Imbis na papunta na ako sa aking lamesa ay napatigil ako nang makita ko si Mrs. Gomez. Kakalabas ko lang ng pintuan ay nakasalubong ko na agad si Mrs. Gomez na kakalabas lang ng elevator.
"Good morning po, Ma'am! Uh, may bisita po kayo, nasa loob po si Sir." linakihan ko ang aking ngiti at tinuro ang pintuan.
Nag angat siya ng kilay. Mahilig ba talaga mag angat ng kilay ang mga Gomez? "Sir? Nasa loob?"
"Ah! Oo po si Sir po, mukhang siya po anak niyo dahil magkamukha kayo. Nag hihintay po siya sa loob, Ma'am."
Umayos na ulit ang lukot niyang mukha at nag lakad papasok. "Ikuha mo ako ng kape," sabi niya bago binuksan ang pintuan.
"Noted, ma'am!" sagot ko at dumiretso kaagad sa pantry para mag timpla ng kape.
Nang matapos ako ay bumalik ulit ako papunta sa kanyang opisina. Kumatok pa ako bago pumasok dahil baka may pinag-usapan silang importante—mahirap na baka itapon sa akin 'tong kape!
Sabay silang napalingon sa akin nang sumilip ako sa pintuan. Nagaalanganin akong ngumiti sa kanilang dalawa at pinakita ang kape na hawak ko.
"Ibibigay ko lang po ang kape niyo, Ma'am." sabi ko.
"Sure," sagot naman ng lalaki na dahilan para mapalingon si Ma'am sa kanya.
Kinakabahan tuloy ako sa paraan ng tingin ni Ma'am sa akin. Baka katapusan ko na talaga ngayon dahil sa lalaking 'to eh! 'Wag na niya sana akong pansinin mamaya baka ma pagalitan pa ako nito ni Mrs. Gomez!
"Pasok," pagod na sabi ni Ma'am kaya dinala ko ang kape niya sa lamesa. Nakaupo ang lalaki sa tapat ng lamesa ni Ma'am habang nasa kanyang swivel chair naman si Ma'am.
"Thank you, confidential." napakunot ang noo ko na bumaling kay Sir. Kakalapag ko lang ng kape sa lamesa ni Ma'am at aalis na sana ako nang biglang nag salita ang lalaki.
"Confidential?" lito na tanong ni Ma'am at napatingin sa akin. Kinagat ko ang aking labi. Confidential? Tinawag niya ba akong confidential dahil confidential 'yung pangalan ko?
Bumaling ako kay ma'am at hilaw na ngumiti. Nako, ma'am 'wag niyo po sana akong tanggalin dahil lang kinausap ako ng anak niyo.
"Anong confidential?" bumaling ulit siya kay Sir.
"Your secretary has a unique name, Mom huh? Confidential?"
"What?" madiin na sabi ma'am at napatingin sa akin.
"Ah, Sir hindi po confidential 'yung pangalan ko grabe naman kayo. Confidential lang po, hindi ko naman sinabing ako si confidential!" tumawa ako at tumingin kay ma'am.
Lagot na.
Nag angat si Ma'am ng kilay kaya umiwas ako ng tingin at napunta iyon sa lalaki. Nakakunot ang kanyang noo tila nalilito. Akala ba niya confidential 'yung pangalan ko? Sino kayang magulang ang magbibigay ng ganung pangalan, tanga ba siya?
Lito akong tiningnan ng lalaki at dinilaan niya ang kanyang mapupulang labi. "Confidential, you mean confidential 'yung pangalan mo?" nalilito niyang tanong.
"Tama na 'yan. Yvonne, pwede ka nang lumabas may kailangan pa kaming pag-usapan ni Asher."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki at ngumiti din ako. Tiningnan niya lang ako na para bang sinusuri niya ang buong mukha ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.
"Sige po, Ma'am pasensya na po. Mauna na po ako, Ma'am, Sir."
"Thank you, Yvonne." natatawang sabi ng lalaki na nag painit ng mukha ko.
Deritso akong lumabas at hindi na lumingon pa sa kanila. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag aayos ng mga dapat kong ayusin at tiningnan ang mga emails na pumapasok.
Ilang minuto pa ay nakita kong lumabas na ang anak ni Ma'am. Tumayo ako at nag punta sa loob ng opisina niya baka may ipapagawa siya sa akin.
"Ah... Ma'am may kailangan po ba kayo?"
Kinakabahan talaga ako baka tatanggalin niya na ako. Ayaw na ayaw niya pa naman sa mga malalandi, e 'yung anak niya halatang malandi e! Kinakausap ba naman ang babae ng ganun! Duh, alam ko na 'yang mga ganyan na galawan. Baka nga hindi talaga nag resigned 'yung sekretarya e, baka tinanggal dahil sa malanding lalaking 'yun!
"Wala na." sagot niya habang abala sa kanyang laptop.
Patay na. Baka wala na siyang ipapagawa dahil huling araw ko na ngayon. Dios ko naman talaga 'yung lalaking 'yon! Bakit ba kasi siya nag punta dito at manglalandi!
"Tawagin niyo lang po ako, Ma'am kapag may kailangan po kayo, nasa labas lang po ako." maghihintay lang po ako na tawagin niyo at paalisin na, pero sana 'wag naman sana, ma'am.
Tatalikod na sana ako ngunit tinawag niya ulit ako. "Yvonne, lumapit ka muna dito."
"Yes, Ma'am?"
Lumakas na 'yung kabog ng dibdib ko para sa pwedeng mangyari. Sana talaga mali 'yung iniisip ko ngayon, sana lang.
"Anong sinabi sa'yo ni Asher kanina nung wala pa ako?"
Sinabi?! Ano bang sinabi?
"Ah, pinakuha niya po ako ng kape niya tapos tinanong niya po ang pangalan ko pagkatapos, kasi sinabi ko po sa kanyang tawagin niya lang ako kapag may kailangan siya. Pero sinabi ko pong confidential dahil baka ayaw niyo po na malaman niya na..." hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil mukhang mali! Mali talaga!
"'Yon lang?"
Mabilis akong tumango. "Yes, ma'am iyon lang po."
Hindi ako nagsisinungaling ma'am kung alam niyo lang.
Napatango siya habang tinitigan ako, nako ano ba 'yang tingin na 'yan baka huling araw ko na lang dito sa trabaho.
"You're very honest, Yvonne."
"Ma'am?" Ito na ba 'yun tatanggalin na ako sa trabaho? Maam 'di ko po type 'yung anak niyo huwag niyo naman akong tanggalin.
"Bumalik ka na sa lamesa, Yvonne. May meeting ako mamaya 'diba? Tawagan mo ang driver para maka ready kung anong oras tayo babyahe."
Lumawak ang ngiti ko sa narinig mula sa kanya. "Noted, ma'am!" Excited akong umalis at nag punta kaagad sa lamesa para sa inutos niya, baka mag bago pa ang isip nito 'no!
Bumaba ako dahil wala naman akong trabaho. Mamayang 9AM pa ang punta namin at sinabi ni Mrs. Gomez na pwede daw akong bumaba para bumili ng pagkain.
Wala naman akong gagawin ngayon e, at wala din akong makaka-usap dahil busy 'yung mga tao sa trabaho nila!
Nag punta na lang ako sa cafeteria at bumili ng pagkain kahit maaga pa. Kaunti lang kaya 'yung kinain ko kanina dahil baka ma late ako.
Matapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa taas. Nasa baba na daw ang driver kahit may halos isang oras pa naman bago mag alas nuwebe. Naabutan ko si Ma'am na nag-aayos ng gamit niya at mukhang nagmamadali. Pumasok ako sa loob para ma tanong siya kung saan siya pupunta.
"Ah, ma'am alas nuwebe pa po 'yung meeting niyo, alas otso pa—"
"Cancel all the meetings, may kailangan akong puntahang importante. Pakisabi sa driver na bababa na ako, ngayon din!"
"Opo, ma'am!" nagmamadali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang driver na pababa na si ma'am.
Saan naman kaya ang lakad niya? Mukhang importante nga dahil nagmamadali siya. Tiningnan ko ang pag pasok niya ng elevator hanggang sa nawala siya. Bumalik na lang din ako sa aking lamesa at ginawa ang inutos niya na i-cancel lahat ng meetings niya!
"Good afternoon po, Aling Eva nakauwi na po ako!" masaya kong bati sa kanya nang makarating ako.
"Maaga ka ngayon, Yvonne ha? Wala bang lakad ang amo mo?"
"Nako wala po kaya nga nagpapasalamat ako. Buong araw nasa lamesa lang ako dahil umalis siya at hindi ako sinama."
"Mas mabuti naman kung ganun. Mukhang mabait naman 'yung boss mo 'no?"
"Nako, hindi po tayo sigurado diyan. Kapag nagalit daw po 'yun grabe nangbabasag daw po ng vase!" kwento ko sa kanya sa nasagap kong balita kanina.
"Nakakatakot naman pala 'yon kung ganun. Baka aksidenteng mabato ka niya kapag nagalit 'yun, nako!"
"Magaling naman po akong umiwas, Aling Eva 'wag na po kayong mag-alala diyan." tumawa ako.
Kapag binato ako ng vase shempre iiwas ako! Base sa kwento kanina sa opisina grabe daw si Ma'am kapag nagalit, buong opisina daw niya gugulo dahil itatapon niya lahat ng mga gamit!
Sa tanda na ni ma'am mukhang hindi niya na siguro 'yon kaya lalo na ang lamesa na sobrang bigat! Baka mag patulong pa nga 'yun sa akin para baliktarin ang lamesa kapag nagalit siya e.
"Andyan po ba ang bago kong kapitbahay Aling Eva?" napatingin ako sa kabilang kwarto.
"Ah oo! Sandali tatawagin ko lang. Mabait naman 'yon, Yvonne sigurado ako mag kakasundo kayo."
"Ah, sige po sabi niyo e." ngumisi ako.
Sumunod ako sa kanya papunta sa kabilang kwarto. Nag hintay kami na buksan ang pintuan pero naka ilang katok pa si Aling Eva bago niya 'yon binuksan.
"Juliet! Buti hindi ka umalis! Halika ipapakilala kita kay Yvonne na kapitbahay mo!"
Sumilip ako at tiningnan ang babaeng nasa pintuan. Magulo pa 'yung buhok niya at maga ang mga mata. Nakatulog yata habang umiiyak.
Kung hindi ko pa alam na dito siya nakatira sa tirahan ko ay iisipin ko na mayaman siya eh. Sa sobrang puti niya ay para na siyang isang anghel. Ang ganda ng hugis ng mukha niya at haba ng itim niyang buhok. Ewan ko ba, pero parang hindi yata siya bagay dito sa ganitong klaseng lugar. Oo komportable naman pero 'yung tindig nitong babaeng nasa harapan ko ay pang mayaman talaga kahit 'yung suot niya pambahay lang.
"Hi! Juliet! Yvonne nga pala. Pasensya ka na ngayon lang kita nakausap, maaga kasi akong umalis kanina!" nilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya naman iyon.
"A-ayos lang. Natulog din ako kanina kaya hindi din kita makaka-usap." ngumiti siya pero hindi man lang umabot sa kanyang mata!
"Ah... Ganun ba sige mauna na ako. Mukhang na istorbo namin 'yung tulog mo, puntahan mo lang ako kapag may kailangan ka, ha? Sa kabila lang!" ngumisi ako at kumaway sa kanya.
Umiikot 'yung buong linggo ko sa trabaho. Madalas ay gabi na ako nakakauwi dahil marami ang meeting ni Ma'am! Hindi naman ako nagrereklamo dahil gaya ng sabi niya ay ayaw niya sa taong nagrereklamo! Okay naman ako dahil libre 'yung pagkain kapag lumabas kami, at kapag masyado nang late ay idadaan nila ako dito sa tinutuluyan ko!
Hindi na din bumisita 'yong anak ni Ma'am sa opisina kaya natutuwa ako. Baka pinag bawalan na ni ma'am na pumunta o kaya busy lang din. Grabe pa naman 'yung ibang mga empleyado kapag pinag-uusapan nila ang anak ni Ma'am!
'Yung tatay daw nun ay nasa bahay may sakit kaya si Ma'am daw muna ang nag manage ng kompanya. Na stroke daw kasi 'yung asawa ni ma'am kaya sa bahay lang daw muna 'yung asawa niya!
Kapag daw nag desisyon na ang tatay niya na 'yong anak na daw ang mag manage ay doon pa daw si ma'am aalis.
Habang nag papagaling din daw 'yung tatay ay panay naman daw ang training ng anak para ihanda bilang tagapagmana ng kompanya. Mukhang gustong-gusto din naman ng anak nila na maging boss e, sa nakikita ko sa kanya ay determinado na determinado siya na maging CEO ng kompanya, e.
"Good morning, Kuya!" nakangiti kong bati sa kanya nang pumasok ako. Unang buwan ko na sa trabaho at excited na din ako na kunin ang unang sahod ko! Naka survive kaya ako sa perang binigay sa akin nung sasakyan kaya may nakain ako!
"Uy, good morning, ma'am!" bati naman niya at binuksan ang pintuan para papasukin ako.
Nag lakad ako papasok nang mapansin ko si Sir na nakaupo sa lobby. Kaya pala halos mabali na 'yung mga leeg ng babae kakalingon! Hay, nako kayo talaga basta gwapo! Buti na lang at hindi ako mahilig sa mga gwapo...mas inuuna ko 'yung ugali kaysa sa itsura!
"Good morning, Sir!" maligayang bati ko sa kanya nang dumaan ako. Nakayuko siya kaya hindi niya ako napansin. Nag angat siya ng tingin at kumunot ang noo niya na tiningnan ako.
Ngumiti ako.
"Good morning, Sir bibisitahin niyo po ba si Ma'am?"
Umiling siya. "No. May kukunin lang ako dito aalis din kaagad ako," sagot niya kaya napatango ako.
"Sige po... mauna na po ako baka ma late pa ako, hehe." kumaway ako sa kanya at nag lakad palayo.
Kakapasok ko lang sa elevator ay napatingin ako sa lalaki na pumasok. Akala ko ba may kukunin lang siya, bakit ngayon andito na 'to katabi ko?
"So, you're Yvonne?" bigla na lang siyang nag salita kaya napalingon ako sa kanya.
"Opo, Yvonne Torculas po ang pangalan ko." sagot ko at binalik ang tingin sa pintuan.
"Yvonne Torculas..." ulit niya. "My mom never told me na may maganda siyang sekretarya, ha?" sinabi niya at mahinang natawa.
Malandi talaga. Ngayon may ebidensya na ako na malandi talaga 'tong lalaking 'to—akala niya naman papatulan ko siya na lalaking may tinatagong masama ang ugali, duh!