Chapter 19

2416 Words
Eirah’s Point of View   “So sino si Haya?” tanong ko sa kaniya. Nakasuot pa kami pareho ng shades habang dumadaan sa kalsada papalabas ng Hacienda Alejandra. Mga puno at malawak na daanan ang aming dinadaanan. Nakabukas lang pareho ang bintana namin para fresh air. Hindi naman polluted sa lugar na ito. “Kapatid ni Nata,” sagot niya sa akin. Sa daan lang siya naka-focus ang paningin niya habang ako naman ay sa labas lang nakatuon. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan. Wala akong ideya kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan na ito dahil hindi naman ito ang usual na sasakyan ni Nikolai. I mean, iyong palagi kong nakikita na dala niya. Hindi na rin ko nagtanong. “And then? May gusto sa iyo?” “Dito nga kami lumaki ni Mikai, magkakalaro kami dati,” mahinahon na sabi niya. “Tapos fourteen years old kami nang sinabi niya sa akin na balang araw papakasalanan niya ako. Siyempre, ayaw ko, hindi naman ako naniniwala. But then, when I stopped visiting here, sinundan niya ako sa Tastotel and then sinabi niya sa akin na mahal niya ako at gusto niya na akong pakasalanan no’ng araw na iyon.  Siyempre, tumanggi ako at pinaalis ko siya. I don’t like her. “Kaibigan lang naman ang kaya kong ibigay sa kaniya pero ayaw niya rin talaga. Bukod sa busy ako, si Haya rin ang dahilan kung bakit hindi na ako nagpupunta rito. Ngayong taon, ngayon lang ulit ako nagpunta kasi nandito ka,” sabi niya. I smiled. I looked at him. “Sinong maganda? Ako o si Haya?” He made a ‘tsk’ sound when I asked him that. Curious lang kasi talaga ako. Si Renata kasi ay may itsura rin, pero dahil ang sama ng ugali niya ay pangit na siya pati pangalan niya. Nilingon niya ako at inabot ang isa kong kamay. Hinawakan niya lang ito ng mahigpit. Nakapatong lang din ang magkahawak naming mga kamay sa hita ko. Naka-shorts lang din ako kaya naman ramdam niya ang balat ko sa hita. “Ikaw ba ang pipiliin ko kung higit na mas maganda sa iyo si Haya?” tanong niya. Kinurot ko naman kaagad ang kamay niya. “So paano kung mas maganda sa akin si Haya, edi si Haya pipiliin mo! Ayaw ko na, bahala ka diyan!” I hissed. Alam kong maganda ako pero, duh! Baka naman mas maganda pa si Haya sa akin. Baka pina-plastic lang ako nito. Pilit kong tinanggalin ang kamay niya na nakahawak sa akin pero hindi niya ako hinayaan. “Hey, ‘di ba ikaw na ang nagsabi? Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko,” sabi niya. “’Di ba si Tita Karen at Mikai?” “Kasali ka na.” “Pangatlo.” “Still, maganda ka.” Ang bilis lang ng panahon. Ang bilis din umikot ng mundo. Parang kahapon lang ay siansabihan niya ako na hindi ako maganda. Puro b*tch lang ang sinasabi niya. “Maganda naman talaga ako, hmp! Mas maganda pa kay Haya,” sabi ko na lang at bumalik sa labas ang tingin ko. Malapit na kami sa entrance ng hacienda. Nai-imagine ko na naman ang biyahe namin nito. Pero nakakapagtaka rin kung paano kaagad nakapunta rito si Nikolai. I mean, sabi niya halos tatlong oras niya akong hinahanap tapos ang biyahe pa papunta rito ay limang oras. Baka naman binilisan niya lang talaga ang pag-drive. “Yep. You should take a sleep, mahaba pa ang biyahe natin,” sabi niya sa akin. Umiling naman ako. “Hindi ako inaantok. Hindi ko pa rin makalimutan ‘yong maugat na kamay ni Camilo,” biro ko pa. Actually, hindi ko naman talaga pinansin ang mga kamay ni Camilo kung maugat ba o hindi. Pero sa tingin ko ay oo, parang buong buhay niya ay dito siya sa hacienda nagbibigay ng serbisyo. Sa sinabi kong iyon ay biglang itinigil ni Nikolai ang sasakyan. Bumitaw din siya sa aking kamay. Nagulat naman ako kaya nanlaki agad ang mga mata ko. Kung wala akong seatbelt ay malamang tumama na ang ulo ko sa dashboard. “What the f**k, Eirah?!” malutong na pagkakasabi niya sa akin. Gulat pa rin ako at kumakabog din ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagpreno! Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata. Nang tuluyan akong makalingon sas kaniya ay pinaghahampas ko siya. “Walang hiya ka!” inis na sabi ko. Hindi ako tumitigil sa paghampas sa kaniya. Todo salag din naman siya. Nagulat talaga ako! “Hey stop! Bakit kasi nasali si Camilo rito?!” inis na sabi niya. “I was just joking!” I hissed. “Then, it’s not funny! Gusto mo ba talaga na lagi akong magseselos?!” he hissed too. Natigil naman ako sa paghampas sa kaniya. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kaniya. Nang mapatingin ako sa labas ay napansin ko na nasa labas na pala kami ng buong hacienda at nasa bandang unahan lang namin ang waiting shed. “I’m sorry,” sabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry. “Sa pagtaas ko ng boses,” sabi niya. Ay alam ko na pala. “Joke lang naman talaga ‘yon, eh!” I said. Ngumuso pa ako sa kaniya. “Hindi nga nakakatuwa.” “Oo na, hindi ko na babanggitin si Camilo dahil ayaw ko rin naman na nagseselos ka,” sabi ko sa kaniya. Tumingin na ako sa kaniya ng diretso. Ngumiti lang siya sa akin. Gano’n din ang ginawa ko sa kaniya. I gave him my sweetest smile. Tinanggal ko pa ang seatbelt ko para buwelo akong makalapit sa mukha niya. I kissed him on his lips. Isang minute lang ang lumipas ay naghiwalay na rin ang mga labi namin. “You are handsome,” sabi ko sa kaniya. He smiled and he gave me kissed on my forehead. “I know,” sabi niya sa akin. “Get back to your seat and fasten your seatbelt again.” Gagawin ko na sana iyon pero natigilan ako ng biglang may tumigil na mas malaking sasakyan sa may tapat namin. Bus… Napangiti ako kaagad. Bus nga! Nakita ko naman na sumakay doon ang mga tao na nasa waiting shed. Parang gusto ko rin sumakay. “Don’t ever think about it,” sabi niya nang mapansin niya ang ngiti ko habang nakatingin sa bus. “Hindi pa ako nakakasakay sa bus. Eto na ang pagkakataon ko! Tara, bilis!” sabi ko at binuksan na ang pinto ng kotse at agad na lumabas. Napasigaw naman kaagad si Nikolai, “Eirah! Get back here!” “Halika na! Iwan mo na ang kotse mo riyan!” sabi ko na lang sa kaniya. Balak ko sanang humabol sa bus pero hindi na ako nakahabol kasi umandar na. Napanguso ako. Tumingin ako sa direksyon ni Nikolai. Nasa labas na rin siya ng kotse, naglalakad na siya papalapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay nagsalita ako. “Hindi pa ako nakakasakay ng bus,” nakasimangot na sabi ko sa kaniya. “Ako rin,” sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nagpunta ako sa may waiting shed at na-upo sa may upuan doon. “Gusto ko maranasan,” sabi ko sa kaniya. Sa lupa na ako nakatingin. Totoo naman ang sinabi ko. Never pa akong nakasakay ng bus, wala rin naman halos gumagamit ng bus sa Tastotel City. Madalang ka rin makakita ng mga bus doon. Kasi halos lahat doon ay may kotse, kung gusto naman magcommute ay sa taxi nakaasa. Sa pictures at pelikula ko lang nakita ang pinakang-loob ng bus. “Where’s your phone? Check mo kung may signal dito,” sabi niya bigla. Kinuha ko naman iyon sa bulsa at ipinakita sa kaniya. “Check mo nga, tawagan mo na rin ang kapatid mo. Balik na tayo sa kotse, aabutin tayo ng gabi niyan,” sabi niya. Sumimangot lang ako lalo. “Aabutin naman talaga tayo ng gabi, bahala ka, umuwi ka na mag-isa mo, magba-bus ako.” “Come on,” sabi niya. Narinig ko siya na napabuntong-hininga pa siya. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya. “Umalis na ‘yong bus,” sabi niya. “May dadaan pa,” sabi ko pa. “Eirah, I said, let’s go,” matigas ang mga salita na pagkakasabi niya at humakbang pa siya papalapit sa akin. “Ayaw,” pagmamatigas ko naman. Gusto ko nga kasing sumakay ng bus! “What do you want?” “Ride on the bus.” Nakasimangot pa rin ako. Sinubukan niya akong hawakan sa braso ko pero lumayo ako. “Stop frowning,” sabi niya. Nag-angat na ako ng tingin sa kaniya. “Umuwi ka na. Kita na lang tayo sa Tastotel,” nagtatampo pa na sabi ko. Napamura naman siya. Tumayo ako, nagpunta ako sa gilid ng kalsada upang mag-antay ng bus. Hindi ako nagbibiro. Gusto ko talagang sumakay ng bus ngayon. Baka kasi hindi ko na magawa ngayon, hindi ako sure kung makukumbinsi ba namin si Daddy rito. Baka rin ito na ang huling araw ko sa bansa. Ngayon na magpapakita ako sa kanila ay wala talagang kasiguraduhan. Tiningnan ko nag cellphone ko, wala pa ring signal siguro sa biyahe ko na lang tatawagan si Elias. Narinig ko ang mga hakbang ni Nikolai papunta sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay agad niya akong niyakap patalikod. “Sasakay tayo ng bus if that’s what my baby wants,” bulong niya sa tenga ko. Marahan niya pa itong kinagat. Nawala naman ang simangot sa mukha ko, napalitan lang ito ng ngisi. Hindi niya rin talaga ako kayang tiisin. Sasagot pa sana ako sa kaniya pero nanlaki na lang ang matanawan ko na may paparating… Na bus! “May bus!” I exclaimed. “Sabi na’t may dadaan!” Inalis niya na ang mga kamay niya sa akin. Inisip ko naman kung paano papatigilin ang sasakyan. Parang, sesenyasan lang. Oo, iyon nga ang nakikita ko. Nang medyo malapit na ay sinenyasan ko ito upang tumigil. Napansin ko rin na may karatula ito… papunta ang bus na ito sa Tastotel City kaya tama lang. “Paano iyong mga gamit mo sa kotse?” tanong niya. “Hayaan mo na ‘yon!” sabi ko na lang sa kaniya. Tumigil naman sa tapat namin iyong bus kaya lalo lang lumawak ang mga ngisi ko. Kinuha ko na ang kamay niya at hinatak papasok sa bus. Namangha naman ako kaagad. Wala masyadong pasahero sa bus. Maluwag na maluwag ito. Napa-wow na lang ako. Hila-hila ko pa rin si Nikolai habang naglalakad kami sa aisle. Pumipili kasi ako ng uupuan namin. Pinili ko iyong two-seats. Sa bintana ako pumuwesto. Pagkatapos niyon ay umandar na ang bus. Napanganga na lang talaga ako sa tuwa. Marami kaagad ang pumasok na hangin sa bus. Nilipad din kaagad ang aking buhok, hindi ko ito hinawakan para hindi gumulo ang buhok ko at liparin na liparin kasi si Nikolai na ang gumawa niyon para sa akin. “Happy?” tanong niya sa akin. Napatango-tango ako sa kaniya. Magkatabi lang kami sa upuan. Humarap ako sa kaniya at saka niyakap siya. “I’m so happy,” sabi niya. Natigilan kami pareho ng may tumikhim. “Saan po kayo, Ate?” tanong nito sa amin. Puti ang kulay ng damit niya at may hawak siya na dalawang bagay. Iyong isa ay hugis tirador habang ang isa naman ay makapal na papael. Nagtaka naman ako kung ano ang hawak niya. “Tastotel City,” si Nikolai ang sumagot. Pinakatitigan ko lang itong lalaki na ‘to, bakit niya kami tinatanong kung saan kami pupunta? Pero in fairness, ha, ang pogi niya. Malamang ay binata pa rin siya. “Sa mismong bus station po sa Tastotel? Magkasama po kayo?” “Oo,” sagot ni Nikolai. Nagsimula na siyang gamitin iyong parang tirador tapos ginamit niya iyon sa papel na dala niya. I heard a clicking sound. May nagsisiliparan rin na maliliit na papel. Naglabas naman si Nikolai ng wallet at binigyan ng pera iyong lalaki pagkatapos ay nagbigay din kay Nikolai ng dalawang ticket. I furrowed. Hindi ko na naiwasang magtanong. “Kuyang Pogi? Ano ‘yan?” Sinamaan naman ako kaagad ng tingin ni Nikolai. Marahan ko na lang siyang kinurot sa braso niya. Naintindihan niya naman ang gusto kong iparating sa kaniya na tumahimik na lang. “Alin po, Ate? Itong bus ticket?” tanong niya sa akin. Kinuha ko naman ang dalawang papel na hawak-hawak ni Nikolai upang suriin. Bus tickets pala 'to. Ahh. Nakita ko naman na may mga butas ito. Napakunot ang noo ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito? “Bakit po may butas?” magalang na rin na tanong ko. “Iyan pong may mga butas ay ang petsa ngayon at ang halaga ng pamasahe niyo po…”  sabi niya. Ahhh, gets. “Eh, ano pong tawag sa parang tirador na hawak niyo po?” tanong ko sa kaniya. Natawa siya sa sinabi ko habang binibigyan ng sukli si Nikolai. Hindi naman iyon tinanggap ni Nikolai. “Keep the change,” sabi lang nito. “Salamat po,” sabi ng lalaki kay Nikolai. Tumingin siya sa akin. “Alin po ba, Ma’am? Eto po?” In-angat niya ang hawak niya na parang tirador. Natatawa pa rin siya siguro sa tirador. “Yes, anong tawag diyan?” “Ticket puncher po, Ate,” sabi niya. Napatango-tango naman ako sa kaniya. Bakit hindi ko kaagad naisip iyong salitang puncher eh nakita ko nang may mga butas at bilog na bilog ang mga ito?! “Ano namang tawag sa iyo?” Curious din ako. Ano ba tawag sa namimigay ng ticket sa bus? “Konduktor po,” sabi niya. Napatango akong muli. “Ahhh! Thank you!” sabi ko na lang. Nagpaalam naman na siya sa amin. Bumaling na lang ulit ako sa may bintana. Naramdaman ko ang braso ni Nikolai sa balikat ko. “Stop calling other guy, ‘pogi’,” sabi niya pa. “Eh, pogi naman talaga siya, ah?!” “Kahit na!” “Pogi —” “Stop it!” Ngumuso naman ako. “I mean, pogi ka pa rin naman! Mas pogi ka sa kaniya!” sabi ko pa. Humilig na lang ako sa mga balikat niya habang nakatingin ako sa labas bintana. Hinahawakan ko na rin ang mga buhok ko upang hindi ito liparin ng hangin. “Sleep,” utos niya. Napairap na lang ako.                                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD