Eirah's Point of View "Ang ganda nitong anak mo, oh. Kamukha mo," sabi sa akin ni Tita Kesha. Napataas naman ang kaliwang kilay ko. "Kamukha ko, Tita? Kamukha ko ba talaga? Parang hindi, eh. Tuwing titingin ako sa kaniya, nakikita ko lang tatay niya," sabi ko naman. Natawa siya sa akin at marahan pa akong nahampas sa braso ko. "Gano'n talaga 'yon, Eirah. Nanay ka kasi niyan, eh. Hindi mo talaga makikita ang similarities niyo pero ako, oo," sabi niya na lang. Natawa na lang talaga ako. Kamukha ko ba ang anak ko? Parang hindi talaga, eh. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay alam ko nang kay Nikolai niya minana lahat. Napatingin na lang ako kay Ayrah na seryosong-seryoso sa libro na binabasa niya. Napabuntong-hininga naman ako. "Speaking of Tatay..." Bumaling akong muli kay Tita Kes

