Chapter 9

1689 Words
“I said get inside the office!”, mula sa pagkagulat kanina dahil sa biglaang pagkarinig sa boses ng boss sa kung saan ay napatayo si Anna mula sa pagkakaupo. Meron palang nakabuilt na audio sa kanyang working space na nakaconnect sa office ng CEO at bigla siyang kinabahan dahil siguradong narinig nito ang pagtataray sa babaeng caller kanina. Ninenerbiyos man hindi naman siya nag-atubiling pumasok sa private office ng kanyang boss. “Sir may kailangan po kayo?”, turan niya sa amo habang hindi makatingin ng direcho dito. Nag-angat ng mukha si Mr. Eduardo at kitang kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagkadisgusto sa nakapinta sa mukha nito. “Call this A&Z Builders kung hindi sila makapaghintay I’m very willing to terminate their contract and partnership with us!”, turan nitong habang kasabay ng paglapag nito ng papeles sa kanyang harapan. Lihim siyang napahinga ng maluwang sapagkat hindi tungkol sa pagbagak niya ng telepono ang rason kung bakit hindi maganda ang timpla nito ngunit para naman siyang nagkaroon ng pag-aatubili na siya ang tatawag sa A&Z at gawin ang ipinag-uutos nito. “Are you with me?”, untag nito dahil sa hindi niya agad pagkilos. “Yes sir, tatawagan ko po ang A&Z.”, taranta niyang pahayag kasabay ng pagdampot sa document na inilapag nito. “Do it now and then arrange an early lunch meeting to Dominguez Corp for the La Vista Homes. Make sure that Yael Dominguez will be present.”, saad nito at bahagya siyang natigilan pagkarinig sa pangalan ng dating kasintahan. “May problema ba, Ms. Lacuesta?”, nakakunot noong wika nito sa kanyang pagkatigil at kagyat siyang umiling. “Wala sir, sige po sa labas na po ako kung wala na po kayong ibang instructions”, turan niya ngunit tila may pagdududang tumingin ito sa kanyang mukha bago tumango. Nagbow siya dito pagkatapos ay mabilis na lumabas at hindi na inalintana kung bakit bigla siyang tinignan ng ganon ng kanyang amo. Pag-upo niya sa desk ay sinimulan na niyang magdial upang gawin ang pinag-uutos ng CEO. Medyo harsh ang mensaheng binitiwan ng boss para sa A&Z kung kayat medyo pinaganda niya ito na hindi masyadong maooffend ang pagsasabihan nito. Sinabi niyang baka pwedeng habaan pa ng mga ito ang patience at paghihintay dahil marami ding ibang trinatrabaho ang kanyang amo. Naintindihan naman ng kampo ng A&Z ang kanyang sinabi at maganda naman ang pagtanggap nila dito. Pagkatapos ang pakikipag-usap sa A&Z ay denial naman niya nga number ng upisina Yael upang magpasched para sa early lunch meeting nila ng kanyang boss. Si Yael ang kasalukuyang presidente ng Dominguez Corp at dahil naging labas masok din siya sa upisina nito dati ay kilala niya ang secretary nito. “Sorry Anna, kalalabas lamang ni Sir Yael kasama ang kanyang girlfriend pero kung urgent naman yang meeting nila ng boss mo tawagan mo na lang sa CP niya. Alam mo pa naman siguro ang number niya di ba?”, saad nitong may himig pagbibiro at bahagya siyang tumawa. Hindi kaya napaka awkward nun? Baka sabihin ng dating kasintahan na nagpapansin siya dito at ginagamit pa ang upisina ng CEO ng Eduardo’s Holding. “Sige na, tawagan mo na! Mabait naman si sir Yael at hindi yan mag-iisip ng iba.”, turan pa ng secretay ni Yael bago niya tapusin ang pakikipag-usap dito at simpleng tawa lamang ang isinagot niya dito. Ayaw na niyang gambalain pa si Yael, may paghihiniyang man ay masaya na siyang nasa tamang tao ito. Yeal deserves the best at hindi siya ang babaing iyon. Medyo matagal na niyang naibaba ang telepono ng bigla siyang nakapag-isip, tutal trabaho naman ang reason kung bakit niya tatawagan si Yael ay may pag-aalinlangang dinukot sa bag ang cellphone at idinial ang number ng dating kasintahan. Ang lakas ng t***k ng puso niya habang nagriring ang telepono nito, para tuloy gusto niyang iend na lang ang ginagawang pagtatawag ngunit bigla sumagot nasa kabilang linya. “Hello!”, ang pamilyar na boses sa kabilang linya at halos lumukso ang puso niya. “Hi!”, sa tindi ng naramdamang kaba ay yun lang ang nasabi niya. “Anna!”, masiglang turan ni Yael sa kabilang linya at napalunok siya ng dalawang beses bago nagsalita. “Yeah, hi! Pasensiya kana kung napatawag ako sa personal number mo, but I’m calling you on behalf of the office of the CEO of the Eduardo’s Holding.”, pahayag niya at tila hindi ito makapaniwala. “Eduardo Holdings? Anong ginagawa mo diyan?”, maang na tanong at napangiti siya sa sarili dahil parang may concern pa rin siyang nararamdaman mula dito. “I am the new secretary of the CEO.”, tugon niya at nagulat siya sa reaction nito. “What? Nagresign ka sa banko para maging secretary?”, turan nito at hindi napigilang tumawa ng bahagya. “For a change, anyway Mr. Eduardo, my boss wanted to have an early lunch meeting with you today regarding La Vista Home. Is there a possibility that you can accommodate us for an urgent matter?’, pormal na niyang pahayag sa dating kasintahan at nakikinita niyang saglit itong napaisip. “Of course!” maya maya ay pagsang-ayon nito kung kayat parang nabuhayan din siya ng loob na hindi niya mawari. “Thank you…sir.” saad niyang nasa himig ang pagkatuwa. “Did you really work at Ezekiel’s office?” hindi pa rin yata makapaniwalang tanong nito at napailing siya ng bahagya kahit hindi nito nakikita. “Yes! Uhmmm… I will get back to you for the details. Thank you, Mr. Dominguez have a wonderful day.,” mabilis niyang paalam pagkatapos ay siya na ang unang nagbaba ng telepono. Medyo napatulala siya pagkatapos, hindi siya makapaniwalang kinakausap na niya ng ganon kapormal si Yael mula sa dating sweet at malambing nilang pag-uusap. Ganon pa man ay wala naman siyang nararamdamang galit o anumang grudge dito, marahil ay accept na niya talaga na hindi sila para sa isa’t isa. Napangiti na lamang siya sa kanyang sarili pagkatapos ay pabuntunghiningang tumayo upang ipagbigay alam sa kanyang boss na confirm si Yael na ma kikipagmeeting dito. “Excuse me sir, positive po si Mr. Domimguez sa early lunch.”, pukaw niya sa boss na isinilip lamang ang ulo sa may pintuan. ‘Good! Make necessary arrangement for the venue.”, turan naman nito na hindi man lamang nag-angat ng mukha. “Copy sir!”, wika naman niya pagkatapos ay bumalik ulit s kanyang desk at pumili sa mga list ng restaurants na nakadikit sa ilalalim ng salamin ng kanyang table. Pagkatapos ng transaction niya sa napiling fine dining restaurant ay nagsend siya ng details sa personal number ni Yael para kahit nasa labas man ito ay mababasa pa rin niya kung saan sila magmemeeting ng kanyang boss. Napahinga siya ng maluwang matapos makatanggap ng thumbs up na feedback mula kay Yael ngunit pagkaraan lamang ng ilang minuto ay kaliwat kanang tawag at emails ang kanyang natatangtanggap mula sa ibat ibang firm. Marami ding nagsidatingang mga documento mula sa ibat ibang department ng kompanya kung kayat halos hindi siya magkandaugaga sa mga ginagawa. “Let’s go!”, pagkatapos ng ilang oras na pagkabusy sa ginagawa ay halos lumabas ang kanyang puso sa pagkagulat ng biglang magsalita ang kanyang boss na hindi niya namalayang nakatayo na pala sa harap ng desk niya. “Sir…”, mula sa pagkagulat ay pililt niyang kinompos ang sarili. “I said let’s go.”, turan nito habang nakakunot ang noo. “Saan po? I mean… sasama po ako sainyo?”, saad niyang halos magkabulol bulol at mas lalong nalukot ang mukha nito pagkatapos ay biglang umalis na wala man lamang pasabi. Ngunit bago pa man ito makalabas sa pinto ay bigla siyang natauhan. Mabilis siyang tumayo, kinuha ang netbook at nagmamadaling sumunod sa kanyang boss. Sa elevator na niya ito nahabol at muntik pa siyang mapagsarhan kung hindi lamang niya naiipit ng mabilis ang katawan sa pasaradong pintuan. Pumuesto siya sa kabilang gilid at pasimpleng nag-exhale inhale, napagod din siya sa ginawang lakad takbo upang mahabol lamang ang boss niyang nonchalant. Nakita naman siya niong humahangos papunta sa elevator pero parang hindi siya nakita at itinuloy paring isinara ang elevator. Nguni timbes na hayaang mainis ay ang sarili ay ipinikit na lamang niya ang mga mata at isinandal ang likod sa wall ng elevator. Pagmulat niya ay nakabukas na ang elevator at nakalayo na naman ang kanyang amo patungo sa exit door. Halos patakbo na naman siyang sumunod dito ngunit nasa pintuan pa lamng siya palabas ay direcho itong sumakay sa naghihintay na sasakyan at ipiasara sa driver. Mabuti na lamang at mabait si kuya delfin dahil hinintay siyang makalapit at makasakay sa front seat bago lumulan at umupo sa driver seat. “Saan po tayo, sir?”, tanong ni Mang Delfin ng makapwesto sa harap ng manibela. „Hummingbird po tayo, kuya.”, siya ang sumagot kay Kuya Delfin dahil sigurado siyang magbibingihan lang ang boss nilang nakapikit at prenteng nakaupo sa backseat. Ang sarap batuhin ng sapatos, hindi man lamang makikitaan ng simpatiya sa kanyang mga empliyado. Kaya siguro madalas mawalan ng secretary dahil walang nakakatagal sa ugali nito. Gwapo nga, saksakan naman ng maldito. Grrrr! Lihim na nagngingitngit si Anna habang nakatingin sa boss na nakapikit sa likod mula sa salamin. Kung nagkatotoo lamang siguro ang mga iniisip niya dito ay baka nag-aalaga na ito ng bukol sa ulo. Iniisip niya kasing hampasin niya ito ng sapatos at sabunutan ang may kahabaan at wavy nitong buhok pagkatapos ay pipitikin niya ng bongga ang matangos nitong ilong at sabay sabay niyang bubunutin ng chani ang wala sa ayos at malalago nitong kilay. Inisip pa niyang kagatin niya ng bonggang bongga ang makinis at mamula mula nitong mga pisngi at kung ano ano pa dahil sa gigil at inis niya dito. Ngunit bigla nanlaki ang kanyang mga mata sapagkat nakamulat na pala ito at ngayon ay nakataas na ng todo ang isang kilay habang nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD