"Sasabay ako sa'yo, Mom." narinig kong sabi niya nang nasa parking lot na kami. May pupuntahang meeting si Mrs. Gomez at shempre kasama ako, ito namang si Sir ay hindi ko alam na kasama rin pala siya sa meeting at sasabay nga siya sa amin!
Ang yaman-yaman tapos walang sariling sasakyan at driver? Pinagkrus ko ang aking braso habang hinihintay ang sagot ni Mrs. Gomez.
"Saan ba ang driver mo, Son bakit ba palagi ka na lang nakikisabay? Tatlong linggo na tayong ganito, ha?"
"He's on vacation, Mom don't worry sa susunod na linggo ako na po ang magmamaneho." ngumisi siya at dumiretso nang sakay!
Sumunod naman si Ma'am at sumunod naman ako sa kanya. Tahimik lang ako buong byahe at ganun din ang silang dalawa sa likod. Akala ko sesermunan na naman ni Ma'am si Sir gaya noong isang araw pero hindi naman pala. Buti na lang dahil sobrang ingay nila kapag andaming sinasabi si Ma'am!
"Sir, dito lang daw po kayo sa labas mag hintay kay ma'am." sabi ko sa kanya nang makalabas ako ng opisina.
Papasok na sana siya sa loob e buti na lang at nakita ko siya. May kausap pa kasi si ma'am sa loob, mukhang ayaw yata niya pa istorbo kahit kay Sir e.
"Okay. Matagal ba?"
Nagkibit balikat ako dahil hindi ko din alam. "Hindi ko po alam, Sir e. Sige po sa lamesa muna ako tawag lang kayo kapag may kailangan kayo ah?" nakangiti kong sabi sa kanya at bahagyang yumuko bago umalis.
Hindi na siya sumagot kaya dumiretso ako sa aking lamesa. Kakaupo ko pa lang ay nakita ko na siyang sumunod sa akin.
Tumayo ako at ngumiti sa kanya para salubongin siya. "Sir! May kailangan po ba kayo?"
Tumigil siya sa paglalakad at nag kasalubong ang kanyang dalawang kilay. "Dapat ba may kailangan ako kapag gusto kitang maka-usap?"
Napakurap ako sa sinabi niya. Nalilito ako kung ano bang dapat kong isagot. "Ah, eh baka may kailangan po kayo sa akin?" nagaalanganin kong sabi.
Ngumisi siya at naupo sa maliit na sofa na nasa gilid. Sumandal siya at pinagkrus ang kanyang mga binti habang madiin akong tinitigan.
"Gusto mo ba akong nakatayo lang sa labas habang hinihintay si Mommy?" nag angat siya ng kilay.
Kinagat ko ang aking labi at nag iwas sa kanya ng tingin. Tama naman, hindi ko pala siya niyayang maupo man lang habang hinihintay si Ma'am—pero may upuan naman sa labas ah!
Ngumuso ako at bumalik sa dati kong posisyon. "Sige, dyan ka na." sagot ko at binuksan ang computer para abalahin ang sarili!
Hindi ako sumulyap sa kanya habang nag tingin-tingin ng mga emails. Hindi na rin siya nag salita—halos mabali 'yung leeg ko sa kakaiwas para lang hindi siya matingnan at sa computer lang ako nakatutok.
Tumingin lang ako sa kanya nang marinig ko siyang umubo pero mabilis lang din 'yon. Abala siya sa kanyang cellphone at naka krus pa rin 'yung mga binti niya habang nakayuko.
Tumayo ako para pumunta sana ng CR ngunit napatigil ako nang bigla siyang nag salita.
"Where are you going?" kunot noo niyang tanong—para bang hindi na ako babalik.
"Cr. Sasama ka ba?" biro ko at nag patuloy sa paglalakad. Ano bang pakialam niya kung aalis ako, gusto niya yata akong palaging kasama, e!
Suplado na nga siya, malandi pa talaga!
Nang makabalik ako ay nasa ganoong posisyon pa rin siya at hindi pa rin umalis, sa bagay hindi pa tapos si Mrs. Gomez sa kausap niya! Sumulyap lang siya sa akin at binalik ulit ang tingin sa kanyang cellphone.
Nang maupo ako ay sinulyapan ko siya ng isang beses at inabala na ulit ang sarili. Ano namang pag usapan namin kung kakausapin ko siya? Pakiramdam ko sobrang boring kong tao kapag mga ganitong tao ang kaharap ko e.
'Di bali na lang, baka kapag kakausapin ko pa siya ma palayas pa ako dito nang wala sa oras.
"Sir! Tapos na si Ma'am pwede na kayong pumasok," nangigiti kong sabi sa kanya nang matanaw kong lumabas na ang kausap ni Ma'am.
Tumingin siya sa akin at nag taas ng kilay bago niya binaba ang naka krus niyang mga binti. Pinagmasdan ko ang pag tayo niya, bumuntong hininga pa siya bago ako iniwan nang walang paalam.
Sa wakas, maayos na din akong makakaupo! Ay teka, akala ko lang pala 'yon. Kakapasok lang ni Sir sa loob ay tinawag na kaagad ako ni Ma'am para pumasok. Baka kailangan niya nang tubig o pagkain—wala naman siyang ibang schedule bukod sa shopping niya mamaya!
"Yes, ma'am?" nakangiti kong tanong. Binalingan naman ako ni Sir na iritado ang mukha.
"Meron pa ba akong schedule?"
"Ah, yes, ma'am may shopping po kayo mamaya tapos... 'Yun lang po!" sabi ko nang maalalang wala na siyang ibang schedule bukod doon.
"Cancel my shopping. Pupunta tayo sa bahay pagkatapos naming mag usap ni Asher."
'Yon lang naman pala.
"Ah! Of course, Ma'am. Cleared na po ang schedule niyo ngayong araw, tatawagan ko na ba 'yung driver ma'am para mag hintay na sa baba?"
"No need, nasa baba na si Manong Loloy."
Tumango ako at ngumisi. Ngumiti naman si Mrs. Gomez sa anak kaya nag paalam na lang ako na umalis.
"Sige po, Sir, Ma'am, sa labas na po ako." sabi ko at tinalikuran sila.
"Look, Anak, kung hindi pa rin nahahanap baka matagalan bago ka maupo, " narinig kong sabi ni Mrs. Gomez bago ako lumabas.
Ano bang hinahanap?
Patay na, baka ma tanggal ako nito dahil sa pagka chismosa ko! Umiling ako at nag lakad na lang papunta sa aking lamesa. Tinali ko ang aking buhok at nag reply na lang sa mga bagong pasok na emails. Iniwan ko lang 'yung sa mga maliit na kompanya, hindi naman kasi si Ma'am pumapayag na paglalaan ko pa ng oras 'yung sa mga maliliit lang na kompanya! Ang sama talaga nila, porket maliit lang ayaw na agad!
"Yvonne, halika na! Sasama ka muna sa bahay!" gulat akong napatayo nang tawagin ako ni Mrs. Gomez!
Sasama sa bahay? Ako? Sasama talaga ako sa bahay nila? Para saan naman? Anong gagawin ko dun.
Sa tingin mo makakatangi ka pa, Yvonne? Utos 'yan ni Ma'am kaya sumunod ka!
"Ah, opo, Ma'am!" sagot ko at mabilis na sumunod sa kanila. Sobrang bilis pa naman nilang mag lakad, pa'no na lang ako na hindi ganun kahaba ang mga legs! Lalo na si Sir na sobrang tangkad, parang takbo ko na yata ang lakad niya e!
Tama lang naman 'yung height ko, hindi naman ako ganun ka tangkad—hindi rin ganun ka liit. 5'3 lang ako pero dahil matangkad si Ma'am at Sir ay hindi ako makakahabol sa kanila. 5'6 yata si Ma'am at nasa six ft naman siguro si Sir. Ang hirap pala kapag may kasabay kang mga matatangkad!
Kasabay ko na ngayon si Sir ngayong palabas na kami ng parking lot. Humina na kasi ang lakad niya kumpara nung nasa itaas na kami, siguro dahil dumating na kami dito at hindi na niya kailangan pang mag madali.
Huminto ang itim na sasakyan sa amin at narinig kong bumukas ang pintuan para bumaba ang driver. Nangigiti ako habang hawak-hawak ang bag sa harapan pero kaagad din na napalitan ang ngiti sa aking labi nang makita ko kung sino 'yung sinasabi nilang driver!
Loloy? Siya ba si Loloy?
"Good evening, ma'am, sir." yumuko pa siya at ngumiti bago binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Nakatulala ako habang tinitigan siya. Bakit andito siya? Dito na ba siya nagtatrabaho? Nag resigned na na siya sa walang kwenta niyang amo? Napalingon siya akin nang makapasok na si Ma'am at nasa harap naman ng pintuan si Sir.
Mukhang nagulat din siya nang makita ako dahil nawala ang kanyang ngiti. Hindi ko alam kung paano ako aakto. Nakapasok na si Sir at Ma'am at ako na lang ang natira sa labas—andito pala si Loloy!
"What's the matter? Ayaw mo bang sumakay, Yvonne?" malamig na sabi ni Sir kaya napalingon ako sa kanya. Nilabas niya ang kanyang ulo para makita ako at nag taas siya ng kilay, tumingin din siya kay Manong Loloy na nalilito.
"Wa-wala naman po, Sir!" sabi ko at nagmamadaling binuksan ang pintuan sa harapan. Sumunod naman si Manong Loloy para mag drive.
"Manong Loloy, kumusta po kayo?" mahina kong sabi sa kanya at pasimpleng sinulyapan ang dalawa kong amo sa likod.
Tahimik lang siyang nag drive at hindi ko na mapigilan na mag tanong—sa mga tanong na gumugulo sa aking utak.
"Ayos naman, Ma'am," aniya.
"Grabe naman 'yong Ma'am, Manong Loloy!" reklamo ko at kaagad naman na tinakpan ang aking bibig nang maalala kong may tao pala sa likod.
"May problema ba?" lumingon ako sa likod nang mag salita si Sir. Pinagkrus ni Ma'am ang kanyang mga braso habang nakatingin sa labas habang si Sir naman ay medyo iritado akong tiningnan, naiingayan yata—pasensya na!
"Pasensya na po, Sir. Ito kasing si Manong Loloy nakilala ko na 'to noong mga nakaraang buwan, e." nangigiti kong sabi at tinuro si Manong Loloy nang may naalala ako. "Ah! 'Yun 'yung araw na nag apply ako sa kompanya, nagmamadali kasi daw 'yung amo niya dahil may meeting kaya mabilis siyang nag maneho kaya ayon, natalsikan ako ng tubig dahil umuulan 'nun e. Bumaba si Manong Loloy tapos binigyan ako ng pera dahil inutusan siya ng amo niya. Grabe talaga hindi man lang nag sorry 'yung amo niya, binayaran ba naman ako para hindi na ako mag sisigaw, gusto ko sanang pangaralan e, pero umalis na. Hindi niya naman pagmamay-ari 'yung kalsada, naintindihan kong nagmamadali siya, at hindi naman kasalanan ni Manong Loloy 'yun dahil inutusan lang siya,"
Hindi ko muna natuloy ang sinasabi ko nang marinig ko si Manong na umubo. Nag iba na 'yung mukha niya at ramdam na ramdam ko na 'yung pag iba ng ihip ng hangin. Napalingon ako sa likuran, naka krus ang mga braso ni Sir at ganun din ang kanyang mga binti habang nakasandal—naka angat pa ang kanyang dalawang kilay habang may tinatagong ngiti sa kanyang mga labi.
Napakunot ang noo ko at nilingon na lang si Manong. Si ma'am? Tahimik lang siya at mukhang walang pakialam.
"Manong, buti nga at nag resigned kayo 'no sa dati niyong amo?" sabi ko dahil walang sumagot sa akin, baka nakulangan pa! "Na guilty po ba kayo dahil masama 'yung ugali ng amo niyo dati?" kuryuso kong tanong.
"Ma'am..." nahihirapan niyang sabi.
"Nag resigned? Nakaraang buwan? Kailan 'yon? Matagal na si Loloy kay Asher sino bang sinasabi mong amo?"
Napalingon ako kay ma'am nang mag salita siya. Nakatingin siya kay Sir kaya tumingin din ako. Kung kanina ay tinatago pa ni Sir ang kanyang ngiti, ngayon ay sumilay na talaga! Napatakip ako ng bibig at nilingon si Manong Loloy. Nilingon niya ako ng isang beses at binigyan ako ng nag-aalalang tingin.
Lumaki ang mata ko nang napagtantong— hindi nga! Nilingon ko ulit si Sir sa likod at nag taas lang siya ng kilay habang nakangiti. Uminit kaagad ang pisngi ko habang mabilis na kumabog ang aking dibdib!
Si Sir 'yung...
Hindi nga, totoo ba?
Nanigas ako sa aking pagkaupo at tinakpan kaagad ang akin mukha.
Patay na, mukhang hindi na ako pwedeng pumasok bukas!
Nilingon ko si Ma'am at hilaw akong ngumiti, ganun din kay Sir na hindi matanggal tanggal ang kanyang ngiti sa labi.
"Uhm... pasensya na po, si... Si Sir po pala 'yung amo ni Manong at..." napalingon ako kay Manong Loloy, humihingi ng tulong. "Si Manong hindi niyo naman po sinabi!"
"So, it was you? That woman was you?" natatawa niyang sabi mula sa likod.
Bakit siya natatawa?
"Asher, anong sinasabi niya?" kunot noo na bumaling si ma'am kay Sir.
Kinagat ko ang aking labi. Kinakabahan na ako. Para sa akin hindi mabait si ma'am noong unang kita namin pero habang tumatagal ang aming pag sasama ay hindi niya naman ako pinagalitan. Mukhang nag bago na nga ang kanyang ugali at mabuti nga 'yon! Parang aatakihin kasi ako sa puso kapag naririnig ko ang mga sabi-sabi sa loob ng opisina na grabe magalit si ma'am! Kaya naman kapag kumunot na ang noo niya o kaya may tanong siya sa akin, pakiramdam ko last day ko na sa trabaho!
"I will tell you later, Mom, Dad's waiting for us." pagod niyang sagot kay Ma'am.