Chapter 13

2129 Words
Nikolai's Point of View Kumatok ako sa pinto ng kaniyang apartment ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ako pinagbubuksan ni Eirah. "Eirah, open the door!" I shouted while I am knocking on this f**king door. Bakit ang tagal niyang buksan? Naka-lock din ang pinto kaya hindi ako nakapasok. Natigil lang ako nang bigla na lang may dumating. Kinalabit niya pa ako, paglingon ko ay nakita ko ang babaeng medyo may katandaan na. "Huwag ka sumigaw, nakakaabala na po kasi kayo, ako po ang may-ari ng mga apartment dito, at iyong nakatira riyan ay kakaalis lang," diretso at detalyadong sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Kakaalis lang?! Dapat pala'y inagahan ko pa ang pagpunta ko rito! But d*mn, hindi ko puwedeng iwan ang office works ko so I need to wait until I finished it. "Alam niyo ho ba kung saan siya nagpunta?" tanong ko pa. Umiling naman siya sa akin. "Hindi po. Sinundo po siya ng isang lalaki tapos po ay umalis na sila." Lalaki? Sinundo? "Puwede ho bang makita ang loob?" tanong ko sa kaniya. Mukha siyang nagdadalawang isip pero inilabas niya ang susi at ginamit iyon upang buksan ang locked na pinto. "D*mn that b*tch," napamura pa ako nang makita ko ang loob. Malinis, wala nang ibang gamit doon kahit bag man lang. Wala na rin akong makitang supplies. Hindi na ako pumasok sa loob. Isinara na muli ang pinto ng babae. Nakaramdam ako ng sobrang inis. Bakit hindi man lamang ako inabisuhan ni Eirah na aalis siya sa apartment niya? D*mn, saan ko naman siya ngayon hahanapin? T*ngina. Hindi ko na lang maiwasan ang mapa-mura. Napasabunot pa ako sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa kotse ko. Where is she? Bakit hindi niya ako sinabihan? D*mn. I am worried as f**k. Hindi lang 'yon, naiinis talaga ako sa kaniya, and really? May kasama siyang lalaki?! How many times do I need to tell her that she's mine and I don't want to see her with other guy? She's really stubborn! Hindi ko alam kung saan ko na siya muling makikita, at kapag nagkita nga kaming dalawa ay ipaparamdam ko sa kaniya ang inis ko ngayon. I hate it. I really hate this woman! Ngayon tuloy ay halos mabaliw na ako kakaisip kung nasaan siya, kung sino ang lalaking kasama niya. I should've not be acting like this but I couldn't resist myself! Wala rin akong phone number niya kaya mahihirapan ako ng sobra. Isa lang ang alam ko na makakatulong sa akin... si Keith Armalana, mukhang okay sila — crap, I don't need his help. Sa kapatid ko na lang ako magtatanong kung saan ko siya puwedeng makita kahit na hindi naman sila malapit sa isa't isa! Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Mikai. Wala naman na siguro siyang klase sa ganitong oras. "Yes, Kuya?" "Alam mo ba kung saan ang bahay ni Eirah?" tanong ko sa kaniya. Matagal siya sa akin nakasagot. "Bakit? Pati ba ikaw ay tinaguan niya na rin?" Napakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? "Look, I don't really understand why you two are in a relationship. Hindi ka ba marunong pumili? She's a w***e!" Nakaramdam ako sa kaniya ng inis. "Mikai! Stop it!" Hindi ko na rin naiwasan ang mapataas ang boses. "Fine. Gusto mong malaman kung saan ang bahay nila 'di ba? You'll know it if you look around. Kasi ang pagmumukha ng babaeng iyon ay kalat na sa buong Tastotel City. Hinahanap siya ngayon ng pamilya niya dahil tumakas daw ito. I'll hang this up." W-What... Kaya pala mag-isa siya sa apartment niya?! Kalat sa City? Napatingin naman ako sa paligid pero wala naman akong napansin na Eirah Bennisse. Hanggang sa makarating ako sa isang convenience store. Natigil ang sasakyan ko dahil parang may nakita akong kakaiba na nakapaskil sa isang poste ng kuryente roon. Lumabas ako sa kotse ko at tiningnan ko iyong mabuti. Napamura ako nang makita ko ang mukha ni Eirah roon. Kulay pink ang kaniyang buhok, at nakangiti siya nang malawak. Missing! We will provide a $ 50,000 prize to anyone who can bring this woman to us. Eirah Bennisse Callabañes Nakalagay pa roon ang address ng kanilang bahay. Naroon din ang petsa kung kailan siya huling nakita. "T*ngina," I cursed when I realized that it was the date where I saw her driving her car fastly. Iyong araw na unang may mangyari sa amin. Ibig sabihin niyon ay naglayas pala siya sa kanila? Why? D*mn. Kaya siya nakatulala lang noon? Kaya siya mukhang malungkot? Ngayon ay hindi ko na pinagsisihan na binalikan ko pa siya no'n sa mataas na bahagi niyon kung saan kita ang buong Tastotel City. She is problematic but I didn't notice it. Hindi kasi halata, at iniisip ko lang palagi sa kaniya ay kung gaano siya kalandi. How she tease me. I didn't even bother to ask if she's okay! I still didn't know anything about her. Ngayon ko lang nalaman ang apilyedo niya, d*mn. Hindi ako mapakali ngayon sapagkat gusto ko na siyang mahanap. But, I don't know where! Sinong lalaki ang kasama? Hindi ko rin alam. Ang gusto ko lang ngayon ay mahanap si Eirah. Eirah's Point of View Iyong kotse ko ang gamit namin. "You really need to leave this place," sabi niya sa akin. Napapikit lang ako ng mariin. Siya na ang pinag-drive ko ng sasakyan. Nasa biyahe kami at nakalabas na rin kami ng City. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero may tiwala ako sa kaniya at siya na ang bahala. "Alam mo man lang ba kung ano talaga ang dahilan nila Daddy para papuntahin ako sa ibang bansa?!" tanong ko kay Elias. Hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako sa apartment ko. Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman kung saan ako tumutuloy. Hindi niya na rin sinabi kasi hindi na raw importante. "Mapapariwara lang daw ang buhay mo kapag nandito ka, narinig ko iyon no'ng nag-uusap sila ni Dad at Tita Kesha." Iyon din ang sinabi sa akin ni Dad that night. I changed a lot daw. Eh, sa totoo nga lang ay hindi ako nagbago. Eto na talaga ako! "Gosh." "They're really willing to give $50,000 dollars," he say, then he chuckled. "Hayaan mo na. Ewan ko kung anong mga problema nila, sinabi nang ayaw ko mag-aral sa ibang bansa!" "Ipapakasal ka ata, eh. Hindi ako sure," sabi niya pa. Natigilan akong sa sinabi niyang 'yon. Tiningnan ko siya ng diretso. Nagulat ako sa sinabi niya. Ako? Ipapakasal?! "Ano?!" "Hindi nga ako sure!" "Paano mo naman nasabi na ipapakasal ako?!" "Kasi no'ng isang araw may pumunta sa bahay. Naka-limousine tapos hinahanap ka. Kinausap lang sila Daddy, hindi ko na narinig ang usapan nila pagkatapos. Kaya kailangan mo na talagang umalis." Anong karapatan nilang magdesisyon sa buhay ko? Ipapakasal? Sobra na 'yon. Napatakip lang ako ng mukha ko. "Huwag na muna natin pag-usapan. Sagutin mo na lang ang tanong ko. Ikaw ba ang kumuha ng sulat ni Mommy?" tanong ko sa kaniya nang maalala ko. Agad naman siyang umiling. "Nakita mo na pala 'yong box. Pinapatapon kasi 'yon ni Tita Kesha ang mga gamit ni Mommy kasama na ro'n 'yong letter niya same sa araw na nagalit kasi kasi nga nawawala ito." Ibig sabihin natigil niya ang pagpapatapon? Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalit ngayon ng sobra, pakiramdam ko ay tumataas ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Seriously? Si Tita Kesha? Bakit niya naman ipinapatapon ang mga gamit ni Mommy? Iyon na lang ang natitira niyang alaala. I don't understand! "Pero... tinulungan mo 'kong maghanap, eh, alam mo naman pala kung nasaan." "Nope,' sagot niya sa akin. No'ng isang buwan ko lang 'yan nakita. Kilala mo ba iyong dati nating kasambahay na si Rita? Nasa kaniya ang mga 'yan. Nagkita kami ulit tapos inabot niya sa akin 'yan, sabi niya, pinatapon daw ni Tita Kesha noon pero hindi niya raw tinapon," sabi niya pa. Napanganga naman ako. Bigla mo namang naalala si Manang Rita, siya kasi 'yong kasambahay namin na nag-resign sa amin kasi kailangan hindi na siya pinagta-trabaho ng mga anak niya. Oo nga't naalala ko na magkasunod lang ang pagkawala ng liham ni Mommy at ang pag-alis niya. "Sinabi niya man lang ba sa iyo ang dahilan kung bakit pinapatapon?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat naman siya. "Ang alam ko lang, Tita Kesha hated our mother so much. Hindi lang halata but I hated Tita Kesha so much," sabi niya pa. Natahimik na lang ako. "Nirespeto ko lang talaga ang gusto ni Dad na pakasalan siya." Hindi na ako sumagot. Ayaw ko nang ganitong buhay. Okay lang sana no'ng nagpakasal sila. Hindi na ako nagreklamo, pero sana rin naman i-consider nila 'yong gusto ko at gusto kong mangyari. Nagsalita siyang muli. "Mom said to me that I should finish my studies on Tastotel Univ. Why? Because that's University is prestigious. Lahat ng anak ng malalaking tao, halos lahat ng celebrities, businessman at kung ano-ano pa ay doon nag-aaral." Sumagot ako, "'Yon din ang sinabi sa akin ni Mommy, and another reason is sa Tastotel University din nagtapos ng pag-aaral si Mom." Tumango-tango siya sa akin. Tama ang sinabi ng kapatid ko. Kilala na rin sa buong mundo ang university dahil doon nagtipon-tipon ang mga matatalino at mga ganda lang ang ambag. In short, marami ring b*bo sa university pero may ambag pa rin, GANDA. Katulad ko, ganda lang din ang ambag ko. "So I understand you why you don't want to finish your studies abroad. I asked my Dad the other day if I could go with you kapag pumayag ka, tine-testing ko lang naman si Dad, it's not like, papayag ka talaga. Sabi niya sa akin ay hindi raw ako puwede." Hindi puwede? "Bakit daw?" "Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan," sabi pa nito. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin. "Gusto ka talaga nilang umalis ng bansa." "Hindi naman gano'n si Daddy 'di ba? He always respects my decision, iniisip ko na bala sinusulsulan lang siya ni Tita Kesha," sabi ko sa kaniya. Laging sumasang-ayon si Dad sa mga gusto ko lalo na no'ng nandito pa si Mommy. Hindi pa siya nagkakasakit, wala pang malalang problema sa pamilya. "I don't know..." Natahimik naman kami pareho. Minutes later, nagda-drive pa rin siya. Sobrang layo na namin ngayon sa Tastotel City. Tinanong ko siya ulit kung saan niya ako dadalhin. Ang sabi niya ay sa kaibigan niya raw. He's sure na ligtas daw at hindi ako mahahanap ni Daddy roon. Tumango nalang ako sa kaniya bilang sagot. Maya-maya pa'y bigla na lang nag-ring ang phone ko. Napataas pa ang kilay ko nang makita ko ang caller ID. The call was from Keith Louisse Armalana. "Hello, kumusta naman ang pagkikipag-usap mo kay Mrs. Zaragoza?" bungad ko na lang sa kaniya. Malamang ay nag-usap na sila. "Uh, okay lang naman," sagot niya. Pero bakit siya napatawag? Itatanong ko sana pero nagsalita siyang muli. "Where are you?" tanong ko sa kaniya. Nagdalawang-isip naman ako kaagad kung sasabihin ko sa kaniya o hindi. "Dito lang sa tabi-tabi, bakit?" tanong ko pa sa kaniya. Napatingin sa akin ang kapatid ko. "Sino 'yan?" he mouthed. I just put my index finger on the middle of my lips for Elias to shut up for a while.  "Oh, I just saw your poster here, I thought, you're missing. Akala ko nga ay hindi kita matatawagan. Are you okay?" tanong niya pa. Tumango-tango naman ako kahit na hindi niya naman nakikita. "I am fine. Can you do me a favor?" tanong ko sa kaniya. "What is it? Bakit ka 'MISSING'?" Hindi ko naman sinagot ang huli niyang tanong. "Sana'y wala kang pagsasabihan na nakausap mo 'ko. Ayaw kong umuwi sa bahay, please?" "I told you, anything..." sabi niya. Napabuga naman ako ng malakas na hangin. "Thank you so much!" sabi ko na lang. "But where are you?" tanong niya sa akin. Hindi ko talaga alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya pero hindi naman siguro ako ilalaglag ni Keith. Inilayo ko na muna ang phone ko sa akin at humarap ako sa kapatid ko. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. "Sa Hacienda Alejandrá," sagot niya. Napanganga naman ako. Talagang?! Bakit doon? Anong gagawin namin doon? Napailing na lang ako. May kaibigan siya na kasama sa pamilyang Alejandro? Ang Hacienda Alejandrá ay pagmamay-ari ng pamilya Alejandro. Inilapit ko muli ang phone ko sa tenga ko, at sinagot si Keith. "Hacienda Alejandrá. Sana wala kang pagsasabihan." "I will. Take care," sabi niya na lang at namatay na ang tawag. Humarap akong muli sa aking kapatid. "Seriously? May kaibigan ka ro'n?" "Xander's brother and I used to be bestfriends," sabi niya pa. Napanganga naman ako dahil sa gulat. Bakit hindi ko alam 'yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD