Eirah’s Point of View Dumiretso kami ni Nikolai sa bahay namin katulad ng plano. Nang ibaba kami roon ng taxi ay napansin kaagad namin ang mga itim na sasakyan na nakapalibot doon. Napasinghap ako. Nikolai held my hand. “I am here,” sabi nito. And yeah, but I am still nervous. Nilakasan ko na lamang talaga ang aking loob. Nauuna akong maglakad papunta sa loob pero magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Dire-diretso kami hanggnag sa living room. I didn’t saw my Dad and Tita Kesha there or even my brother. “Where are they? Kanino ang mga kotse sa labas?” tanong ko pa. “Hindi ko alam. Hawakan mo lang ang kamay ko,” sagot ni Nikolai sa akin. Tumango naman ako. Lilibutin sana namin ang buong bahay para hanapin sila Dad pero hindi na namin nagawa dahil nakita namin siya na papalapit sa ami

