"Ms. Anna, kanina pa sa loob ng sasakyan sina bossing, saan ka nagpunta?”, si kuya Delfin ng agad binuksan ang pang-unahang pintuan ng sasakyan. „Sorry, kuya, may binili lang.”, paliwang niya ngunit sumenyas sa kanya si kuya Delfin na dalian na niyang sumakay. "Where have you been? We've been stuck here for ages!", hindi pa man siya nakakasampa sa loob ay sinalubong na siya ng yamot na yamot na binata. “Sorry, sir, akala ko malapit lang yung binilhan ko pero may kalayuan pala.”, nakayukong turan niya dahil sa sobrang hiya. “Whatever! Let’s move.”, supladitong saad nito at lihim siyang napasulyap kay kuya Delfin habang nakakimkim ang bibig. Pasimple namang ngumiti ng bahagya sa kanya ito kung kayat binalewala lang niya ang kasungitan ng binata. Kahit ulanin siya ng katakot takot na ser

