Eirah’s Point of View
Mabait ang nanay ni Nikolai. Hindi ko naiwasan na mapangiti. Dumiretso kami sa boutique. Panay kuwento lang siya tungkol kay Nikolai habang namimili siya ng mga damit ko. Siya ang pumipili.
“Panganay namin ‘yan si Nikolai, ang sweet niyan, lagi iyang humahalik tapos nag-a-I love you sa akin. No’ng bata lang siya, ngayon naman ay madalang na niyang gawin iyon sa akin. Hindi na kasi talaga siya napipirmi sa bahay simula nang mag-highschool siya,” sabi niya. “Eto, Eirah, mukhang maganda,” dugtong niya. Itinapat niya sa katawan ko ang dress na hawak-hawak niya. Tintingnan niya kung bagay ba ito sa akin.
Tumingin naman siya sa akin ng diretso. “Nagsusuot ka ba ng dress?” tanong niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya.
“Opo,” sagot ko sa kaniya.
“Good, bilhin na natin ito, gusto mo rin ba ang design nito?” tukoy niya pa rin sa dress na hawak niya. Tumango naman ako sa kaniya. “Siyempre, nasa sa iyo pa rin ang desisyon, baka naman hindi mo ‘to suotin, eh,” sabi niya’t ngumiti pa siya sa akin. Namili pa kami ng mga damit ko, halos damit ko lang.
Ang mas marami niyang nabili ay denim shorts and crop top, mukha raw kasi na mahilig ako sa ganitong damit. Bigla ko naman naisip na magtanong sa kaniya. “Tita Karen, hindi po ba kayo bothered sa akin?” tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa akin.
“What do you mean, Eirah?” tanong niya pa. Kanina pa kasi ako nagtataka na hindi niya jina-judge ang suot ko. I mean, lahat-lahat na lang ng taong makakausap ko ay mapapatingin sa akin mula ulo hanggang paa tapos ija-judge na nila ako. Iyong iba sinasabi sa akin ng harap-harapan, habang iyong iba naman, tingin mo pa lang ay alam mo na kung ano ang iniisip nila.
“Eh, kasi po” — I sighed — “nagtataka lang po ako kasi wala po kayong binibigay na description sa akin,” nahihiya pang sabi ko sa kaniya. Bakit ko pa ba kailangang sabihin ito sa kaniya? Nagtataka lang kasi ako sa kaniya.
“Huh? May description kaya ako sa iyo!” sabi niya pa. Napakunot naman ang noo ko. Ano kaya iyon? P*k**k? sl*t? o b*tch katulad ng sinasabi sa akin ng anak niya.
“A-Ano po?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kaba. Malaki ang parte sa akin na sasabihin niya ang isa sa mga salitang iyon.
“Maganda.”
“Po?”
“’Di ba kanina pa kita tinatawag na maganda? Iyon kasi ang description ko sa iyo no’ng una kitang makita, kahit na naka-shades ka ay na-sense ko na kaagad na maganda ka. Bagay na bagay nga sa iyo ‘yang fashion style mo, bagay na bagay kaya sa iyo, tapos iyan pang kulay pink mong buhok, ang ganda mo tingnan kasi porselana iyang kutis mo. No’ng sinabi mo kanina na magkalandian kayo ng anak ko ay na-amaze pa ako. Mas lalo pa akong na-amaze no’ng sinabi ni Nikolai na girlfriend ka niya. Ang galing talaga pumili ng anak ko.”
Napanganga ako ng kaunti at pinakatitigan ko lamang siya ng mabuti. Na-amaze pa siya sa thought na kalandian ako ng anak niya? Totoo ba ‘tong mga narinig ko sa kaniya. Parang gusto ko naman tuloy ma-iyak. Ito ang unang beses na may magsabi sa akin nito simula nang mawala si Mommy.
Wala sa sariling napayakap ako sa kaniya. “Thank you,” sabi ko pa sa kaniya.
“Kung iniisip mo na bothered ako sa pananamit mo, hindi naman, ano bang problema sa suot mo? Ang ganda nga ng uri ng pananamit mo. May binabagayan lang talaga palagi, sa kaso mo, bagay talaga sa iyo ‘yan. You are beautiful, huwag mo pansinin iyong nagsasabi sa iyo na pangit ka o ang pananamit mo, mind your own business kamo,” sabi niya pa sa akin. Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kaniya. Naiyak na talaga ako. Tinanggal ko pa ang suot kong shades para lang magpunas ng luha. Naramdaman ko naman ang palad niya sa pisngi ko. “Bakit ka naman umiiyak, Eirah? Lalo lang mamamaga ang mga mata mo. Sabi ko naman kasi sa iyo na hindi ka dapat pinapaiyak.”
“Masaya lang po siguro ako,” sabi ko pa.
“Siguro iyang mga taong nagsasabi sa iyo na pangit ka ay may mga inggit sa katawan. Inggit lang talaga sila siguro sa iyo,” sabi ni Tita Karen. “Be yourself lang, mawalan ka ng pakialam sa mga nagsasabi sa iyo na basura ka, ‘cause you’re not! Maputi pa nga siguro singit mo sa mga naninira sa iyo!”
Kahit na hindi ko pa sa kaniya sinasabi ang buong istorya ay parang alam na niya. Nag-advice na siya kaagad, magaling ba siyang manghula?
Be yourself…
Matagal ko na rin itong ina-apply sa sarili ko kaya nga may lakas ako ng loob na magsuot ng ganitong klase ng damit pero hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga taong ija-judge ka. Kahit din sabihin ko na wala naman akong paki sa haters ko ay nasasaktan pa rin ako kahit kunti. Sinusubukan ko na lang talaga na huwag pansinin ‘yon para hindi na lang masyadong masaktan.
“Oh, siya, halika na,” sabi niya. “May gusto ka pa bang bilhin?” tanong niya sa akin.
Umiling na lang ako. “Wala na po, sobra-sobra na po ito,” sabi niya sa akin.
Nagkuwentuhan lang kami ng mga bagay-bagay. Ngayon pa lang ay alam ko na kung gaano ka-suwerte si Nikolai sa Mama niya. I hope my mom is here too.
Siya na ang nagbayad ng mga pinamili namin. Hindi naman na ako nakapalag kahit na sabihin ko pa na hati kami sa gastos. Siya na raw ang magbabayad.
Tinawagan niya lang si Nikolai na sunduin na kami. Sinalubong naman kami ni Nikolai, siya na ang nagdala ng pinamili namin. Ako naman ay feeling totoong girlfriend talaga kaya kumapit pa ako sa braso niya habang naglalakad kami pabalik sa kotse niya.
Pinaupo na ako ni Tita Karen sa may passenger seat, siya naman sa backseat. “Balikan na natin iyong sasakyan ni Eirah,” sabi nito. Sumang-ayon lang si Nikolai sa kaniya.
Nang makarating kami roon ay agad kaming pinalabas ni Tita Karen. “Ako na magda-drive ng sarili o pa-uwi. Ilipat mo na sa kotse niya ang mga pinamili niya. Ihatid mo na rin si Eirah sa kanila.”
Nagkatinginan naman kami ni Nikolai. Sinamaan niya ako ng tingin, ako naman ay nginisihan lang siya. Lumabas pa si Tita Karen sa kotse upang lumipat sa driver’s seat habang si Nikolai naman ay inililipat ang mga pinamili ko sa kotse ko na may pangalan na Lyxe. Hindi ko na siya tinulungan, bahala siya sa buhay niya, kaya niya na iyon.
Nagpasalamat ulit ako kay Tita Karen. “Thank you, Tita Karen,” sabi ko at saka napayakap ako sa kaniya.
Natutuwa talaga ako at nagkakilala kami.
“No problem, hija, welcome to the family na rin,” sabi niya. She kissed me on my cheeks. “Remember that you’re beautiful, in and out.”
Tumango-tango naman ako sa kaniya. Pagkatapos namin magyakapan ay sumakay na siya sa driver’s seat, sakto naman na nailipat na ni Nikolai ang lahat ng groceries, at iyong mga damit na pinamili kay Lyxe.
“Drive safely, Ma!” sabi ni Nikolai sa kaniyang ina bago ito kumaway sa amin at tuluyan nang nagpaalam. Lumapit sa akin si Nikolai at inilahad ang kaniyang palad sa akin. Napataas naman ang kaliwang kilay ko. “The key.”
Umiling naman ako. “Ako magda-drive,” sabi ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin.
“Akin na,” he insisted.
“Ako nga ang magda-drive, huwag mo akong diktahan,” sabi ko pa sa kaniya. He jus made a ‘tsk’ sound. Hinawakan niya naman ako sa aking magkabilang beywang. Nagulat ako. Puwersahan niya rin akong kinarga at ipinasok sa passenger’s seat! Hindi na kailangang buksan ang pinto dahil drop-top car naman ito at ipinasok lang talaga niya ako sa loob.
“Ako ang masusunod,” sabi niya sa akin.
“Kotse ko ‘to!” Sapilitan niya namang isinuot sa akin ang seatbelt.
“Sinabi ni Mama na ihahatid kita. Kaya ako ang magda-drive? Okay?” sabi niya. Natahimik na lang ako at ibinigay sa kaniya ang susi. “Very good, baby,” he said. Hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan niya ako ro’n.
Napairap naman ako.
So, siya na talaga ang nagmaneho.
“Suwerte mo sa nanay mo,” sabi ko sa kaniya habang nasa biyahe.
“I have no idea why she likes you,” sabi niya.
“Maganda nga kasi ako.”
“Tsk.”
Bigla naman akong may naalala kaya inangat ko ang kamay ko at sinampal siya ng patagilid. “Hey! I am driving?! What was that for?” Nikolai asked.
Nakaramdam naman ako ng panggigil. “Nakalimutan mo na ba, ha? Your Mom is so nice then you really have the guts to lied to her?!” I hissed.
Naalala ko nag girlfriend part. “You are mine, gano’n na rin iyon,” sabi niya. Napanganga ako.
“Sa iyo ako kasi gusto mo na ikaw lang ang gagalaw sa akin. Gusto mo akong maging laruan, gano’n iyon ‘di ba? I don’t want to be your girlfriend!” sigaw ko.
Matagal naman siya sa akin nakasagot. “It’s not like that.”
“It is… hmp!” sabi ko pa. Natahimik naman kami paeho hanggang sa maihatid niya ako sa apartment ko. Ipinasok niya na rin ang mga pinamili ko sa apartment ko. Tahimik lang naman kami pareho.
“May kasama ka ba rito?” biglang tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kaniya.
“Ako lang mag-isa.”
“I see. May klase ka ba bukas? I’ll pick you her and drop you to univ,” mahinahon lang na pagkakasabi niya sa akin.
Umiling naman ako. May klase nga kami bukas pero marami naman ang nakaabang do’n. Hindi niya naman siguro alam na ka-blockmates ko ang kapatid niya na si Mikai kaya sabihin ko na lang sa kaniya na wala akong pasok.
“Wala akong pasok,” sabi ko sa kaniya. Nasa loob na kami ng apartment. Isinara niya ang pinto nito. Ako naman ay napa-upo lang sa kama. Nakayuko ako sa kaniya dahil nakaramdam ako ng lungkot. Hanggang ngayon kasi ay pinaghahanap ako ng Daddy ko. Ipinapanalangin ko na sana ngayong nakalabas ako na wala sa aking nakakita. Walang nakakaalam kung nasaan ako. May advantage pa rin ang pagsuot ng shades pero hindi ako sure kasi iyong kulay ng buhok ko.
Sana lang talaga…
“Ibig sabihin ay wala rin pasok si Mikai bukas, I see,” natigilan ako. Binabawi ko na iyong sinabi ko na wala akong pasok. “Why are you look sad?” tanong niya sa akin. Napansin niya siguro.
“Wala, umuwi ka na lang,” sabi ko pa. “Pakisabi rin kay Tita na salamat ulit,” sabi ko. Mapait pa akong ngumiti. Lumapit lang siya sa akin at hinawakan ako sa baba ko, itinaas niya ako para makatingin ako ng diretso sa kaniya.
“Bakit namamaga iyong mata mo kanina? Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sa akin sinasabi. Huwag mong sabihin sa akin ulit na naiyak ka sa sarap!”
Napangiwi naman ako. Hinawi ko ang kamay niya sa akin. “Wala ka ngang pakialam!”
“Eirah…” Naging seryoso ang boses niya. Lalo lang akong napnagiwi.
“Kasi nga, umiyak ako ng umiyak,” pagsasabi ko na lang ng totoo. Napayuko akong muli. Ayaw kong tumingin ng diretso sa kaniya. Para ngang gusto ko na lang ma-iyak ulit dahil naalala ko ang dahilan kung bakit ba talaga ako umiyak no’n.
“Why?”
“I missed my Mom…”
“Where is she?”
“She passed away years ago,” malungkot na sagot ko sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot sa akin. Tumabi lang siya sa akin na nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko naman inaasahan ang sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako ng patagilid.
“If you see someone who looks sad or miserable, hug them, and tell them that they are worth it.” Nagulat ako sa ibinulong niya sa tenga ko. “My Mama told me that before,” dugtong niya. Hindi naman ako nakasagot.
“I could say that it’s true…” sabi niya.
“Anong a-alin?”
“Iyong sinabi mo sa sarili mo sa comfort room. You’re beautiful, you have worth. Tama rin ang sinabi ni Mama, hindi ka dapat pinapaiyak,” seryosong sabi niya sa akin.
“P-Pero… n-naiiyak n-na naman ako…” Pinapaiyak niya kasi ako sa mga sinasabi niya!
“Then, cry on my shoulder if crying would make you feel better.”
Hindi ko naman naiwasan ang maluha na nang tuluyan. Napahagulhol na naman ako. Humarap ako sa kaniya at niyakap ko na siya ng mahigpit. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya. Habang siya ay tahimik lamang at hinahagod ng marahan ang likod ko. Yes, crying would make someone feel better, but me, crying on his shoulder is the best.