Chapter 10

1577 Words

Pakiramdam ni Anna ay gumapang pataas sa kanyang mukha ang lahat ng kanyang dugo dahil sa pagkahuli sa kanya ng kanyang boss habang nakatingin dito sa pamamagitan ng salamin. Pasimple niyang inayos ang makapal na salamin pagkatapos ay patay malisyang umayos ng upo sa tabi ng driver. Mabuti na lamang at eksaktong tumigil na sa parking lot ng restaurant ang sasakyan at mabilis na bumaba si Kuya Delfin upang pagbuksan ang kanilang amo. Nang makababa ito ay pinagalitan niya ang sarili at pinagtatapik pa ang noo. Nagulat pa siya ng buksan ni kuya delfin ang pintuan sa tabi niya at sinabihan siyang pwede na siyang bumaba. “Salamat, kuya.”, pasasalamat niya at ngumiti lang din ito sa kanya sabay nguso sa papasok na sa restong amo. “Bilis.”, nakangiti pa nitong turan kung kayat kulang na lamang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD