bc

My Young and Carefree Heart

book_age16+
27
FOLLOW
1K
READ
popstar
sweet
straight
female lead
male lead
city
cheating
childhood crush
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

I was foolish to love someone like Gabriel Segovia. I was young when I met and fall inlove with him. I believe the fairy tale ever after but he was not the prince I imagine.

Sinaktan niya ako at ayoko nang makita siya.

Sinusumpa ko na sa muling pagkikita namin hindi na ako mahuhulog ulit sa kanya.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Kaya mo 'to Sunny! IYON ANG gustong itatak sa isip niya ng dahan dahang lumapit siya kay Gabriel. Nakangiti ito ng malapad sa kanya nang makita siya. Mariing napapikit si Sunny habang nagngingitngit ang loob. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili, ayaw niyang maging katawa tawa sa harapan nito. How Romantic! Tukoy niya sa mga hinanda nitong pagkain sa lamesa. May pa-candlelight at rose pa ito. Parang gustong matunaw ng puso niya. Isa sa mga bagay na nagustuhan niya dito ay ang pagiging Romantic at Sweet nito. Palagi itong may nakahandang surprise sa kanya. Habang naglalakad siya nagliliwanag ang madilim na paligid sa nakapalibot na kandila. Naroon sila sa likod ng garden ng mommy nito. Napansin niyang hindi ito nag-iisa, sa gilid ay naroon ang kapatid nitong si Ayana marie na malapad ang pagkakangiti tulad ng kuya nito. Hindi niya alam kung may alam si Ayana, tungkol sa kuya nito. Pero mukhang wala dahil genuine ang pagkakangiti ng kaibigan. Dahil bestfriend niya ito at ito ang number one fan nila sa loveteam ng kuya nito. "Break-up with him Sunny, Niloloko kalang niya...Hindi ikaw ang mahal niya, ako! And he was using you to hurt me..." Umalingawngaw sa utak niya ang sinabi sa kanya ni Jane, ang dating ex girlfriend ni Gabriel na nakipaghiwalay dito. Hindi sana siya maniniwala sa sinasabi nito na ginagamit lang siya ni Gabriel. Pero after what she saw on the video na pinakita sa kanya ni Jane. Parang gusto niyang maiyak ng mapanood ang mga naging pag-uusap ng mga ito. Hindi siya bulag at malinaw na narinig niya ang sinabi ni Gabriel kay Jane. Mahal pa 'rin nito ang babae. Akala niya kaya siya niligawan ni Gabriel ay kahit papaano may pagtingin narin ito sa kanya 'yun pala ginamit lang siya nito para saktan ang ex girlfriend nito. How pathetic she is for believing that Gabriel is inlove with him. Hindi pala magandang idea na pilitin ang taong maibalin sa 'yo ang pagmamahal niya kung heartbroken ito. At walang kasiguraduhan kung ikaw ang muling bubuo nito. Sa wakas tuluyan na siyang nakalapit sa binata. Nanginginig man ang tuhod niya at mga kamay. Still, she manage to smile infront of him na hindi ma-rattle sa prisensya nito. Kailangang pigilan din niya ang anumang pag-iyak. Mamaya na siya iiyak, ngayon kailangan muna niyang gawin ang bagay na ipinunta niya. "Babe, Happy anniversary... Akala ko hindi ka makakapunta. Alam kong late na, Are you still mad na hindi natuloy 'yung dapat date natin noong isang gabi? I'm sorry may kailangan lang akong gawin kaya hindi natuloy yung dapat dinner date natin." Nakangiti parin ito at hindi napansin na hindi siya umimik sa sinabi nito. Alam niya kung bakit hindi natuloy, pinuntahan nito si Jane nang araw na iyon. Hinatak siya nito papunta sa lamesa. Wala parin reaksyon na tiningnan lang niya ito at hindi gumagalaw sa kinatatayuan. May pagtataka na hinawakan siya nito sa kamay. Pero mabilis na pinalis niya ang kamay nito. Kapagkuwan ay galit na hinarap ito. "May problema ba Sun?" "Gabriel pwede ba tayong mag-usap?" Tiningnan siya nito. Unti unting nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagtataka. "Oo naman, pero mamaya nalang kumain na muna tayo," Pinaupo siya nito pero hindi siya tumalima at nanatiling nakatayo lang siya. "Sunny..." anang kaibigan niya na na nagtataka sa pinapakitang ugali niya. Dapat aalis na ito at iiwan ang dalawa. "No. Gusto kong mag-usap tayo ngayon nah!" galit na sigaw niya. Nanginginig na ang boses niya gusto na niyang matapos ito at ng makauwi na siya. "Sunny..." Pero hindi niya pinansin si Ayana. Nag-aalalang lalapitan sana siya ng kapatid nito na agad napalis ang ngiti at napalitan ng pag-aalala pero sumenyas dito ang kuya nito na huwag lumapit. "G-gusto ko ng makipaghiwalay Gabriel," naiiyak na sabi niya. "Na-realize ko na hindi pala kita minahal. Si Rico talaga ang mahal ko..." tukoy niya sa kinakapatid na nagtapat ng nararamdaman nito sa kanya. Nagtaka siya ng walang makuhang reaksyon dito. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanya. Parang tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo. Naiinis siya dahil mukhang wala itong pakialam sa sinabi niya. So ganun nalang... Bagsak ang balikat na tumalikod siya. Mukhang hanggang dito na nga lang sila. Pero hindi pa man siya nakakalayo nang magsalita ito. " May sinabi ba sayo si Jane, Kaya ka nagpasya na hiwalayan ako?" tanong nito. Nilingon niya ito. Paano nito nalaman na nilapitan siya ni Jane? Hindi na ito nagsalita at nakapamulsang tinalikuran siya. At hindi niya inaasahan nang magsalita ito. " Tama ang lahat ng sinabi sa 'yo ni Jane..." he said while pouring the glass of champagne. Pagkatapos ay inangat nito sa harap niya. "Kuya!" Sigaw dito ni Ayana. Kung ganon totoo nga ang sinabi ni Jane. Kahit masakit pinilit niyang makalayo sa lugar n iyon. Hinihiling niya na sana hindi na niya makasalubong ito. At kung mangyayari iyon siya na ang kusang iiwas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.7K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.1K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook