Chapter 8

2081 Words
Kinbukasan ay maagang nagising si Anna upang maghanda para sa bagong trabaho. First day niya bilang secretary ngayon kaya dapat mas maaga siyang pumasok kesa sa kanyang boss. Kailangan niyang magpaimpress, tumataginting na fifty thousand ang kanyang sweldo at kailangan niyang pangalagaan ito kahit gaano pa kasungit ang kanyang amo. Salamat sa mga tip na ibinigay ni Mrs. Santos, kung hindi magkakaproblema siya ng malaki sa mga susuotin at pagmamake-up. “Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niyang naghahanda ng pagkain sa hapag. Nakaturtle neck kasi siya ng kulay black at simpleng nakatuck-in sa kulay gray niyang slacks habang nakasuot ng napakakapal na salamin. “Akala ko ba secretary ang pinasukan mo? Bat mukhang ikaw ang papalit kay Ms. Tapia?”, saad pa ng kapatid at manganingani niyang kutusan ito. “Grave ka! Kung maka Ms. Tapia ka diyan, magkakamukha lang tayo, oi!”, nakatawang turan niya kasabay ng pag-upo sa harap ng mesa. Napaismid ang kanyang kapatid pagkatapos ay iiling iling na ipinatong sa kanyang harapan ang nalutong pagkain. “Hindi pa ba nagigising yung dalawa? First day ng work ko ngayon, mauna akong aalis ikaw na lang ang bahala sa kanila mamaya.”, bilin niya kay Lance at tumango tango naman ito. “Wala na ba tayong budget?”, turan niya sapagkat simpleng smoke fish at red egg na lamang ang inihain nito. Tuwing sahod ibinibigay na niya sa kapatid ang budget nila para sa bahay. Madiskarte kasi ito at napagkakasya nito ang ibinibigay niyang budget para sa pangkain, grocery at allowance nilang tatlo sa school. Kung siya lamang siguro ang humahawak baka first week palang ubos na ang pangfifteen days nilang magkakapatid. “Bawal muna ang karne saatin ngayon, masyadong mahal. Tiyaga muna tayo sa tuyo at gulay gulay.”, nakangising pahayag ng kapatid at bahagya siyang natawa. Kabisado na niya ang kapatid, kung ganoong mga kataga na ang sinasabi ay nawawala na ang hawak nitong powers. „Di bale, kung makaluwang luwang tayo baka makakain na rin tayo sa labas.”, positibo niyang pahayag at nakangiting nagthumbs up ito. „ Sure, magseset-up ako ng table sa labas para literal na makakain tayo sa labas.”, nakatawang turan ng kapatid kung kayat nahawa din siya dito. „Huwag ka, tumataginting na fifty thousand pesos ang sweldo ng ate mo.”, pagmamalaki niya at biglang namilog ang mga mata ni Lance. “Talaga, ate? Yung totoo!”, saad nitong habang namimilog pa rin ang mga matang umupo sa harap niya. “Oo, kaya umayos kayong lahat! Hindi ako pwedeng umabsent kaya bawal kayong magkasakit, lalong lalo na bawal kayong gumawa ng kahit anumang kalokohan sa labas.”, pahayag niya at hindi pa rin makapaniwalang tumango tango ang kapatid. “No worries, ate, mababait naman kaming tatlo. Ang yaman naman talaga ng boss mo ate.”, “Oo, mayaman talaga! CEO ng napakalaking kumpanya.”, “Eduardo’s Holding Company? Naroon yata ang lahat ng magagaling na architect at mga engineers ate, pangarap ko ring magtrabaho doon kapag nakagraduate ako at nakapasa ng board.”, “Konting kembot na lang, kayang kaya yan!”, saad niya at nakangiting pinagdaop ng kapatid ang dalawang palad sabay tingin sa taas. “In God’s grace, Amen!”, wika nito at yun din ang taitim niyang panalangin, ang matupad ang lahat ng pangarap ng kanyang mga kapatid. Balang araw, siya ang pinakaproud at pinakamasayang ate sa buong daigdig dahil sa tagumpay ng kanyang mga kapatid. “O siya, mauna na ako para hindi ako maabutan ng traffic. Bahala kana dito ha? Bye!”, pagkatapos makakain ay nagmamadali na siyang nagpaalam dito. Hinatid naman siya ni Lance sa labas at hindi ito pumapasok hanggat hindi siya nakasakay ng taxi. “Ingat, ate.”, saad nito ng tuluyan siyang makalulan pagkatapos ay kumaway sa may driver na sumaludo naman sa kapatid habang nakangiti. Pagtapak pa lamang ni Ezekiel Eduardo sa b****a ng kanyang upisina ay napakunot noo siya ng makitang may nakaupo na sa secretary’s desk. Napatingin pa siya sa kanyang mamahaling relong pambisig, lagpas alas-siete pa lamang ng umaga pero naroon na ang bago niyang secretary. “Good morning, Sir.”, medyo nagulat siya ng bigla itong tumayo at pormal na bumati kasabay ng bahagyang pagyuko. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, parang may nag-iba sa aura nito. Ang ganda ganda lamang nito kahapon kahit simpleng simple bat parang ang nerd naman nitong tignan ngayon? Bukod sa balot na balot dahil sa turtleneck na inner nito habang nakaintact ang lahat ng butones ng kanyang blazer ay nakasalamin din ito ng sobrang kapal. May sira nga siguro ang mga mata nito, ni hindi man lamang tinablan sa kanyang charm. Wala man lamang siyang nakitang kahit konting paghanga na rumehistro sa mga mata nito pagkakita sa kanya. “Your schedule will be in your table in five minutes, sir.”, pahayag nito kung kayat bigla siyang natauhan. Ngunit sa halip na sagutin niya ito ay tumuloy siya sa kanyang private office na parang walang narinig. “Damn, she didn’t give him even a fake smile!”. “Huh! ang sungit naman talaga.”, si Anna sa sarili ng makapasok sa upisina nito si Mr. Eduardo. Halos panginigan siya ng tignan siya mula ulo hanggang paa at rumehistro sa gwapong mukha nito ang pagkadisgusto. Hindi niya alam kung dahil sa hitsura niya o dahil naalibadbaran sa biglaang pagkakaroon ng kasama sa upisina nito. “Keri yan self, para sa malaking sweldo!”, pagmomotivate niya sa sarili kung kayat napapangiti siyang umupo at ipinagpatuloy ang ginagawa sa computer. Pagdating niya ay nasa desk na niya ang lahat ng documents, pati password ng computer at email address. Halos himatayin siya sa dami ng nagpapaASAP ng meeting sa CEO. Gumawa siya ng plan at nagprint ng mga attached docs pagkatapos kumatok siya sa private office ni Mr. Eduardo. Nakailang katok na siya sa may pinto ngunit hindi man lamang ito sumasagot kung kayat binuksan na lamang niya ng konti ang pintuan at isinilip ng kaunti ang ulo. Nagtaka siya dahil nagbabasa lamang naman ito habang nakaupo sa harap ng mesa bat parang hindi nito naririnig ang kanyang pagkatok? Nagbibingibingihan lamang ba ito o talagang may pagkabingi? “I’m sorry to disturb you sir, but here’s your schedule for today. Please check them for approval. I’ll just come back to collect them for confirmation. Thank you.”, magalang niyang pahayag dito habang maingat niyang ipinatong sa harapan ng boss ang hawak na folder pagkatapos ay nagbow ng bahagya bago nagmamadaling tinungo ang pinto. “Get them now!”, natigil siya sa pagpihit sa doorknob ng marinig ang boses ng kanyang boss. Bahagya siyang natigilan ngunit agad din siyang lumingon dito, baka nagkamali lamang siya ng narinig. “I said get them now!”, mas malakas na turan nito na tila naiinis. “Ah, yes sir!”, saad niya pagkatapos ay mabilis na lumapit sa table nito. Kinuha niya ang folder na ibinabalik nito ngunit hindi niya napigilan ang mapakunot noo ng makita ang napakalaking cross out sa ginawa niyang schedule nito. Napalunok siya ng dalawang beses pagkatapos ay unti unting iniangat ang mukha upang tumingin dito. Halos mawalan siya ng kulay sa mukha dahil nakatingin pala ito sa kanya habang nakataas ang mga kilay nito. “Don’t bring trash in my table.”, mayamaya ay turan nito at halos manginig ang kanyang tuhod. Trash talaga? “Sorry sir, papalitan ko na lamang po ito, pasensiya na.”, mabilis niyang pahayag at hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang sarkastikong pagngiti nito. “Don’t waste my time, provide weekly plan!”, narinig niyang utos nito at mabilis siyang nagbow dito. “Yes, sir, masusunod po!”, turan niya pagkatapos ay tumungo na siya sa may pinto. „Where are you going?”, narinig na naman niyang turan nito at agad siyang napahinto. “Sa desk ko sir, gagawa po ng weekly plan.”, saad niya na parang ilong lang yata niya ang nakarinig. “Did I instruct you to go out now?”, “No, sir!”, tugon niya at gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa padalos dalos niyang kilos. “Pasensiya na po.”, humingi siya agad ng paumanhin dito. „Don’t let anyone enter my office, I am not expecting any visitor today!”, iritadong utos nito at walang kasimbilis ang ginawang pagbow dito. “Copy, sir.”, saad niya habang hinihintay pa ang ibang instruction nito ngunit nakalipas na ang halos isang minuto ay wala pa ring itong karagdagang utos kung kayat nag-angat siya ng mukha upang tignan ito only to find out na nakapokus na pala ito sa binabasang dokumento kanina. Gusto niyang mainis ngunit napailing na lamang pagkatapos ay nagbow pa rin kahit hindi ito nakatingin bago tahimik na tinungo ang pintuan at lumabas. “One more thing.”, biglang saad nito kung kayat di niya namalayan ang sariling nakataas ang kilay ng humarap siya dito. “Don’t tell anyone that I am here today.”, dagdag nito at lihim siyang napangisi, for sure may tinataguan ang lalaking ito. “Copy that, sir. Is there anything more, sir?”, pormal na turan niya dito. “You may go!”, pasupladong wika nito at pasimple niyang iniikot ang kanyang mga eyeballs bago naisipang magbow dito at tuluyang lumabas. Halos pabagsak siyang umupo sa kanyang swivel chair ng makabalik sa kanyang desk. Unang araw pa lamang niya sa trabaho ay mukhang stress na siya sa ugali ng kanyang boss. Parang hindi niya matanggap sa sarili na totally ay nilagyan nito ng napakalaking ekis ang ginawa niyang plan. Napahawak siya sa kanyang noo, mukhang dito na siya magkakawrinkles ng marami. Maya maya lamang ay halos mapaigtad siya ng tumunog ang telepono malapit sa may computer. “Eduardo’s Holding Company, office of the CEO may I help you?”, masiglang bati niya ng iangat ito. “Who the hell are you?”, narinig niyang boses ng babae mula sa kabilang linya. “I’m sorry ma’am?”, saad niya, baka may kausap na iba ang nasa kabilang linya at nagkataon na iyon ang kanyang narinig. “Bingi ka ba? Ang sabi ko sino ka? Gusto kong makausap si Ezekiel Eduardo!”, mas matapang pa yata kay Gabriela Silang ang nasa kabilang linya at mangani nganing bagsakan niya ito ng telepono. „Thank you for your call but Mr. Eduardo is not in the office today. By the way, I am the CEO’s secretary. Goodbye!”, matapang din niyang pahayag pagkatapos ay malakas niyang ibinagsak ang hawak na telepono. Wala siyang tolerance sa mga ganoong klase ng caller, parang pagmamay-ari nito ang buong mundo kung makapagsalita. Yun siguro ang pinagtataguan ng magaling niyang boss, no wonder. Paglipas ng ilang saglit ay tmunog ang kanyang celphone, hind pa pala niya naitago sa kanyang bag kanina ngunit ng tignan niya ito ay number ni Mrs. Santos ang tumatawag. “Ms. Lacuesta, someone reported you in the office. Did you drop a phone call just this hour?”, si Mrs. Santos sa kabilang linya at napakagat siya sa kanyang daliri ng marealized ang ginawang pambabagsak niya ng telepono kanina. “Sorry, ma’am, pero kasi…”, halos hindi niya alam ang sasabihin, kahit saang angulo niya tignan mali pa rin talaga ang ginawa niya. “No need to explain Ms. Lacuesta, congratulations!”, nakatawang pahayag ni Mrs. Santos at hindi niya maintindihan kung bakit masaya ito imbes na pagalitan siya. “Ma’am?”, hindi makapaniwalang untag niya dito. “Congats, ikaw lang ang nakagawa ng ganon sa babaing yun dito. Nice, keep up the good work!”, masayang bati pa nito at pati siya ay nahawa sa katuwaan nito. “O siya, sige. Have a nice day and welcome to Eduardo’s Holding Company.”, magiliw nitong paalam at nagpasalamat siya dito. “Thank you, ma’am, have a nice day too.”, masayang turan niya bago pinindot ang end button ng cellphone. Naalog pa niya ang ulo pagkatapos dahil hindi siya makapaniwalang nasiyahan pa ang personnel sa kanyang ginawa imbes na bigyan siya ng memo. Mayamaya ay halos mafreeze siya sa kinauupuan ng marinig ang boses ng kanyang boss mula sa kung saan. “Get inside the office, now!”.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD