"SUNNY!!!" Sunod sunod ang katok at tawag ang sumalubong kay sunny. Pagsilip niya sa orasan, mag-aalas nueve na pala ng umaga. Inaantok man ay napilitan siyang pagbuksan ang makulit na gumambala ng mahimbing na pagtulog niya.
Napasimangot siya ng makitang si Ayana Marie lang pala. Akmang isasarado na niya ang pinto ng kwarto--nang iharang nito ang katawan.
Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng pinsan niya.
"Teka, Sandali. May sasabihin lang ako, Sunny," panimula nito.
"Kung ang sasabihin mo ay tungkol na raman kay Kuya Cam, umalis ka na , kahit anong pang gawin mo ay hinding hindi ka magugustuhan niyon, " aniya habang tinutulak ito palabas ng pinto. " Nagsasawa na ako sa kwento mo about sa pinsan ko na malabong magustuhan ka."
Bukod doon hindi siya makapaniwala na magagawa nitong gayumahin ang pinsan niya, na naging dahilan ng pagka-ospital nito.
Believe din siya sa Persistent at fighting spirit ni Anya.
Talagang never say die ang motto nito.
Kahit na muntik nang sa gayuma mamatay ang pinsan niya at hindi sa giyera.
Bata palang sila ay patay na patay na ito sa pinsan niya na dating sundalo na ngayon ay nagtayo nalang ng sarili nitong security agency.
"Aray! Talaga bang ganun ka, kawalang bilib sa akin na kaya kong mapaibig ang pinsan mo," nakangusong sabi nito.
"Oo." matipid na sagot niya. Kung sana ay sa ibang lalaki nalang binalin ng pansin ng kaibigan niya ang pag-ibig nito. Walang problema sa kanya, bukod sa malaki ang agwat ng edad ng pinsan niya sa kaibigan niya, engaged narin ito sa babaeng pinili ng Tita Carmela niya at panghuli, ni minsan hindi ito tiningnan bilang babaeng magugustuhan ng pinsan, kahit na alam na nito na may gusto dito ang kaibigan niya. Pag tingin nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa pobreng kaibigan niya.
Wala 'atang puso 'yon, kasamang nalibing sa giyera.
"Oo nah. Hindi yon ang pinunta ko dito. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na magkakaroon ng Audition para sa guitarist ang Lunar Gonzaga, ano sama ka?"
Parang may kung anong nagliwanag sa mukha niya matapos marinig ang sinabi ng kaibigan , lumapad din ang ngiti niya ng mabanggit nito ang kinababaliwan niyang all boy band group na sikat na sikat hindi lang sa bansa, kundi sa maraming bansa.
Napangiti siya ng mapait. Nagsimula ang pagkahilig niya sa banda pagkatapos ng masakit na pakikipaghiwalay niya kay Gabriel, na kalaunan mali ang paniniwala niya dahil hindi naman siya nito niloko. Patunay na kinompronta ni Ayana si Jane. At umamin ang huli, na gawa gawa lang nito ang lahat.
"Si kuya na raman ang iniisip mo?" seryosong tanong ni Ayana sa kanya.
Mas pinili niyang hindi sagutin ang tanong nito.
Kunot ang noong napatingin siya sa kaibigan. "Hindi ba ang Lunar Gonzaga, ay mga miyembro lang ng mga magpipinsan Gonzaga. So, Paanong magpapa-audition sila?"
Kinuwento nito na naghahanap ng guitarist ang group band.
"Anong ibig mong sabihin na naghahanap sila ng guitarist ? hindi ba ang guitarist nila ay si Timothy Gonzaga o Tommy for short. " Nagtatakang napatigin siya sa kaibigan. Niluwagan na niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang kaibigan.
"Sort of. Pero mukhang malalagasan ang grupo ng isang gwapong nilalang. Mangyari kasi si Timothy Gonzaga ay doon na sa amerika mamalagi para pamahalaan ang empire business ng mga Gonzaga. Nagpasya ang tumatayong manager na si Erika na maghanap ng bagong guitarist." Paliwanag nito.
"Ganun ba, Sayang naman," iiling -iling na sabi niya. "Pero kanino mo ba nalaman ang balitang yan na naghahanap sila ng bagong guitarist?" Bakit wala 'ata siyang nabasa o napanood sa news?
"Ano ka 'ba siyempre sa kompanya ni Cameron my loves. haler, ang agency kaya niya ang kinuha ng Lunar Gonzaga para sa seguridad nila. Aksidenteng narinig ko lang noong isang Linggo na pinag-uusapan nang dalawang babaeng empleyado ng pinsan mo." Ngayon lang niya nalaman iyon. Marahil pinalitan na ng Lunar Gonzaga ang security agency nito dahil sa nangyaring gulo nakaraan. Nagkaroon ng stampede sa pagitan ng fans nito na maraming nasaktan dahil sa kapabayaan ng security. Mabuti nalang at hindi siya nakasama dahil abala siya sa negosyo niyang Flower shop, biglaan ang meeting niya sa wedding coordinator at ang kaibigan niyang abala sa pang-iistalk sa pinsan niya ay hindi 'rin nakapunta. Kung hindi isa rin sila sa mga nasaktan, knowing him and Ayana tulad ng ibang mga fans handa rin silang makipagsiksikan makadaum palad lang ang sikat na boyband.
* * * * * * * * * *
SA ISANG sikat na hotel na pag-aari ni Keith Gonzaga gaganapin ang Audition para sa paghahanap ng guitarist. Pero pagdating nila doon wala naman silang nakikita maliban sa mga staff na abala sa pagliligpit ng kalat. Nagtataka man ay agad na nilapitan ng kaibigan niya ang isa sa mga staff ng hotel. Nasa likod lang siya nito.
"Ah, Miss, Hindi ba dito gaganapin yung audition ng Lunar Gonzaga para sa bago nilang miyembro ?" tanong ng kaibigan niya sa isang staff.
Kumunot ang noo nito pero sinagot pa 'rin ang tanong ng kaibigan niya.
"Ah, hindi na tuloy yon," sagot nito sa kanila na ipinagpatuloy na ang ginagawa. "Ang meron ay welcome party para sa bagong miyembro. Nandu'n sila sa rooftop. Pero ang alam ko bawal ang outsider mga maam." Habol nito sa kanila.
Napatango tango silang dalawa. Nagulat siya ng hilahin siya ng kaibigan papasok sa elavator.
"Anong gagawin natin?" gulat na sabi niya. "Huwag mong sabihin na pupunta tayo sa rooftop? di mo ba narinig yung sinabi ng hotel employee. Bawal daw ang outsider."
"Sshh... Sisilipin lang naman natin kung sino ang bagong miyembro ng Lunar Gonzaga." Wala na siyang magawa ng sumara ang elevator.
Nang makarating sila sa pinakamataas na floor ng hotel. Karamihan mga empleyado ng hotel lang ang nakakasalubong nila.
"Hayun! baka duon ang daan, Sunny," sabi ni Ayana saka siya hinila ulit. Mukhang doon nga sa pinakadulo ang daan dahil malinaw na naririnig na nila ang malakas na ingay.
Parang na exite siya sa gagawin nilang pagte-tress pass ni Ayana. Kahit mali. Curious din siya kung sino ang bagong guitarist ng grupo.
* * * * * * * * * *
Gabriel was enjoying sipping a glass of wine that was served to him. It's a welcome celebration for him as new part member of the group.
Napalingon siya ng may nagsalita sa harap niya. Walang iba kundi si Keith, ang vocalist ng grupo. "So, Guys this is a double celebration for our new member. He will staying here for good, and finally he accept our offer to become one of us. Welcome Gabriel Segovia, the new guitarist of the group. " tipid na ngiti lang ang sinagot niya.
Isa-isang tinapik siya sa balikat ni Sky ang drummer, si Romeo na pianist at si Vladimir na bassist. Sa dulo, nakita niya si Tommy na hindi pa nakakaalis ng bansa. Tinaas lang nito ang isang baso ng alak na iniinom. At malinaw na nabasa niya sa buka ng bibig nito ang 'Welcome'
Pero wala sa mga ito ang pansin niya kundi sa kung anong sasabihin ng magulang niya. Hindi alam ng mga ito na nakauwi na siya galing Greece. Nakailang lagok muna siya ng alak ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Kuya Gabby?" Gulat na nilingon niya ang kapatid.
Nakita niyang pinipigilan ito ng security ng hotel.
"Anong ginagawa mo dito? " mahinang mura niya sa isip.
"That's my line kuya!" Na marahil nagtataka rin kung anong ginagawa niya sa lugar na ito.
Muntik na niyang makalimutan na matagal ng fan ng grupo ang kapatid niya. Akmang lalapitan na sana niya ito ng biglang manigas siya sa kinatatayuan, muntik narin niyang mabitawan ang basong iniinom.
"Sunny..." tiim bagang na sabi niya. Hindi niya inaasahan na dito sila magkikita. Nakayuko ito at mabilis na hinihila ang laylayan ng damit ng kapatid niya.
Finally, we meet again...
"Kuya! A-anong ginagawa mo dito? Hindi ba nasa greece ka? " gulat na gulat na tanong ng kapatid niya. Pero wala dito ang tingin niya kundi sa babaeng nasa likod nito. Na hindi parin nag-aangat ng tingin sa kanya.
"Di mo ba 'ko na-miss, hmnn..." malambing na tanong niya sa kapatid pero nanatiling nakatingin parin siya sa kaibigan nito.
"Na-miss, Pero--" agad na pinutol niya ang sasabihin ng kapatid ng makalapit siya sa kaibigan nito.
"Itong kaibigan mo Ayana hindi ba ko na miss?"
Nanigas ito ng hawakan niya sa balikat.
Sa wakas at nag-angat din ito ng tingin Those beautiful fair of eyes, malamlam at takot ang nababasa niya. Ang matangos nitong ilong at makinis nitong pisngi na lalo pang namumula habang pinagmamasdan niya, hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mapupula nitong labi na parang laging nag-aanyaya na halikan ito.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha nito.
Muling ibinalik niya ang tingin sa labi nito. Akmang hahalikan na niya ito ng mag-iwas ito. He want to taste those soft and sweet lips of her.
"Gabriel..." mahinang bigkas nito sa pangalan niya na parang musika naman sa pandinig niya. Para siyang hinehele at hindi niya namalayan na unti unti ng nagdidilim ang paningin niya. Ang tanging naririnig nalang niya ay ang malakas na boses ng kapatid niya na tinatawag ang pangalan niya.
"Kuya!!!"
And he was fall asleep.