biglaang pagtawag nito. “Yeah, kumusta?”, saad ni Yael sa kabila at hindi niya napigilang mangiti. Para namang antagal nilang hindi nagkita kung mangumusta ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita lamang niya ito noong binisita ni Ezekiel ang mga project sites kabilang ang ginagawa nitong proyekto. “Sa awa ng Panginoon mabuti naman kaming lahat.”, biro niya sa dating kasintahan at narinig niyang tumawa ito. “Anna are you in a relationship with Ezekiel?”, maya maya ay turan ni Yael. Hindi niya inaasahan ang biglaang katanungan nito at hindi siya nakapagsalita. “Sorry kung sa tingin mo ay pangingialam i

