Chapter 6

1795 Words
Halos hindi maipaliwanang ni Anna ang nararamdaman pagkalabas sa upisina ng CEO ng Eduardo’s Holding. Parang nawalan siya ng pag-asang makakapagtrabaho siya bilang secretary labis labis ang panghihinayang sa dobleng pasahod. Napakalaking tulong kasi para sa kanilang magkakapatid ang malaking sahod upang matugunan ang pangangailangan nila araw araw lalong lalo na sap ag-aaral ng mga kapatid. Pagpasok niya sa elevator pababa ay pabuntunghiniga niyang isinandal sa ang likod sa wall nito pagkatapos ay lupaylpay ang balikat na tila wala sa sariling nakatingin sa taas. Mabuti na lamang at mag-isa siyang lulan dito kung kayat feel na feel niya ang pagsesenti. Kung bakit naman kasi ganon ang mga katanungan ng nag-interview sa kanya, sigurado bang CEO ang lalaking iyon? Imbes na yung mga kakayahan niya ang tinanong nito ay para namang schoolboy na tinatanong kung attractive ito at may potential itong maging boyfriend niya. Jusko Lord, kung ibang babae lamang siguro siya wala ng tanong tanong. Napakagwapong lalaki kaya nito at kung hindi lamang siguro siya broken hearted at may pananagutan sa mga kapatid ay hinayaan niya ang sariling magswoon dito. Mabuti na lamang at hindi niya priority ang paglalandi kung hindi ay baka nasabi niya dito ang totoo. Pagdating sa ground floor ay mabibigat ang mga pang inihakbang ang mga paa upang lumabas sa bumukas na elevator. Wala, wala na talaga siyang pag-asa pa na makabalik pa dito kaya kailangan niyang mag-isip pa ng additional na pagkakakitaan. Baka patusin na rin niya ang pag-oonline selling pero hindi naman siya mahilig sa social media. Haist! Baka kailangan na talaga niyang mag-abroad pero paano niya mababantayan ang mga kapatid niya? Punompuno ng kung ano ano ang kanyang isip ng magring ang kanyang cellphone, alam niyan isa sa mga kapatid niya ang tumatawag dahil bukod kina Yael at ang ninomg niyang s Atty. Garcia ay ang mga ito lamang ang madalas na tumatawag sa kanya. May problema na naman kaya ang isa sa mga ito? Napabuntunghiniga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang kasabay ng paghagilap ng cellphone sa hawak na mini bag. Napakunot noo siya sapagkat new number ang nakarestro sa screen ng kanyang cellphone. Nag-atubili pa siyang sagutin iyon baka yung makulit na home credit na naman pala ang tumatawag at nag-ooffer na mag-avail ng mga gadget. “Miss Anna Marie Lacuesta?”, narinig niyang turan ng boses babaeng nasa kabilang linya. Nagulat pa siya kung bakit kilala nito ang full name niya. “Yes, ma’am?”, atubiling tugon niya. “Hi, this is Mrs. Santos, HR personnel of Eduardo’s Holding Company. You are chosen to be the CEO’s secretary. Can you come back in the office for your orientation and briefing?”, turan ng nasa kabila at hindi siya makapaniwala sa narinig. Gusto niyang sumigaw at magtatalon sa tuwa ngunit nasa lobby siya at may mga pagala galang emplayado at guardiya. “Miss Lacuesta?’, untag ng nasa kabilang liny. “Yes, ma’am, I’m coming right away po. Thank you very much.”, masayang pahayag niya dito. “Okey, I’ll wait for you at the HR office. See you.”, turan nito pagkatapos ay nawala na iito sa sa ere. Sa labis na kasiyahan ay napatingin siya sa may itaas kasabay ng taimtim na pagbigkas ng ‘Thank you, Lord” pagkatapos ay tinungo din agad ang elevato upang umakyat ulit pupunta sa HR office. Pagdating niya sa HR office ay agad siyang nakita ni Mrs. Santos at sumalubog agad ito sa kanya. “Miss Lacuesta, mabuti naman at nandito kana agad?”, nakangiting turan nito na tila nawala ang lahat ng agam agam sa buhay pagkakita sa kanya. “Yes, ma’am, palabas pa lamang kasi ako sa building ng tumawag kayo.”, saad niya at mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito. “Mabuti! Mabuti kung ganon, halika at maupo tayo doon.”, turan nito sabay turo sa isang mini conference room sa loob ng upisina. “Hay! Sana naman ikaw na talaga ang magtatagal na secretary ni boss.”, hopeful na wika ni Mrs. Santos at ngumiti siya ng bahagya sabay dalangin sa Panginoon na sana nga. Matindi ang kanyang pangangailangan kaya hanggat maari kahit maging secretary siya ni CEO hanggang makatapos ang kanyang mga kapatid. „Sana nga po ma’am, kailangan na kailanga ko po ang trabahong ito.”, sinserong pahayag niya at tumango tango ito pagkatapos ay isinenyas na maupo. „Mabuti kung ganon, Miss Lacuesta, kaya dapat gawin mo lahat ng sasabihin ko saiyo upang tumagal tayong pareho sa trabaho.”, nakatawang pahayag nito at nahawa rin siyang natawa ng bahagya. „Ito ang company rules, pwede mong basahin mamaya pero since sa CEO ka naasign may mga karagdagang rules na hinding hind imo dapat kalimutan. Una, huwag ma huwag kang magkakacrush sa CEO.”, panimula nito at halos mahulog siya sa kinauupuan dahil sa nakakatawang rule nito. “Alam natin na magandang lalaki si Sir pero wala tayong karapatang icrave siya, meaning kung crush mo man siya huwag mo nang ituloy dahil masasaktan ka lang at mawawalan ka kaagad ng trabaho.”, patuloy pa nito at hidni niya napigilan ang ngumiti. Gwapo naman talaga ang CEO kaso hindi naman siya nagkacrush dito. “Pangalawa, huwag na huwag mo siyang ngingititian, baka mamisinterpret niya ang pagngiti at mawawala saiyo ang trabahog ito.”, wika nito at nakatawang kumunot ang kanyang noo. Huh? Kahit pagngiti bawal pala sa upisina ng CEO? Pero sige, kung part iyon ng kanyang trabaho ang importante susuweldo siya ng malaki. “Pangatlo, huwag na huwag kang magsusuot ng daring na damit, yung lumalabas ang cleavage, yung halos kita na ang pweten sa igsi ng palda. Yan! Yang suot mo nay an, ganyan na lang palagi para safe.”, pahayag pa nito sabay turo sa kanyang suot at napatango tango siya dito. Hindi naman talaga siya nagsusuot ng mga ganoong damit dahil palagi lamang siyang nakaslacks kung pumasok sa trabaho. Kung may inner ay halos hindi pa kita ang kanyang leeg. Pang-apat, huwag mong budburan ng makapal na make ang iyong mukha, hindi yan maapriciate ni sir kaya mas mabuting ganyan na lamang kasimple total maganda ka naman kahit wala yatang make-up.”, dagdagpa nito at tumango lamang siya. “Panglima, huwag na huwag kang lumalapit sa kanya kung hindi ka niya tinatawag. Pure employer- employee lamang ang inyong relasyon at wala ng iba pa. Nakuha?”, turan nito at mabiis siyang tumango dito. “Kuhang kuha po ma’am.”, saad niya kasabay ng pagthumbs-up kung kayat napangiti ito ng napakalawak. “Mabuti kung ganon dahil tumataginting na fifty thousand pesos ang iyong buwanang sahod plus mga iba pang incentives.”, si Mrs. Santos at sobrang nanlalaki ang kanyang mga mata. “Fifty thousand pesos? OMG!”, hindi siya makapaniwalang ganon kaagad kalaki ang starting salary niya. Naexcite na tuloy siyang magtrabaho agad dahil sa napakalaki ng kanyang motibasyon. „Oo, kaya huwag na huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko saiyo?”, si Mrs. Santos at dalgli siyang tumango dito. „Yes ma’am, hinding hindi ko po iyon kakalimutan.”, pagsusure niya dito at ito naman ang tumango tango. Pagkatapos nitong sabihin ang mga do’s and dont’s bilang secretary ng CEO ay inumpisahan naman nitong sabihin kung ano ano naman ang mga gagawin niya bilang secretary ng kanilang boss. Hapon na ng matapos ang kayang orientation kay Mrs. Santos pero kahit hindi pa oras ng uwian ay pinauwi na lamang siya upang makapahanda para sa first day ng kanyang service sa upisina ng CEO. Tumuloy agad siya sa elevator, sa dinami ng sinabi nito ay tila sumakit ang kanyang batok kung kayat napahawak siya at bahagyang hinilot habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Pagbukas nito ay halos huminto sa pagfunction ang kanyang utak dahil nakatayo sa loob ang CEO habang nakapamulsa. Hindi niya mawari kung ano ang tamang approach niya dto, ngingiti ba siya o sisimangot, or babatiin ba niya ito o huwag na lang. Gosh! Naghalohalo ang mga mga paalala ni Mrs. Santos sa kanya at ang tamang etiquette na alam niya. “Are you going in or not?”, narinig niyang turan nito sa baritonong boses kalakip ang sobrang pangungunot ng noo. “Sorry, sir. I’m going in.”, kabadong turan niya kasabay ng pagbow pagkatapos ay mabilis na tumayo sa kabilang gilid. Napakagat labi siya ng mapansing nakaopen pa rin ang pinto kung kayat nakayuko ang ulong lumapit sa pindutan at pinindot ang close button saka pasimpleng bumalik sa kitatatyuan kanina. “I guess, Mrs. Santos told everything you must know and do.”, halos mapatalon siya sa gulat ng biglang magsalita ito na hindi man lamang lumilingon sa kanya. “Yes, sir.”, mabilis niyang pahayag ng habang hawak hawak ang dibdib. “Good! Now, get ready we’re going to attend a meeting.”, turan nito at halos lumaki ang kanyang mga mata. Agad agad? “Sir?”, hindi niya napigilang bulalas dito. “Are you deaf?”, supladong saad nito at nakimkim niya ang kanyang bibig. “No, sir.”, mahinang tugon niya at nakita niya sa reflection nito sa wall ang sarkastikong pagsmirk nito pagkatapos ay sumeryoso ang mukha. Pagbukas ng elevator ay basta na lamang itong lumabas at diredirecho ang lakad habang malalaki ang mga hakbang na patungo sa exit door ng building. Nawindang man ay halos patakbo siyang sumunod dito hanggang sa b****a ng pinto. Muntik pa niya itong mabangga sa likod dahil bigla itong huminto, mabuti na lamang at mabilis niyang naipreno ang sarili. Sa lapit niya ay naamoy niya ang napakafresh na amoy nito. Hindi niya alam kung dahil sa pabango nito o natural na scent ng katawan nito. „Huh! Why don’t you write in your bio that you sniff like a dog.”, narinig niyang turan nito at kagyat siyang napalayo sa likod nito habang naramdaman ang sobrang pag-iinit ng mukha. Magsasalita pa sana siya ngunit bigla itong humakbang paalis ng huminto ang magarang sasakyan sa kanilang harapan. “Stop day dreaming, get in the car!”, pasigaw nitong pahayag bago lumulan sa nakabukas na sasakyan. Bigla siyang naalimpungatan at mabilis pa sa las kuatro ang paglapit sa sasakyan. Agad siyang lumulan upang maupo sa tabi nito ngunit nakita biglang tumaas ang kilay nito kung kayat paatras siyang bumaba para lilipat sa may harap. Nagulat siya ng mapagsino ang driver na nagbukas ng pintuan sa harap para sa kanya. “Kuya Delfin?”, walang kasinsaya niyang pahayag at nakangiting nagbow ito sa kanya. “Pasok na, dali!”, nakatawang pahayag nito at bago pa mabagot ang boss nila sa loob ay agad siyang tumalima kahit gusto niyang makipag-usap at kumustahin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD