Chapter 7

1419 Words
Pagdating nila sa parking lot ng isang mamahaling rezto ay agad bumaba si Delfin upang pagbuksan ng pintuan ang CEO. Bumaba naman agad ito pagkatapos ay walang sinsalitang tinungo ang entrace ng rezto. Kung hindi lamang sumenyas si Delfin kay Anna ay hindi pa siya kumilos upang sundan ang kanyang bagong boss. Sa haba ng biyas ng mga legs nito ay napakatulin nitong maglakad kumapara sa biyas ng isang 5’2 na katulad niya kung kayat halos tumakbo na naman siya upang makahabol dito. “Don’t get inside!”, narinig niyang utos nito bago ito pumasok sa pintuan ng rezto. Para naman siyang sasakyan na biglang nagpreno pagkaarinig sa instruction nito habang hinabol na lamang ng kanyang tingin ang pagpasok ng CEO. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napabuntunghininga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang habang tumungin sa paligid. May nakita siyang upuan malapit sa entrance door at napagpasiyahan niyang doon na lamang niya hihintayin ang kanyang boss. Akala niya mapapasabak siya agad sa pagiging secretary yun pala gagawin pala siyang guard sa labas ng rezto. Noong una ay naaaliw pa siyang luminga linga sa paligid, puno ng sosyal na kainan ang street na iyon at ibang iba ang nakikita niyang ambiance. Ngunit hindi nagtagal ay nabagot din siya sa katitingin kung kayat inilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimulang itext ang mga kapatid. Ilang minute na lamang at mag-aalas singko na kaya pinaalalahanan niya ang mga itong mag-ingat sa pag-uwi. Nahagip din ng paningin niya ang number ni Yael dahil isa rin ito sa pinapadalhan niya ng paalala tuwing hapon ngunit napangiti na siya ng may pait ng maalalang hindi na siya parte ng buhay nito at sinimulang burahin ang itinipa nitong mensahe para dito. “Anna?”, halos naalimpungatan siya sa ginagawa ng marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nag-angat siya ng mukha mula sa pagtipa sa cellphone at nagtatanong ang mukhang luminga sa paligid. Bigla siyang napatayo ng makita si Yael habang nakatayo sa may b****a ng resto at sa ngayon ay nakatingin sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?”, saad nito ng makalapit sa kanya. “Ah, wala naman… I mean may hinihintay ako sa loob.”, turan niya na parang batang hindi nakapagpaalam sa magulang at bigla siyang naguilty. Napukunot ito ng noo habang ipinaglipat ang paningin sa kanya at sa loob ng rezto. “Umalis kana sa bangko?”, tila hindi makapaniwalang wika nito pagkatapos at tumango siya kasabay ng bahagyang pagngiti. “Bakit? Dahil ba saakin?’, agad rumehistro ang guilt sa mukha ni Yael at agad siyang umiling. “Hindi! Hindi!”, saad niya at napatingin ito sa kanyang mukha. “I’m sorry.”, pahayag nito at siya naman ang napatingin sa mukha nito. Hindi niya mawari kung lungkot at pagsisisi ang nakarehistro sa mga mata Yael ngunit nginitian na lamang niya ito upang pagtakpan ang nararamdamang sakit sa kanyang puso. “Wala yun!”, nakangiting saad niya kahit sa loob loob niya ay gusto niyang maiyak. “Babe?”, mula sa may b****a ng pintuan ay naroon ang bagong girlfriend ni Yael. “Coming!”, tugon ni Yael kahit nakapokus pa rin sa kanya ang paningin nito. “We’ll talk next time. Ingat ka palagi.”, paalam ni Yael at bahagya lamang siyang yumuko dito pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang papalayong binata hanggang makalapit sa napakganda at eleganteng babae na naghihintay sa may pinto. Halatang mayaman ang girlfriend ni Yael base sa napakaclass nitong poise at pananamit; bagay na bagay sila ni Yael lalong lalo na sa estado ng pamumuhay. Napaisip tuloy siya kung paanong nagustuhan siya ng binata noon samantalang hindi naman lingid sa kaalaman nito na hindi sila magkalevel ng uri ng pamamumuhay. Sadya nga sigurong mabait si Yael at pati ang naitulong nito sa kanyang pamilya ay halos hindi na niya mabilang kaya hindi niya magawang magalit dito after all he deserved someone better naman talaga. Napakunot ang noo ni Ezekiel ng makitang mahaba ang nguso ng pinsang si Abie pagpasok pa lamang nito sa kinaroroonan nilang VIP room sa rezto kasunod ang boyfriend nitong si Yael. Napagkasunduan kasi nilang magpipinsan na magkitakita sapagkat paalis na naman ang pinsan nilang si Daniel patungo sa Australia. Hindi naman sa hindi nila ito mapuntahan sa kung saan man ito naroon ngunit parepareho silang busy sa buhay at tinetake advantage lamang nila ang mga ganitong pagkakataon. “Why the long face, Abigail?”, pabirong turan ni Daniel sa nag-iisang babaeng pinsan nila at halos humagalpak ito ng tawa ng lalong bumusangot ang maganda nitong mukha kasabay ng pag-upo nito sa kanyang tabi. “What’s up?”, soft tone niyang turan kay Abie kasabay ng paghagod sa likod nito. Siya ang eldest sa kanilang apat na magpipinsan at kahit pagbaliktarin niya ang mundo ay pet niya ang pinakabunso at nag-iisang babaeng Eduardo. “I hate leeches!”, nakasimangot nitong pahayag at nagkatinginan silang tatlo. “What do you mean?”, hindi makaapaniwalang turan ni Andrew sa pinsan sapagkat kahit sobrang arte nito ay ngayon lamang niya marinig na magsalita ng ganito si Abie. “Ano pa nga kundi ang babaeng naghahabol kay Yael, she’s so obsessed with my boyfriend hindi ko alam kung paano niya nalamang pupunta kami dito.”, nakasimangot pa ring turan nito at hindi napigilang tumawa nina Daniel at Andrew. “Babe, I told you, it’s a coincidence nagkataon lamang na may hinihintay siya dito sa loob.”, agad namang paliwanag ng boyfriend nitong si Yael habang palapit din sa kanilang kinauupuan. “Hmmp! Ewan ko saiyo, palibhasa gustong gusto mo namang makita ang babaeng yun!”, nakarole eyes na pahayag ni Abie at hindi makapaniwalang umiling si Yael sa pagseselos ng kasintahan nito. Tumingin sa kanilang tatlo si Yael ngunit halos sabay sabay silang nagkibit ng balikat dito. May pagkabrat si Abigail pero ayaw naman nilang iinvalidate kung anoman ang nararamdaman nito. “You’re impossible! Baka sabihin ng mga pinsan mo inaagrabiyado kita ha?”, nakatawa na lamang nitong pahayag kasabay ng pag-upo nito sa tabi ng pinsan at malambing na inakbayan ito. “Don’t worry dude, we know her so well.”, pahayag ni Andrew at nagkatawanan ang lahat. Bahagya lamang ang ginawang pagngiti ni Ezekiel, one hundred percent sure siya na ang bagong secretary niya ang tinutukoy ni Abie na babaeng obsessed sa boyfriend nito. Baka yumakap na naman ito pagkakita kay Yael na hindi iniisip kung may mga tao sa paligid o kung may masasaktan ito. Ganun naman ang mga taong obsessed, mga sariling kaligayan lamang ang iniisip at walang pakialam sa mga masasaktang tao. Sa isiping iyon ay mas lalong nakaramdam siya ng matinding inis sa kanyang bagong secretary, na meet nito ang kanyang standard pero hindi niya hahayaang patuloy nitong saktan ang kanyang pinakamamahal na pinsan. Nag-enjoy muna siya sa pagkain at pakikipagkwentuhan sa mga pinsan ng halos lagpas sa isang oras. Nang malapit na silang lumabas ay nagsend siya ng message kay Mrs. Santos upang pauwiin na si Anna na kasalukuyang naghihintay sa labas ng resto. Napangiti siya pagkatapos habang nakikinita ang magiging reaction nito pagkatapos nitog maghintay g matagal sa labas. “Ma’am?”, si Anna matapos pindutin ang answer button sa kanyang cellphone. Sinave niya ang number ni Mrs. Santos kanina kaya sinagot niya agad ito. “Ms. Lacuesta, pwede ka nang umuwi.”, turan nito at nagtaka siya kung inuutusan na siyang umuwi samantalang hindi pa lumalabas si Mr. Eduardo. “Ma’am, nasa loob pa si Sir hindi pa po lumalabas.”, saad niya dito. “Okey lang yan, tutal lagpas alas singko na wala ka nang pananagutan sa kanya.”, pahayag ng nasa kabila. “Sigurado po kayo? Baka sisantehin niya ako agad ma’am, alam niyo namang kailangan ko ang trabahong ito.”, may pag-aalinlangang pahayag niya at narinig niya ang bahagyang pagtawa nito. „Oo, sige na! Umuwi ka na mas lalong mawawalan ka ng trabaho kung hindi mo susundin ang sinasabi ko.”, si Mrs. Santos kung kayat dagli siyang napatayo. „Okey ma’am, paalis na po ako. Salamat po.”, mabilis niyang pahayag kay Mrs. Santos pagkatapos ay dalidali siyang umalis sa kinauupuan at pumunta sa gilid ng kalsada upang pumara ng taxi. Ang weird naman, pinaghintay siya ng pagkatagal tagal sa labas na parang timang pagkatapos ay ora orada ding pauuwiin? Nakakaloka! Matino pa ba ang pag-iisip ng Ezekiel Eduardo na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD