Nikolai’s Point of View
I heaved a deep sigh. There’s a woman… who I couldn’t get rid of her image on my mind. I couldn’t sleep last night, thinking of what just happened the whole day. My mother met Eirah Bennisse. Hindi ko inaasahan iyon, nawala rin sa isip na nandoon nga rin pala si Mama sa supermarket.
Pinakilala ko si Eirah sa akin ina bilang girlfriend. Bigla ko na lang sinabi iyon, hindi kasi ako puwedeng um-agree kay Eirah na ‘kalandian ko lang siya’. Hindi ako nagpapakilala sa pamilya ko ng babae. Never akong nagdala ng babae sa bahay, never din nila akong nahuli na may kasamang babae. Minsan, si Mikai, sinasabi niya lang kay Mama kung gaano ako kalandi noon.
I told myself that I will never introduce a woman with them… if she’s not my girlfriend. Sinabi ko na lang na girlfriend ko siya kasi ayaw kong isipin na ang kauna-unahang babae na pinakilala ko kay Mama ay iyong babae na matigas ang ulo at wala naman talaga sa akin.
Natigilan ako sa kaisipang iyon. I asked myself if Eirah was just nothing to me. I totally disagreed, since the day I met her, alam ko na naguguluhan na talaga ako. There’s something… I know, and I couldn’t figure that out.
Yet…
When her shades drop and I saw her swollen eyes... I WILL ADMIT THAT I GET MAD. Who the hell made this woman cry? It’s like I am ready to punch someone.
Hinatid ko pa siya sa apartment niya. She told me the reason why she cried and then her eyes got swollen. She’s unhappy since her mother passed away years ago. Nakikita ko talaga ang lungkot sa kaniyang mga mata at hindi ko na rin maiwasan na malungkot din para sa kaniya. I moved closer to her and then I gave him a hug.
Umiyak pa siya mismo sa harapan ko. She cried on my shoulder, hinayaan ko lang siya, Hindi ko alam kung ilang minuto siyang umiiyak sa akin, okay lang naman kahit na umabot pa iyan ng oras kung iyon lang ang magpapagaan ng loob niya. Nanibago ako ng tuluyan. I know her being wild, always smiling or happy making jokes… but while I am looking at her, being broke, naisip ko na hindi lahat ay kalandian ang alam niya, hindi rin siya palaging masaya. Tao rin siya katulad ko na nalulungkot, nasasaktan, nagagalit at naiinis.
She also has feelings.
Nahirapan akong isipin na sobrang lungkot niya… nahirapan akong tingnan siya na nasasaktan. I can’t, parang hindi ko magugustuhan kapag nakita ko ulit siya na umiiyak, malungkot at nasasaktan.
Pinasalamatan niya naman ako nang matapos na siyang maiyak.
Pagkagaling ko sa bahay niya… after I witnessed her cried; I have realized that it wasn’t just about s*x.
Ang alam ko kasi ay baka dala lamang ng libog kaya ako palaginv naguguluhan, kaya palagi ko siyang iniisip. Palagi kong iniisip ang kaniyang katawan, pananamit, kulay ng buhok, pananalita at ang kaniyang dalawang mainit na labi, isa sa taas at isa naman sa may bandang baba.
Nagpa-plano ako na puntahan siya sa kaniyang apartment ngayon. Kahapon lang bago kami magkita sa supermarket ay puro s*x lang ang naiisip ko kasama siya, pero ngayon gusto ko na lamang na samahan siya sa apartment niya, mag-isa lang siya at walang kasama. Nakalimutan ko rin na hingiin ang kaniyang phone number. I was hoping that she’s just staying on her apartment right now. Wala raw kasi siyang pasok.
I fixed myself and get dressed. I wore my office attire, dadaan muna ako sa aking trabaho bago ko puntahan si Eirah.
Habang inaayos ko ang tie ko ay naglalakad na ako papuntang living room. Naabutan ko roon ang kapatid ko. Nag-aayos siya ng kaniyang mga libro. My forehead creased, I also noticed that there’s an ID hanging on her nape.
Nagtaka naman ako kaagad. “You need to go to Tastotel Univ?” I asked. Tumango-tango siya sa akin. Of course! Male-late na nga ako! Kaya kung paalis ka na rin, isabay mo na ako.”
Lalo akong nagtaka. “’Di ba blockmates kayo no’ng b-babaeng may pink n-na… buhok?” tanong ko pa sa kaniya. Natigil siya sa ginagawa niya at hinarap ako.
Hindi niya naman alam na may namagitan sa amin ni Eirah. She hated Eirah. Nai-imagine ko na ngayon ang reaksyon niya kapag nalaman niya.
She furrowed. “You mean, Eirah? ‘Yong malandi na ‘yon? Bakit mo siya nabanggit?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Napatikhim naman ako at nag-ayos lamang ng tayo.
“Narinig ko lang na wala raw kayong klase ngayon,” sabi ko na lang at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
“Wait, Kuya, anong connect na Eirah? Siya ba ang nagsabi na walang pasok? How? Close kayo?”
Should I tell her? Kilala n ani Mama si Eirah as my girlfriend. Malalaman niya rin naman.
“Y-Yes…”
“Huh? How nga?!” Pinanlakihan niya naman ako ng mga mata. Hindi ako nakasagot sa kaniya. “Kung sa kaniya galing na wala kaming klase baka may sarili siyang schedule! I haven’t seen her these past few days, simula no’ng araw na lagyan niya ng bubble gum sa buhok iyong isa pa naming ka-blockmates,” sabi niya. Naguluhan ako. It means… Eirah lied to me?
“Hindi siya pumapasok?” Umiling siya kaagad sa akin.
“Hindi! Hindi ko nga rin siya nakikita, eh!” she said. Her eyes narrowed. “But… answer me, close kayo ni Eirah? How?”
Hindi siya pumapasok? Why?
“She’s my girlfriend.”
Her jaw dropped.
“WHAT?! H*LY s**t! What the f**k?!” hindi makapaniwalang sigaw niya sa akin.
“Don’t ask,” I warned her. “Ayusin mo na ‘yang mga gamit mo, hintayin kita sa kotse.”
Magsasalita pa sana siya pero hindi niya na tinuloy dahil mabilis ko siyang tinalikuran. Matulad ng inaasahan ko ay nagulat talaga siya ng sobra. Malalaman niya rin naman kasi lalo na kapag nabanggit ni Mama si Eirah sa kaniya, sabihin lang nito ang kulay ng buhok at ang pangalan ay malalaman na kaagad ni Mikai.
Nauna na ako sa kotse. Mabilis naman siyang nakasunod nang may simangot sa mukha niya. Ang sama ng mga tingin niya sa akin. Ayaw ko nang pag-usapan naming ang tungkol doon kaya nagbukas ako ng panibagong topic. “Where’s Bob?”
“Tulog, kasama ni Mama,” sabi niya na may halong pagdadabog. Nang ma-isuot niya na ang seatbelt niya ay pinaandar ko na ang sasakyan. Balak niya sanang magsalita at halata pa rin sa mukha niya ang naguguluhan pero pinigilan ko siya.
“I don’t want to talk about this, Mikai. Be quiet,” sabi ko pa. Natahimik naman na siya pagkatapos. Bumubulong pa siya ng kung ano-ano pero hindi ko na lang pinansin. Pagdating namin sa parking lot ay agad siyang lumabas ng kotse, hindi niya na ako tiinapunan ng tingin o nagpaalam man lang. Dire-diretso lang siya papasok ng campus.
Tutal, nandito ako sa may parking lot. I looked at the place where I first saw her, kung saan naka-park ang sasakyan. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Hindi ko lubos na maisip na siya pa atalaga ang kauna-unahang babaeng napakilala ko kay Mama.
Umalis na ako sa parking lot ng Tastotel University at nagtungo na ako kaagad sa The Consejo’s.
Eirah’s Point of View
Tanghali na akong nagising. Napasinghnap lang aong muli nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Mas lalo lamang pa lang namaga ang aking mga mata. Iyak pa rin kasi ako ng iyak na parang bata hanggang sa umuwi si Nikalai. Speaking of him, sana naman puntahan niya ako rito pero muhang may trabaho.
Okay lang naman. Dito na lang muna ako sa bahay. Ayaw kong lumabas ntgayon baka kasi may makakilala na sa akin at magsubong kung saan nakatira si Eirah Bennisse. Tsk.
Ang gusto ko lang naman ay kapag umuwi ako sa bahay aya wala nang pilitan na magaganap. Tumanggi na rin ako na kausapin sila ng matino kasi alam ko naman na hindi nila ako papakinggan. Hindi nila ako iintindihin at itutuloy pa rin talaga nila ang mga balak nila.
I sighed. Napapangiti na lang ako ngayon kapag maaalala ko si Nikolai, hindi naman pala masyadong masama ang ugali niya. Gusto ko iyong pagkakayakap niya sa akin kahapon.
I felt comfortable.
Napatingin ako sa telepono ko nang bigla itong lumiwanag at tumunog. Tumatawag sa akin ngayon ang kapatid ko. Naalala ko naman kahapon na hindi pala kami nakapag-usap dahil kasama niya raw si Daddy. Agad ko naman itong sinagot.
“What’s up?” bungad ko sa kaniya.
“This is worst.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“What do you mean?” tanong ko pa. Anong worst?
“May pabuya na sa taong makakapagturo kung nasaan ka. I am telling you, kung nandito ka pa rin sa Tastotel City ay ngayon pa lang ay umalis ka na,” seryosong sabi niya. Napahilamos ako ng aking mukha.
“Magkano ang pabuya?” interesadong tanong ko sa kaniya.
“Fifty-thousand dollars, ang laki no’n, Ate Eirah. Mas mabuti kung makakalayo ka ng Tastotel City. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka, financially, I will immediately transfer money to your current bank account.” Napatango-tango naman ako sa kaniya.
“I am so thankful to have you, brother,” sabi ko sa kaniya bago pa maputol ang linya ng telepono namin. Hindi ko na rin natanong sa kaniya ang tungkol sa box. Siguro pag-usapan na lang namin ‘yon kapag nagkausap na kami personally.
I packed my things up. Lahat ng gamit at supplies ko ay dadalhin ko. Susundin ko ang sinabi ng kapatid ko na si Elias na umalis ng Tastotel City. Talagang gano’n sila kasidido na mahanap ako, huh?
Kung ganiyan sila ay lalo lang akong lalayo, bahala sila. Itakwil pa nila ako, ayos lang sa akin kaysa naman dalhin nila ako sa ibang bansa at doon pagpatuluyin ng pag-aaral kahit na labag sa loob ko. Tutal, kapag uuwi naman ako sa bahay ay palagi ko na lang umiiral ang pakiramdam ko hindi ko naman masasabi ang mga salitang ‘I am home’, lalo na kapag wala naman ang kapatid ko.
Palaging may kulang pa rin…
Mas maganda rin talaga siguro n amagpaka-layo-layo na muna. Eh, paano naman ‘yong oag-aaral ko? Bahala na talaga.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagdecide ako na kumain na muna bago umalis. Instant noodles na lang ang kinain ko para madali at mabilis lutuin. Sa kalagitnaan ng aking pagsubo ay nagulat pa ako ng may kumatok. Wala akong inaasahan ngayon… pero nasa utak ko na sana ang taong kumakatok sa likod ng pinto ng apartment ay si Nikolai. Para rin masabi ko sa kaniya na aalis na ako rito…
Naglakad na ako papalapit sa may pintuan at saka ito binuksan. Si Nikolai lang talaga ang nakakaalamng apartment ko na ito kaya ine-expect ko talaga na si Nikolai ito. Napangiti lang ako ng malawak. Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto. Na-freeze lang ang ngiti ko nang hindi si Nikolai ang bumungad sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman na nandito ako?
“What the hell are you doing here?” I asked him. Seryoso lang din ang mga tingin niya sa akin. Napalunok naman ako. Sana ay hindi siya nandito para i-uwi ako sa bahay!