Kinabukasan ay maagang gumayak si Anna upang paghandaan ang dadaluhang meeting ng kanyang boss. Mula sa malalaking kumpanya ang mga kameet ng CEO dahil nag-abiso itong sumama siya sa mga meetings nito ay kailangan din niyang maghanda. Hindi lamang sa paglilista ng mga mahahalahang detalye ng mga pag-uusapan kundi maging ang kanyang aura bilang secretary ng isang kapitapitagang CEO. Pinili niya ang pinakabago at sa palagay niya ay pinakabagay niyang damit. Isang palda na kulay gray at lampas sa tuhod ang haba na pinarisan ng kulay white na inner at kulay gray na coat. Pinusod niya ang lampas balikat niyang buhok at kinapalan niya ng kaunti ang inalagay na make-up na binagayan ng red na lipstick. Nang tignan ang kaubuuan sa salamin ay halos hindi niya makilala ang sarili; nagmukha siya high

