Eirah's Point of View
Habol namin ang aming hininga nang pareho kaming mahiga sa kama. Nagkatinginan lang kami ni Nikolai at parehong natawa. He moved closer to me.
Kinuha ko lang ang kaniyang braso at ginawa kong unan 'yon. Binalot din namin ang aming mga hubad na katawan ng isang kumot na naroon. May unan din dito. Dahil kuwarto rin ito, hindi nga lang sa kuwarto na ito ako nag-stay kagabi. Sa ibang kuwarto ito.
"Is it good?" he weakly asked.
"Of course," sagot ko.
"We should rest."
"We should." Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking ulo. He kissed me on my temple, I felt that he's smiling. Lumawak lang din ang ngiti ko. Isinandal ko ang ulo ko sa may gilid ng kaniyang dibdib.
Natahimik na kami pareho. Nang mag-angat ako nang tingin sa kaniya ay nakapikit na siya habang nasa may bandang ulo ko lang ang mukha niya.
Bumibigat na rin ang kaniyang paghinga. Malamang ay magpapahinga na talaga siya. Matutulog. Mga dalawang oras din siguro namin na ginawa 'yon. Naka-ilang rounds kami at ilang beses niya ring ipininutok sa kaloob-looban ko.
Hindi ko na siguro kailangang itanong kung bakit. Nagpapahinga na siya.
Napatulala na lang ako sa may pader.
Maraming pumapasok sa utak ko isa na roon ang problema ko sa pamilya ko. Ano na kaya ang balita roon?
Ang sabi ni Elias ay babalik din siya isa sa mga araw sa linggo na 'to, at siguro pagbalik niya may balita siya. Sana naman, this time, maganda na.
Napapaisip din talaga ako. Hindi matatapos 'to kapag hindi ako nakipag-usap ng matino kay Daddy at Tita Kesha pero nag-aalangan nga ako baka hindi na nila ako hayaan na magsalita.
Hindi naman nila ako pinapakinggan...
Kailan kaya nila papakinggan ang sides ko? Kailan kaya nila iintindihin na gusto kong magtapos sa Tastotel University dahil iyon din ang gusto ni Mommy? Paano ko rin matatapos ang sem ko if hindi ako pumapasok?
Napabuga ako ng malakas na hangin. Napansin ata iyon ni Nikolai, hindi pa man siya tuluyang natutulog kaya napatanong siya sa akin.
"What's wrong?"
I bitterly smiled. "Akin na 'yan," sabi ko sa kaniya at inabot ang isa sa kaniyang mga kamay. Inangat niya lang din ito sa akin upang hindi ako mahirapan.
Nang mahawak ko na ang kamay niya ay agad kong pinagsiklop ang aming mga daliri. "Anong problema?" tanong niyang muli.
"Iniisip ko si Dad," malungkot pa na sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya lang ako sa may balikat ko gamit ang kamay niya na karugtong ng braso niya na ginawa kong unan para sa ulo ko.
Inilapit niya lamang ako lalo sa kaniyang katawan. Sumiksik lang din naman ako sa kaniya.
"Hmm?"
"Gusto ko siyang kausapin para matapos na 'to, ilang araw na akong walang paramdam sa school baka i-drop na ako," dugtong ko.
Inangat niya ang magkahawak naming kamay papunta sa kaniyang mukha. Hinalikan niya lang ang likod ng aking palad. Napangiti na lang din talaga ako kahit na ang lungkot ko.
"Huwag na mag-alala. I'll assure you that they're not going to drop you," sabi niya sa akin.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. He chuckled and nod.
"Yeah, anything for you, baby," sabi niya. Napayakap na lang din ako sa kaniya.
"Thank you so much, Nikolai baby!" I said, giggling.
Isa na lang ang problema ko, ang pagpa-plano ko na kausapin ang Daddy ko.
"Kung gusto mo talagang kausapin ang Daddy mo, puwede kitang samahan. Just to make sure that they'll not going to hurt you or force you..." he whispered into my ears. Natuwa lang ako sa sinabi niya na sasamahan niya ako.
Siguro mas makabubuti nga na may kasama ako.
Hindi ko sure kung sasaktan ba nila ako pero parang gano'n na rin kapag sapilitan.
Kailangan kong magdesisyon kung kakausapin ko na ba sila. Hintayin ko pa rin siguro si Elias pero matatawagan ko naman siya at maabisuhan kapag nakalabas na kami ng hacienda.
Ako si Eirah, matapang ako. Kaya ko 'to.
"I like that," sabi ko. "Now, let's get some rest."
"'Wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Magpahinga ka," sabi niya sa akin.
"Pinagod mo 'ko, eh," sabi ko pa sa kaniya.
"Ginusto mo naman," sabi niya naman. Natawa kami pareho.
"Oo nga," pagsang-ayon ko na lang. Bigla naman akong natigilan nang maalala ko 'yong nangyari kahapon, no'ng natulog ako. What if hindi pa ako natutulog ay dumating ulit ang babaeng 'yon?
"Why?" napansin niyang natigilan ako.
"Baka naman kasi may kumaladkad na naman sa akin," sabi ko. Humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko at ilang beses niya akong hinalikan sa ulo ko.
"Hey, don't worry, I am here," he said with assurance. Napangiti na lang din ako sa kaniya.
"I just wanna ask you something first..."
"What is it?"
"Willing ka ba talagang itanan ako?" tanong ko. Agad siyang natawa kaya hinampas ko siya ng marahan sa dibdib niya. "Seryoso ako!"
"I'm willing," sabi niya pa. "Pakasalan pa kita, gusto mo?" Nahampas ko siya ulit. Seryoso ba siya?
"Ang bilis naman! Pero sige, tapos anakan mo 'ko Nikolai baby, mga bente," sabi ko sa kaniya. Nagkatawanan na namin.
"Kaya mo?"
"Ako pa ba talaga ang tinatanong mo niyan. Kayang-kaya ko!"
"Lakas naman ng loob mo," sabi niya. "Ayaw ko ng gano'n."
"Huh? Ayaw mo ng bente? Sampu puwede ng basketball team then the rest, volleyball. Ayaw mo?"
Nag-angat pa ako ng tingin sa kaniya. Ngumiti lang din siya sa akin. "Ayaw ko nang gano'n, ayaw ko na mahirapan ka," sabi niya sa akin.
Kilig naman ako ro'n.
"Sampu?"
"Isa lang," sagot niya. Napanguso naman ako. Malulungkot ang bata kapag walang kapatid! "Pahinga na," sabi niya.
Tumahimik na ako at nagsimula na rin magpahinga. Ang sarap lang sa pakiramdam ng nangyari. Masarap din sa pakiramdam ang posisyon namin, komportableng-komportable ako.
Nakatulog naman ako kaagad at nakakuha ng sapat na hininga. Parang nagrefresh 'yong utak at katawan ko.
Ang sarap sa feeling.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog sa tabi niya. Paggising ko na lang ay wala na akong katabi.
Wala si Nikolai pagmulat ng aking mga mata. Napasimangot naman ako. Imposible naman na panaginip lang ang lahat.
Baka naglalakad-lakad lang siya. Bumangon na ako sa higaan at isa-isang pinulot ang mga damit ko na nasa sahig. Sinuot ko 'yon at dinala sa kabilang kuwarto kung saan naroon ang mga gamit ko.
Doon na rin ako nagbihis.
Pagkatapos kong magbihis ay nakaramdan na ako ng gutom. Hinanap ko ang telepono ko sa bag upang tingnan ang oras.
Malapit na pa lang mag-alas tres ng hapon. Nasaan ba si Nikolai?
Baka nga naglalakad-lakad lang.
Nagdesisyon akong lumabas ng kuwarto. Hahanapin ko sana si Nikolai sa labas pero nagugutom talaga ako. Bigla kong naalala na may kusina nga pala rito...
Sa ikaapat na pinto.
Naalala ko rin na may mga instant noodles and canned goods ako rito sa bag ko na dala. Kinuha ko 'yon at pumasok ako sa kusina. Balak ko sanang lutuin kaso nang tumingin ako sa refrigerator ay punong-puno ito ng mga gulay, may prutas din at may karne ng baboy.
Parang gusto kong magluto ng sinigang. Tutal, kumpleto naman ang mga ingredients. Pagluluto na lang talaga ang kulang.
May problema nga lang, hindi ako marunong magluto ng sinigang ba baboy. Haha!
Gusto ko lang magluto sana kaso hindi talaga ako marunong magluto kaya itlog na lang ang kinuha ko tapos kumuha ako ng dalawa sa mga instant noodles na dala ko.
Bumaling ako sa kalderong naroon, maraming kanin ang nandoon. Kailan kaya 'to niluto? Napakunot naman ang noo ko. Inamoy ko ito upang masuri kung panis na ba, tinikman ko pa nga, at hindi pa naman siya panis kaya naisip ko na isangag na lang ito.
Nag-ready lang ako ng sibuyas at hinalo-halo ko lamang ang kanin gamit ang sandok. Ni-ready ko lamang ang isasangag ko. Uunahin ko kasi ang pagluto ng itlog.
Kumuha ako ng mangkok at nagbasag doon ng ilang itlog. Binati ko ito at nilagay doon ang hilaw na noodles.
Ano ba tawag dito? Madalas lang kasi itong lutuin ni Mommy dati. Noodles with egg or egg with noodles.
Ah basta, itlog na may noodles.
Nagprepare na rin ako ng mga gagamitin ko sa pagluto katulad na lamang ng kawali, sianse at mantika na rin.
Nagsimula na akong magluto. Nang matapos ay inilagay ko na ito sa plato. Pagkatapos ay iyong sinangag naman ang niluto ko.
Ito lang naman ang alam kong lutuin bukod sa mga instant and canned goods. Iyong iba ay hindi ko talaga alam kung paano lutuin lalo na 'yong mga sinigang, ganern.
Kumislap naman kaagad ang mga mata ko nang makapagluto ako. Inilagay ko 'yon sa mesa at saka pinagmasdan muna.
Pero, nasaan ba si Nikolai? Ah, basta, titirahan ko na lang siya ng pagkain. Nagugutom na ako, eh.
Mabilis lang ang ginawa kong pagkain. Pagkakain ko ay nagdesisyon kaagad ako na lumabas na ng American Style na bahay na 'yon upang hanapin si Nikolai. Nasaan kaya siya? Wala ba siyang balak na balikan ako? Kumain na ba siya? Baka naman oo.
Papunta ako sa may kuwadra upang tingnan kung naroon ba si Nikolai pero si Camilo ang sumalubong sa akin. "Ma'am Eirah, magandang araw. Kumain na po ba kayo?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako kaagad. "Oo na, nakita mo ba si Nikolai?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin.
"Opo, Ma'am, kasama po ni Xandro si Niko, nasa mansion po."
"Mansion?"
"Opo. Puwede ko po kayong samahan papunta roon," presinta niya.
"Wala ka bang gagawin?" I pursed my lips. Umiling naman siya sa akin.
"Meron po, ngunit sasamahan ko pa rin po kayo. Puwede naman itong ipa-mamaya," magalang na sabi niya. Nahihiya naman akong tumango sa kaniya. Itinigil niya na ang kung ano man ang ginagawa niya. "Halina po," yakag niya sa akin. Nauna na siyang naglakad, sumunod naman ako sa kaniya at sinabayan siya sa paglalakad.
"Mabait ba si Nikolai?" bigla ko na lang tanong sa kaniya.
"Opo, mainitin lang ang ulo kung minsan," sabi niya. Napatango naman ako. "May relasyon po ba kayo?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
Girlfriend niya ako... papakasalan na nga raw ako, eh! Ano na ba dapat itawag sa amin? Engaged? Fiancé na na ako?
Natawa naman ako sa kaisipang iyon.
"Suwerte ka na," sabi niya na lang. "Kilala mo si Renata 'di ba?" tanong niya.
I nodded. "Iyong pangit na iyon?" tanong ko. Umismid lang siya.
Okay lang siguro kung magkukuwentuhan kami habang naglalakad papunta sa mansyon na sinasabi niya.
"May kapatid 'yon, si Haya. Patay na patay 'yon kay Niko," sabi niya. "Pero hindi naman siya gusto ni Niko, masyado siyang mapili sa babae. Ang alam ko, pati sa babaeng gagalawin niya sa kama ay pili rin."
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon. Tumango na lang ako sa kaniya. Naalala ko bigla na lahat ng babaeng naging usap-usapan na kalandian ni Nikolai ay mga sexy, malaki ang hinaharap at matatambok ang puwit.
Magaganda rin talaga.
"Ay gano'n?"
"Oo, kaya kung girlfriend ka niya. Suwerte mo na," sabi nito. Naalala ko rin 'yong sinabi sa akin ng Mama ni Nikolai na si Tita Karen, ako raw kasi ang unang babaeng ipinakilala niya sa kaniya.
Suwerte nga siguro ako.
Special nga siguro ako.
I feel really special.
Hindi na lang ako nakasagot sa kaniya. Medyo may kalayuan din pala ang sinasabi niyang mansyon pero kaya pa rin naman lakarin. Pagdating namin doon ay nakita ko kaagad iyong babaeng Renata ang pangalan na naunang naglalakad sa amin papasok ng mansyon.
Napakunot naman ang noo ko. Parang gusto kong hatakin ang buhok niya. Nakakapanggigil pa rin talaga siya!
Pinilit ko na lang na huwag siyang pansinin. Napatanong ulit ako kay Camilo, "Nagpupunta rin ba rito si Xander?"
He shook his head, "Madalang. Doon siya namamalagi sa Tastotel City. Busy din siya ngayon sa pag-aaral niya ng medisina," sabi niya pa. Tumango na lang ako.
"Ahh, I see," sagot ko na lang.
Pumasok kami sa sinabing mansyon. Namangha lang ako. Ang ganda sa loob! Malamang ang mga figurines na naka-display dito ay ang mamahal. Ang yayaman ng mg Alejandro!
Nang makarating kami sa -living room ay naabutan namin doon si Xandro, Renata, at si Nikolai. Napatayo siya sa kinauupuan niya nang makita kami pero agad siyang bumaling kay Camilo na kasama ko.
Sinamaan niya ito ng tingin.
Sinasamaan niya ng tingin si Camilo habang si Renata naman ay sinasamaan din ako ng tingin.
"Kalma," saad ko. Napangiwi la ako. Lumapit ako kay Nikolai. "Nandito ka lang pala."
"I am sorry, I just have to talk to Xandro," sabi niya. Humawak lang ako sa braso ni Nikolai at napatingin kay Xandro na kasama si Renata.
Tumango lang sa akin si Xandro. "I guess, you two need to go now," sabi ni Xandro. I furrowed. "He's taking you, tawagan mo na lang si Elias once nakalabas kayo ng Hacienda, may signal na roon."
Tumango na lang ako. Hindi ko sana papansinin si Renata pangit pero nagsalita siya. "Girlfriend mo ba 'to?" tanong niya kay Nikolai.
"Yes," mabilis ang pagsagot sa kaniya ni Nikolai baby ko.
"Alam ba 'to ni Haya?" tanong pa nito. Naalala ko naman ang sinabi ni Camilo sa akin. Speaking of Camilo, hinanap siya ng mga mata ko pero hindi ko na siya nakita. Siguro ay bumalik na siya sa kuwadra.
Si Xandro ang sumagot. "Hindi kailangan na updated si Haya, please stop talking for a while, Nata," bawal niya sa girlfriend niya.
Kunwari naman ay wala akong alam. Pinagsalubong ko ang mga kilay ko. "Sino si Haya?"
"May gusto sa akin si Haya pero ikaw naman ang mahal ko. Don't mind her," si Nikolai ang sumagot.
Napatikom lang ang bibig ko. Parang gusto ko naman tuloy magtata-talon sa tuwa.
Humawak siya sa kamay ko. Inirap-irapan lang ako ni Nata. Kawawa naman pala si Xandro kung girlfriend niya talaga si Nata. Ang sama ng ugali!
"Let's go baby, we're going back to Tastotel City," he said. I giggled.