"Good morning, Sir Asher!" narinig kong bati ng ibang mga empleyado nang makapasok ako sa lobby.
"Morning." sagot niya.
Natanaw ko na kaagad ang katawan niya nang tuluyan na akong makapasok. Nakatayo siya sa reception at kausap ang isang babae. Nilingon niya ako nang mapansin ang aking pag pasok, ngumiti ako sa kanya.
"Good morning, Sir!" maligaya kong bati sa kanya.
"Good morning, Yvonne," nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako sa kaniya at nag lakad papunta sa elevator para pumunta na sa itaas.
Alam niya bang matagal akong nakatulog kagabi dahil sa kaiisip nang pinagawa nila sa akin. Kung si Juliet nga si Imogen, bakit naman siya mag tatago malapit lang sa kompanya ng mga Gomez? Kung ako 'yung magtatago—baka pumunta pa akong abroad para lang hindi mahanap!
Sa sobrang kapal ng make up nung babae sa picture sa tingin ko hindi ko siya makikilala. Pero kasi bakit may parte sa kanyang mukha kamukha ni Juliet. Siguro nga marami siyang ka hugis ng mukha at isa na don ay si Juliet?
Nag try rin akong hanapin si Imogen sa online pero wala naman akong nakita. Gaya ng sabi nila ay wala akong nakitang mukha ni Imogen, at kung meron man ay ganun pa din siguro. Ewan ko ba, bakit sobrang private niyang tao wala tuloy akong makita tungkol sa kaniya.
Ang hirap naman nitong pinapagawa nila sa akin. Hindi naman pagiging detective ang tinapos ko tapos ito na ngayon ang binigay sa aking trabaho. Buti na lang hindi ito ang priority ko dahil baka ma baliw na ako kakahanap sa magiging fiancee daw ni Sir Asher.
"Yvonne, can I have one copy of this please." gulat akong napatingin kay Sir nang makita ko siyang nasa aking harapan. Hindi ko naman siya napansin dahil nag pokus ako sa aking pag-iisip tungkol kay Imogen.
"Ah... Sige po Sir—shempre!" mabilis kong inabot ang binigay niyang papel at nag punta kaagad sa printer.
Hindi ko naman siya boss pero dahil anak siya ng boss ko, ginagawa ko na lang 'yung pinapagawa niya dahil wala din naman akong ginagawa. Ang sabi ng ibang empleyado dito ay dito na daw si Sir palagi dahil binigyan daw siya ni ma'am ng sariling opisina. Oo nga pala, kapag naikasal na siya, siya na ang magiging boss ko dahil aalis na din si Ma'am.
Bumuntong hininga ako nang matapos at bumalik ulit kay Sir. "Ito na po, Sir." inabot ko sa kanyang ang kopya ng papel.
Tiningnan niya iyon at ngumiti sa akin. "Thank you, Yvonne." Tumango lang ako, aalis na sana siya ngunit pinigilan ko siya.
"Wait lang po, Sir!"
Tumigil din siya sa paglalakad at liningon ako. Umangat ang kilay niya at ang itaas ng kanyang labi. Kinagat ko ang aking labi at pinaglalaruan ang mga daliri dahil sa kaba.
"Umm... pasensya na po kayo kahapon. Hindi ko naman po alam na ikaw pala 'yung... Amo ni Manong Loloy. Pasensya na po sa mga sinabi ko," nakayuko kong sabi.
Baka mapuno na 'to sa akin dahil sa mga pinagsasabi ko kahapon tungkol sa kanya. Totoo naman na masama talaga 'yung ugali niya. Sa tingin ko? Oo, sa tingin ko palang sa kanya mukhang may tinatago nang ugali e. Naiinis kasi ako dahil hindi man lang nag sorry sa akin. Ako kahit sa simpleng bahay nag-so-sorry talaga ako kapag alam kong may kasalanan ako, pero siya? Sorry niya daw 'yung inabot niyang pera sa akin! Ang kapal talaga ng mukha niya!
Mahina siyang natawa kaya nag angat ako ng tingin. "I don't care about that, Yvonne. Ako pala dapat ang mag sorry sa'yo, dahil sa pagmamadali ko nabasa ka tuloy." lumaki ang mata ko sa narinig mula sa kanya. "I sincerely apologize for that,"
Tama ba 'tong narinig ko? Nag sorry talaga siya? Ibabalik ko na lang siguro sa kanya dahil narinig ko naman 'yung gusto kong marinig. Pero seryoso ba siya, o baka naman binobola lang ako sa pa 'I sincerely apologize,' niya diyan!
Pilit akong ngumiti dahil ramdam na ramdam ko na 'yung malakas na kabog ng dibdib ko. Ewan ko ba, bakit ba ako kinakabahan ngayon!
"Apology accepted, Sir! So ngayon wala ka nang kasalanan sa akin, ibabalik ko na po 'yung pera sa inyo. Nagamit ko pa naman 'yon dahil akala ko hindi na tayo magkikita pero hindi ko inubos, ha! Plano ko talaga na ibalik sa may-ari 'yon kapag nakita ko—hindi ko naman alam na ikaw pala 'yon!"
Kunot noo niya akong tiningnan. "No need, Yvonne. Hindi mo 'ko kailangan bayaran pa, binayad ko 'yon sa'yo dahil nabasa 'yung damit mo dahil—"
"Si Sir ayos na po! Nakatulong naman po 'yun sa akin kasi wala po talaga akong dalang pera para sa pag apply ng trabaho. Pangit man pakinggan pero nag papasalamat din ako na nabasa ako dahil binigyan niyo ako ng pera para may magamit ako!" idinaan ko 'yon sa tawa dahil hindi talaga matanggal 'yung kaba ko!
Hindi niya na napigilan ang kanyang pag ngiti. Kanina niya pa tinatago 'yan e. "I'm glad to hear that, Yvonne. Pero hindi mo na talaga ako kailangan pang bayaran. I will just say sorry because I know it was my fault."
"Hindi po, Sir ibabalik ko po sa inyo 'yon. 'Yung natira pong pera sa mga binili ko binigay ko po sa simbahan kasi para po sa akin blessings 'yon, hindi naman po kita makikita kaya dun ko na lang ibinalik!" sabi ko sa kanya sa mga perang binigay niya.
Nakikinig siya sa akin at hindi siya nag salita. Namumungay ang kanyang mga mata nang ngumiti siya sa akin, nawala pa tuloy 'yung mata niya dahil doon.
Humawak ako sa puso ko dahil lakas ng kabog nito. Ba't ba kasi kinakabahan ako ngayon, natatakot siguro 'yung puso ko dahil kung anu-ano na lang 'yung sinasabi ko sa harapan niya.
"Then... mas lalong hindi mo na kailangan ibalik 'yon, Yvonne. We're good na 'diba?"
"Hindi pa Sir! Ibabalik ko talaga 'yon sa'yo, kaya ko na po 'yon na bayaran dahil may sahod naman po ako ngayon."
Umayos siya ng tayo, handa nang umalis. "I won't accept the money so better keep it. Or mag bigay ka na lang sa simbahan perhaps? That will be a good idea."
Hmm, mukhang tama naman siya pero gusto ko talagang ibalik 'yon sa kanya. Alam ko namang barya lang 'yon para sa kanya pero dahil nakatulong naman 'yon sa akin at nag sorry naman siya, ibabalik ko talaga 'yon! Mukhang nakikita ko naman na seryoso na siya, e.
"Huwag po kayong mag aalala, Sir nag bibigay naman po ako sa simbahan kapag pupunta po ako doon, gusto ko lang po talagang ibalik 'yun sa'yo. 'Diba po okay na tayo? Nag sorry ka na tapos... okay na sa akin kaya ibabalik ko na po sa'yo 'yun para wala na po akong utang sa inyo."
Kumunot ang noo niya habang nagsasalita ako, tila hindi niya ako naintindihan. Ah basta! Sa ayaw at sa gusto niya ibabalik ko 'yon! Kung hindi niya tatanggapin—kay Manong Loloy ko na lang ibibigay para siya na ang mag bigay kay Sir! Tutal siya naman 'yung nag bigay nun sa akin.
Inayos niya ang suot niyang polo at dinilaan ang kanyang mapupulang labi. Nag iwas ako ng tingin doon. "If that's what you want, Yvonne. But my decision is final, hindi ko matatanggap 'yan. Excuse me."
Sagot niya at tsaka tumalikod. Tiningnan ko ang malapad niyang likod. Tumigil siya nang maka tatlong hakbang lang siya at liningon ako ulit.
"By the way, you can call me Asher or Khien, but I prefer the latter, Miss Torculas." sabi niya. "I'm sure we can be friends." ngumiti siya sa akin.
Asher.
Khien.
"Aling Eva ito na po 'yung renta ko. Nag advance na po ako ng dalawang buwan, ha para hindi ko makalimutan!"
Kakakuha ko lang ng sahod ko kahapon at nag desisyon akong mag bayad na sa renta. Nag advance din ako ng dalawang buwan dahil mukhang kailangan ni Aling Eva ng pera ngayon e. Na kwento kasi niya noong isang araw na isinugod daw ang pamangkin niya sa hospital dahil na aksidente at kailangan operahan.
Kinuha niya ang inabot kong pera at binilang niya iyon. "Nako, Yvonne salamat, ah. May maitutulong na ako sa pamangkin ko, sobrang laki kasi ng gastusin sa hospital. E 'yung mga magulang naman niya walang trabaho. Itong binigay mo ibibigay ko na lang 'to para kahit papaano makatulong naman ako."
"Mag kano ba daw po ang gastusin, Aling Eva?" kuryuso kong tanong sa kanya.
"Halos kalahating milyon nga, Yvonne, e. Hindi ko na nga alam kung saan kami kukuha ng ganun kalaking pera. Nabali daw 'yung isang binti niya, iba naman daw 'yung sa kamay na o-operahan."
"Grabe sobrang laki naman po! Kung mayaman lang talaga ako ako baka may itutulong ako sa pamangkin niyo. Alam ko po kung gaano kahirapag hanap ng pera kapag may na hospital, Aling Eva dahil ganun din po ako dati. Kung meron talaga akong pera baka napahiram ko na po kayo—pero wala e, pareho lang din po tayo,"
Nakakalungkot naman na marinig 'yon. Dati kasi ako, kapag sinugod ako sa hospital dahil sa asthma ko, naaawa na lang ako kay Mama at Papa dahil nalulubog sila sa utang. Mabuti na nga ngayon at medyo hindi na ako ganun ka sakitin basta nag-iingat lang ako. At kapag inatake man ako ay hindi na ganun kalala, okay na ako sa inhaler lang kaya hindi na ako pupunta pa ng hospital.
"Nako Yvonne hindi mo kailangan 'yan problemahin! 'Yung bata kasing iyon hindi man lang nag iingat mag maneho! Kung hindi sana 'yon nag-iinom, sana hindi na kami ngayon nagka problema!"
Nakainom naman pala. Buti nga at hindi siya natuluyan! Ngayon, nagsisisi na siguro 'yun kung bakit siya inom nang inom! Kasalanan niya naman pala 'yun tapos ngayon pati si Aling Eva na damay sa problema! Pero bilib pa rin talaga ako kay Aling Eva, siya lang 'yung landlady na nakilala kong mabait!
Nag linis ako ng kwarto matapos kong mag laba. Nadagdagan na din ang iba ko pang mga damit dahil bumili ako ako nung nakaraang buwan. Inayos ko sila at nag luto ako ng kanin bago lumabas para bumili ng kanin.
May natira pa naman akong pera, 'yung kalahati ay pinadala ko kay Mama at hinati ko na lang 'yung iba para i-pang bayad kay Aling Eva. Hindi ko pa mababayaran si Sir ngayon e, dahil binayad ko muna kay Aling Eva. Nakakaawa naman din 'yung pamangkin niya kahit kasalanan niya naman kung bakit siya na hospital!
Nang makalabas ako ay naabutan ko si Juliet at si Aling Eva na nag uusap. May hawak si Aling Eva na brown envelope at mukhang sayang-saya siya.
"Aling Eva! Juliet! Nasa labas pa kayo, anong meron?"
Naiiyak na kumapit si Aling Eva sa aking braso at iniwan si Juliet. "Yvonne! Yvonne! Si Juliet binigyan niya ako ng pera para sa operasyon ng pamangkin ko! Dios ko si Juliet lang pala ang makaka sagot sa problema ko!"
Tiningnan ko si Juliet. Nakangiti siya habang tinitigan si Aling Eva na naiiyak na sa saya.
"Ganun po ba... kung ganun wala na po kayong problema, Aling Eva!" masayang sabi ko sa kanya at tiningnan si Juliet.
"Kaya nga, Yvonne! Hindi ko naman alam na sobrang yaman pala ni Juliet! Binenta niya 'yung branded na bag niya para ibigay sa akin!"
Binenta ang bag niya? Sumulyap ako kay Juliet, tiningnan ko ang mukha niya. May kaunting lipstick siyang suot at eyebrow, namulamula din ang pisngi niya. Maliwanag sa labas dahil maraming ilaw kaya kitang kita ko ang mukha ni Juliet.
"Talaga po? May kapitbahay po pala akong mayaman."
"Hindi naman. Regalo lang sa 'kin 'yon. Naaawa kasi ako sa pamangkin ni Aling Eva nung marinig ko ang kwento niya, kaya naisip ko na ibenta na lang 'yung bag ko." nahihiya pa niyang sabi.
"Sige, Yvonne, Juliet aalis muna ako ha?" tumingin siya sa akin at kay Juliet. "Dadalhin ko muna 'to sa hospital para ibayad at ma simulan na ang operasyon!"
Nagmamadali siyang umalis pagkatapos niyang mag paalam. Nagkatinginan kami ni Juliet. Kayang kaya niyang kumuha ng condo o bumili ng bahay kung gusto niya dahil marami siyang pera, pero mas pinili niya itong tagong lugar para hindi siya mahanap.
Ngayon sigurado na ako.
"Imogen," tinawag ko siya at kitang kita ko kaagad kung paano siya nagulat nang marinig iyon.
Nang marinig ang pangalan niya.