CHAPTER 8
"Imogen," tinawag ko siya at kitang kita ko kaagad kung paano siya nagulat nang marinig iyon.
Nang marinig ang pangalan niya.
Ngayon sigurado na ako na siya nga si Imogen. Kahapon buong araw talaga ako nag isip hanggang gabi. Ngayon na may make-up siyang suot kahit hindi naman ganun ka kapal gaya ng sa picture na binigay sa akin ni ma'am, mas lalo na siyang naging kamukha nung babae. Pero hindi lang kasi 'yon ang basihan ko, nung nakita ko siyang nag sampay ng mga damit na basang-basa siya alam ko nang galing siya sa mayamang pamilya dahil hindi siya marunong. Akala ko dahil maganda lang talaga siya at maputi kaya akalain mong mayaman siya. Pero mayaman nga talaga siya.
Naisip ko kasi na kung mayaman siya bakit naman siya dito titira. Kutis mayaman, mukhang mayaman, amoy mayaman. Binaliwala ko lang 'yun e pero ngayon, siguradong-sigurado na ako.
"Ikaw si Imogen 'diba?" seryoso kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang pag lunok niya. May takot at galit sa kanyang mga mata pero kaagad din na nawala iyon. Kahit kitang kita ko nang nagulat siya pero pinipilit niyang umastang wala siyang pakialam. Umiling siya.
"Imogen? Juliet ang pangalan ko, Yvonne ano ba 'yang sinasabi mo!" natawa pa siya.
Nagsisinungaling siya, nakikita ko. Hindi siya marunong mag sinungaling, nababasa ko iyon. "Huwag kang mag-alala hindi kita isusumbong," sabi ko at ngumiti.
"Ano bang sinasabi mo, Yvonne! Sinong Imogen ang sinasabi mo!" medyo tumaas na ang tono ng kanyang boses.
Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa aking kwarto. Kinuha ko ang envelope na binigay sa akin ni Mrs. Gomez at bumalik ulit sa labas. Medyo nagulat ako nang makita ko si Juliet sa harap ng pintuan ko nakatayo kaya napatigil ako.
"Yvonne... paano mo 'ko nakilala?" may bahid na pag-alala sa kanyang mukha.
Napangiti ako at hinila siya para pumasok sa loob. Bibili sana ako ng ulam e tapos ngayon hindi na tuloy. Gutom na gutom na 'yung mga bitoka ko pero sige na nga mamaya na lang.
Binigay ko sa kanya ang envelope at nilabas doon ang mukha niya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Huwag kang mag-alala hindi kita isusumbong. Nagtatrabaho ako sa mga Gomez bilang isang secretary ni Mrs. Gomez, tapos nung isang gabi binigyan niya ako ng trabaho para hanapin ka. Hindi kita nakikilala dahil naka make-up ka dito pero nahawigan kita dito. Nung nakita kitang nag sampay tapos basang-basa 'yung damit mo... alam kong hindi ka marunong mag laba—pasensya ka na ah nasabi ko pa—"
"Totoo naman." putol siya sa akin at tumawa.
Tumawa din ako at kinuha ang mga papel. "Nakalagay dito 5'8 si Imogen tapos pag tingin ko sa'yo mukha ka namang 5'8 dahil ang tangkad mo tapos parang mas matanda ka din sa akin. Kanina, nung narinig ko si Aling Eva na binigyan mo daw siya ng pera nagdududa na rin ako nun lalo na't nakita kita na may suot na make-up ngayon. Naging kamukha mo na talaga 'tong babaeng nasa picture.
Huminga siya ng malalim at kinuha ang papel. "Si Mrs. Gomez ba ang nag utos sa'yo nito?"
"Ah, oo sabi niya hindi ko naman daw kailangan na magiging full time job ko 'to dahil sekretarya pa din naman niya ako. Kung makikita daw kita sa daan sasabihin ko daw sa kanya."
Napatango siya at binalik ang mga papel sa envelope. "Imogen nga ang pangalan ko. Siguro alam mo naman kung bakit nila ako pinapahanap 'diba? Narinig mo na siguro 'yung kwento nila sa akin, kung paano ko pinagpalit ang pamilya ko para sa lalaki."
"Ang alam ko lang magiging fiancee ka ni Khien?" inaalala ko ang napag usapan namin.
"Khien? Did you call him Khien?" kunot noo niyang tanong.
Lito akong bumaling sa kanya. "Umm...sabi niya iyon daw ang itatawag ko sa kanya." nag kibit-balikat ako. "Hindi ko naman daw siya boss kaya Khien na lang daw 'yung itatawag ko."
Natawa siya bigla at sinuklay ang buhok niya. "Oo nga, magiging fiancee dapat ako ni Asher noon pero hindi natuloy. Malaki ang utang na loob namin sa mga Gomez at ngayon na delikado na 'yung kompanya nila, kailangan nila ang tulong namin. Kailangan nila ng tulong mula sa amin para mas mapabilis ang pag balik ng mga investors sa kompanya nila." bumuntong hininga siya, kitang kita ko kung paano siya nahihirapan na sabihin iyon. "Ako 'yung... ikakasal sa kaniya para doon. Noon, alam ko naman na ikakasal kami ni Asher dahil sabay kaming lumaki at kailangan kong sundin si Daddy."
Nakikinig ako sa kanya, ngayon ay may kaunti na akong kaalaman pero medyo nalilito pa rin ako.
"Sinabi nilang dati pumayag ka naman daw. Bakit ka tumakbo ngayon?"
Nag bago ulit 'yung itsura ng mukha niya. Mukhang may malalim siyang iniisip. "Dahil ayaw ko nang makasal kay Asher para lang sa kompanya. Hindi ko gusto si Asher pero pumayag ako dahil kailangan kong sundin si Daddy pero nung nakilala ko 'yung boyfriend ko... naisip kong hindi ko pala kaya. I don't want to marry someone just... just to save the company, Yvonne. Magpapakasal ako dahil mahal ko 'yung tao at sa lalaking mahal ko lang ngayon ko 'yon gagawin kaya umalis ako."
Nag unahan na tumulo 'yong luha niya pero nakangiti pa rin siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ang kanyang braso. "Naintindihan kita, Imogen. Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanila kung nasaan ka, susuportahan kita sa gusto mo."
"Thank you, Yvonne." pinunasan niya ang mga luha niya. "Naisip ko lang kasi na ayaw ko na maikasal sa ibang lalaki na hindi ko mahal," umiling siya. "May mahal na ako ngayon at siya 'yung papakasalan ko dahil siya lang 'yung nag bibigay sa akin ng totoong pagmamahal na para talaga sa akin."
Napangiti ako at inabot sa kanyang kamay. "Kakakilala pa lang natin pero sobrang gaan ng loob ko sa'yo. Kung anong desisyon mo support lang ako sa'yo,"
"Thank you...Huwag kang mag-alala hindi kita idadamay. Mabait si Tita at ganun din si Asher. 'Yung... parents ko lang hindi,"
Natawa siya at nag punas ulit ng mga luha. Ngumiti ako at hinila siya para yakapin. "Nako, ang bait-bait mo deserve mong maging masaya! Huwag gawin kung hindi mo gusto, okay? Mag pakasal ka sa taong mahal mo dahil deserve mo 'yon, Imogen." tinapik ko ang balikat niya at kumalas mula sa pagkayakap.
"Thank you, Yvonne... salamat dahil naintindihan mo ako."
"Ano ka ba wala 'yon! Hindi ako pamilyar sa mga negosyo at wala akong alam sa buhay niyo kaya hindi na ako mag tatanong dahil wala din naman akong maintidihan. Bakit ka nga pala dito ka nag tago? Ang lapit lapit lang kompanya ng mga Gomez dito baka makita ka!"
"Hindi ako lumalabas ng kwarto. Lumabas lang ako kapag may kailangan pero madalas 'yung boyfriend ko 'yung inuutusan ko na bumili ng mga kailangan ko. Mas maganda mag tago kapag malapit dahil hindi ka nila makikita, maghahanap kasi sila sa malayo dahil akala nila doon ka pumunta dahil gusto mong lumayo."
Buong gabi kong iniisip 'yung napag usapan namin ni Juliet—Imogen na pala. Sinabi niyang 'wag ko daw sasabihin kahit na kanino kahit kay Aling Eva at makakaasa naman siya nun.
"Yvonne," tawag ni ma'am sa akin. "ginagawa mo pa rin ba 'yung paghahanap kay Imogen?"
Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula noong nag usap kami ni Imogen, at ngayon lang din ang unang beses na nag tanong si Ma'am sa akin. Huminga siya ng malalim at mukhang may gusto pa siyang sabihin sa akin. Humawak siya sa batok niya at tiningnan niya ako.
"Don't worry hindi naman kita pini-pressure... wala pa kasing update sa private investigator ng mga Ramos kung nasaan si Imogen."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ang hirap naman mag sinungaling na wala akong alam pero nangako ako kay Imogen. At bakit ba atat na atat silang hanapin si Imogen, palubog na ba talaga itong kompanya? Hindi man lang ako pinaabot ng isang taon lulubog na agad?
"Umm, hindi pa po ma'am. Nag research po ako tungkol sa kanya pero wala po talaga akong nahanap, e. Baka naman po nag abroad kaya hindi mahanap?"
"Hindi siya pwedeng lumabas ng bansa. Bawal siyang lumabas dahil haharangin siya ng immigration kaya alam naming andito lang 'yun sa bansa nag tatago." umiling siya, mukhang sigurado.
"Ganun po ba. Nako pasensya na ma'am hindi ko naman kasi masyadong nakikilala 'yung mukha niya dahil sa kapal ng make up! Pero mag tanong-tanong po ako baka may nakakita po sa kanya."
Tumango siya.
"Don't pressure yourself, Yvonne. Mahirap talaga hanapin ang hindi mag papahanap. Basta, kapag may oras ka research some information okay? Anyway, kailangan pumunta ni Asher sa Singapore para sa mga investors, ikaw 'yung ipapasama ko sa kanya dahil hindi ako pwede,"
Lumaki ang mata ko nang marinig iyon. Sa Singapore talaga? Sasama ako kay Sir Khien na lumabas ng bansa?
Nahihiya akong ngumiti sa kanya habang kinuyom ko ang aking kamao ko. Bakit ba sobrang excited ko para doon! "Ah... Ma'am, baka ayaw po ni Sir na kasama ako nakakahiya naman po."
Kumunot bigla ang noo niya pero kaagad din na nawala iyon. May kinuha siya sa kanyang drawer at binigay sa akin ang isang envelope.
"Naka-usap ko na si Asher huwag kang mag-alala. Andito na ang ticket mo at allowance. Isang linggo 'yan dahil isang linggo ang hiningi ni Asher kahit na tatlong araw lang naman dapat siyang andun. Pero pumayag ako dahil alam kong kailangan din ni Asher na lumayo sa dami ng nangyari noong mga nakaraang buwan." deritso niyang sabi sa akin at naupo.
Nung lumabas ako ay andami kong tanong. Ano bang nangyari noong mga nakaraang buwan? Hindi na ako nag salita pa nang inabot niya sa akin ang ang ticket ko at pera. Isang linggo naman daw si Asher dun tapos tatlong araw lang naman matatapos, baka pwede na akong maunang umuwi? Sayang naman kasi 'yung binigay nilang allowance sa akin, magagamit ko pa 'to pambayad kay Sir kapag nauna akong umuwi!
"Ma! May balita po ako sa inyo!" masaya kong salubong sa kanya nang tumawag ako nang gabi.
"Anak! Anong balita ba 'yan at bakit sobrang saya mo, ha?" rinig na rinig kong nasa paligid lang aking mga kapatid nakikinig.
"Pupunta po akong Singapore, Ma! Isasama po ako ng boss ko dahil may meeting po siya, alam niyo po ba binigyan pa niya ako ng allowance!"
"Talaga, Ate pupunta na ng ibang bansa?" narinig kong na tanong ang kapatid ko.
"Oo! Kapag umuwi ako ibibili ko kayo ng pasalubong. Gusto niyo 'yun?"
"Shempre, Ate! Bagong sapatos lang sa akin, ha? Kailan ka naman uuwi, ate?"
"Hmm, lilipad na kami sa susunod na linggo tapos isang linggo kaming andun dahil mag babakasyon din 'yung boss ko kaya hindi pa ako pwedeng umuwi, pero susubukan ko pa rin naman na maunang umuwi kapag pumayag siya."
"Mabait pala 'yung boss mo, Anak. Basta mag ingat lang dun ha? Kahit huwag mo na kaming dalhan ng pasalubong ayos lang 'yon..."
"Si Mama talaga oh... Basta pagkauwi ko mula doon uuwi din kaagad ako dyan o baka ipapadala ko na lang dahil sigurado akong marami na naman akong trabaho kapag nakabalik!"
Iniisip ko pa lang na isang linggo kaming andun sumasakit na 'yung ulo ko. Shempre marami na naman akong gagawin pag bumalik ako dahil marami akong maiiwan, pero baka naman maawa si ma'am sa akin at kukuha muna siya ng papalit sa akin habang wala ako.
"Oh, sige na anak. Basta mag ingat ka lang dyan, ha? Kumain ka ng marami baka pumayat ka pa dyan. Hindi naman ako mag-aalala dahil babae naman 'yung boss mo kapag lumabas ka ng bansa..."
Napawi ang aking ngiti. Oo nga pala hindi niya alam na si Sir 'yung kasama kong lumabas. "Ah opo, Ma! Mabait naman daw po sila sabi ni Imogen sa akin kaya huwag po kayong mag-alala."
"Imogen?" nalilito na tanong ni Mama nang marinig niya ang hindi pamilyar na pangalan.
"Uh... kaibigan ko po dito, Ma si Juliet—Imogen po mabait po 'yon. Sabi niya mabait naman daw po 'yung mga amo ko dahil kilala niya naman po niya dati iyon." sinabi ko na lang para wala nang magiging tanong pa si Mama.