"ANONG GAGAWIN mo Ayana?!" Nagtatakang tanong niya dito nang lapitan nito ang isa sa nagbabantay papunta sa rooftop.
Talagang wala ngang pina-papasok na un-invited guest.
"Relax ka lang sanay na ako sa ganito." Oh well, coming from Ayana.
Wala na siyang nagawa kundi panoorin nalang ang kaibigan niya habang nakikipag-usap sa security ng hotel. Maya-maya nagulat siya ng pasimpleng nag-abot ito ng pera sa security. Pero hindi tinanggap ng huli.
Hindi na siya nagtataka kung paano nito naka-close ang mga empleyado ng kuya Cameron niya.
Nilapitan na niya ito.
"Ang daya! Sunny look at them," turo nito sa dalawang babae na magkasunod na pumasok sa loob. "Sila pinapasok tayo hindi. Maiintindihan ko pa yung isa dahil girlfriend ni Romeo. Pero 'yung isa hanggang dito ba naman?" Umiling-iling ito.
"Kilala mo siya, Ayana?"
"Hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng 'yan! Isa sa mga babaeng nagkakagusto kay Cameron. She insult me and flaunt herself that I can't get Cameron attention no matter what I do."
Nagpumilit na makadaan ito.
"Kuya?!" sigaw nito sa loob. Pareho silang natigilan.
Parehong nanigas sila ni Ayana sa kinatatayuan ng marinig ang boses ni Keith na binabanggit ang pangalan ng iisang taong kilala nila.
Imposible.
Sa isip isip niya, but out of curiosity sinilip nila ang kaganapan only to find out na hindi sila nagkamali ng pandinig ng kaibigan ang Gabriel Segovia na binabanggit ni Keith at ang nakatatandang kapatid ng kaibigan niya ay iisa. Hayun sa bandang dulo, umiinom ng alak ng mag-isa. Ni hindi man lang ito lumilingon sa kanila.
"What the hell my kuya's doing here?" Nakalusot si Ayana sa mga security ng hotel, sumabay ito sa mga invited guest.
Gusto sana niyang hilahin ang kaibigan pero huli na dahil nakapasok na ito sa loob kaya wala siyang nagawa kundi sumunod nalang dito. Yumuko nalang siya at nagtago sa likod ng kaibigan para hindi "siya makita ng kapatid nito.
Narinig niyang tinawag ito ni Ayana. Kaya mas lalo siyang nagtago sa likod ng kaibigan. kinakabahan siya at the same time natatakot. Malaki ang nagawang kasalanan niya dito at hindi niya alam kung mapapatawad pa siya nito.
Maya maya'y naramdaman niya ang mga yabag ng kung sino na palapit sa kanila.
Paglingon niya ay walang iba kundi si Gabriel, mabuhay at pasuray suray na ang lakad nito sa kanila, marahil bago sila nakapunta doon ay marami na ang nainom ng binata. Hindi sanay ito uminom at madaling malasing. Agad na iniwas niya ang tingin dito ng mapansin sa kanya nakatutok ang tingin nito. Parang kinikilala siya makailang beses itong napailing na parang hindi makapaniwala na nandoon siya.
Saglit na kinausap ito ng kaibigan niya na takang taka kung paano napunta ang kuya nito doon. Kilala nila na hindi mahilig sa kahit anong party si Gabriel at isa pa hindi ito nagpasabi sa kaibigan at magulang nito na uuwi na ito ng bansa.
Sa di malaman dahilan hindi niya alam kung bakit kumabog ng mabilis ang t***k ng puso niya. Parang may dagang naghahabulan sa dibdib niya, she can't explain what is happening to her. Hindi man nya nakikita ang pag uusap nito at ng kaibigan niya pero pakiramdam niya na parang may nakatingin sa kanya. Para siyang sinisilihan sa kinataayuan yun naman pala ay sa kanya na nakatutok ang tingin nito at wala na kay Ayana, sa isang iglap nasa harap na niya ito. Gusto man niyang umatras pero hawak hawak na nito ng mahigpit ang balikat niya, napatingin siya sa kaibigan nanlalaki rin ang mata na nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.
Wala siyang nagawa kundi salubungin ang matiim at nanunuot na titig nito sa kanya. She felt the thirst on her lips, nang mapadako ang tingin nito sa labi niya. Hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa mga labi nito. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan? Gosh Sunny! Hindi ito ang tamang oras.
Biglang na-blanko ang utak niya ng unti-unting nilapit ng binata ang mukha nito sa mukha niya. Parang bigla siyang natuliro at natigagal.
Naduduling na siya habang nakatitig sa gwapong mukha nito na mas lalo pa atang gumwapo ngayon Habang palapit ang mukha nito sa kanya, Kalahating dangkal nalang ang lapit malinaw na naamoy niya ang amoy ng alak sa hininga nito.
Shit! mahihimatay na ata siya mukhang hahalikan siya ni Gabriel.
Pumikit na lang siya at hinintay na halikan siya nito. Abot hanggang tenga ang ngiti niya ng maramdaman niyang mas lalo pa nitong inilalapit ang mukha. Kaya lang ilang minuto na ang lumipas, wala yung hinihintay niyang bagay na lumapat sa bibig niya. Nakapikit at nakanguso na siya. Pagdilat niya napawi ang ngiti niya ng makitang titig na titig ang binata sa kanya. Ilang saglit pa sabay silang napatili ni Ayana ng bumagsak ang binata sa harapan niya. Sa sobrang bigat nito halos mawalan siya ng balanse.
Nagpasalamat siya at umalalay sa kanya si Ayana para pasanin din ang mabigat na kuya nito na lasing na lasing. Nahihiyang sabay na napatingin sila ni Ayana sa mga miyembro ng Lunar Gonzaga, nagtataka man ang mga ito nakangiting tinaas lang ng mga ito ang mga iniinom.
Nagpatulong sila sa mga security para dalhin si Gabriel sa hotel suite nito.
"Now, we should leave kuya Gabriel here."
Ayos lang ba talagang iwan nila ang kuya nito nang mag-isa sa malaking hotel suite nito?
Mahimbing pa 'rin ang tulog ni Gabriel.
"S-sige," aniya na sumunod kay Ayana.
"Hanggang ngayon hindi pa 'rin ako makapaniwala na part na si kuya Gabriel ng Lunar Gonzaga," nakangiting umiling ito. "He's not the type of person who could stand in front of a crowded place."
Pareho sila ng iniisip ni Ayana.
"Sunny... Ngayong nandito na si kuya Gabriel, alam ko mahal mo pa 'rin 'yung kapatid ko."
"Huh? Anong pinagsasabi mo Ayana?" Umiling-iling siya.
"Hay, ano ka ba naman? Dapat gumawa ka ng paraan para magka-ayos kayo. Huwag mong hayaan na may umaaligid na babae kay kuya. Ngayon pa na miyembro na siya ng Lunar Gonzaga."
"Diyan ka na nga." Nauna na siyang pumasok sa elevator.
"Huwag kang mag-alala Sunny, sa 'yo pa 'rin ang boto ko para kay Kuya. At kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa amin ni mommy."
Napangiti nalang siya.
* * * * *
ABALA si Sunny sa pag-a-arrange ng bulaklak sa flower shop niya nang makatanggap ng tawag galing sa ina.
"Hello? Ma, napatawag po kayo?"
"Nasaan ka ngayon?" tanong nito.
"Nandito sa Taguig ma, bakit?"
Tatlo ang branch ng flower shop ni Sunny, ang main branch ay nasa McKinley hill, yung isa ay nasa Bulacan at Quezon city. By next year baka magbukas na 'rin siya ng isang branch sa Cebu.
"May gusto akong ipakilala sa 'yo, Sunny. Anak siya ng dati kong kaklase noong high school. Sigurado ako magugustuhan mo si Wilson anak. He own biggest construction supply sa Singapore."
"Ma, ano na raman ba 'to?" Simula ng maghiwalay sila ni Gabriel. Isa ang mama niya sa natuwa, dahil hindi nito gusto si Gabriel para sa kanya.
Hanggang ngayon malaki pa 'rin ang galit ng mommy niya kay tita Jenny at tito Monti. Si mommy at tito Monti ang talagang magka-relasyon. Si tita Jenny ay matalik na kaibigan ng mommy niya. Hindi matanggap ng mommy niya na nagawang makipag-hiwalay ni tito Monti at ipinagpalit ito sa kaibigan nito na sandali lang nitong nakilala. Mahal na mahal ng mommy niya si tito Monti. Nalaman niya ang bagay na iyon kay tita Jenny kung bakit galit ang mommy niya dito. Arrange marriage lang ang meron sa pagitan ng daddy at mommy niya.
Ilan beses na siyang nireto ng mommy niya sa kung sino-sinong anak ng mga amiga o inaanak nito. Kahit sa mga anak ng business partner ng kumpanya nila. Pero isa man sa mga nirereto nito ay wala siyang nagustuhan. Some of those are cocky and arrogant. Muntik na 'rin siyang mabastos ng isa sa mga nireto ng mommy niya.
"I'm sorry ma, pero hindi ako makakapunta."
"Last na 'to anak. Sana pagbigyan mo na ako. Mabait si Wilson. Nakilala ko na siya at magiging mabait na asawa siya just like your dad."
"Pag-iisipan ko ma," at binaba na niya ang tawag.
"Sally..." tawag niya sa assistant secretary niya.
"Bakit po , maam?"
"Ibili mo ako ng paborito kong coffee sa baba at dalawang slice ng chocolate cake. Dalhin mo sa office."
"Yes po, maam."