CHAPTER THREE

1383 Words
NAABUTAN NI Sunny ang kaibigan na nanonood ng Tv pagpasok niya ng unit. Binigyan nga pala niya ito ng sariling susi kaya malaya itong nakakapunta sa unit niya kahit anong araw nito gustuhin. Nilapag niya ang mga pinamili. Maya-maya dumungaw si Ayana at nakikalkal sa mga pinag-grocery niya. Kumuha ito ng Lays at dumiretso sa ref para kumuha ng beer in can. At pagkatapos ay bumalik na sa kung anong pinanonood nito. Nanonood na raman siguro ito ng Korean drama. Madalas 'yun lang naman ang sinasadya nito sa unit niya pati tuloy siya minsan nahahawa na sa mga pinanonood nito. Kumuha nalang siya ng ready made na pagkain at ininit sa microwave oven. Nagugutom na siya at hindi na kaya ng sikmura niya na maghintay ng pagkain kung magpapa-deliver pa siya. "Ano 'yang pinapanood mo?" tanong niya at naupo sa tabi nito at nilagay sa maliit na lamesa ang chicken nuggets na agad itong kumuha sa plato at inisang subo. Napansin niyang hindi naman Korean series ang pinapanood nito kundi talk Show sa isang local tv. She was not familiar with the host pero nakita na niya ang mukha nito sa Billboard sa building ng tv station kapag dumadaan siya sa Edsa. Umupo siya sa tabi nito ng may maalala siya. "Hoy ! babae, anong ginawa mo sa ka- date ng pinsan ko?" Singhal niya dito. Hindi siya pinansin nito at tutok na tutok ang mata nito sa TV. Alam niyang may kinalaman ito kung bakit nag-mukhang langka ang ka-date ni kuya Cameron. Ilan beses na niyang pinagsabihan ito. Alam niyang nagtitimpi lang si kuya Cameron dahil kaibigan niya si Ayana. Tadtad ng pantal at maga ang mukha ng dine-date ng pinsan niya, she don't remember her name exactly, pero isa ito sa mga dine-date ng pinsan niya. But due to unusual happen na maingat naman ito ay nagkaroon ito ng allergy at ang pinagbibintangan nito ay si Ayana. Nang gabi ng sumpungin ito ng allergy ay nakasama nito sa lamesa si Ayana. May event niyon. Nagkasagutan pa ang dalawa. Pero after daw kainin nito 'yung pasta nakaramdam na daw ito ng kakaiba. "May kinalaman ka ba 'don?" Umaktong nagulat ito pero may naglalarong ngiti sa labi. "Who could do such thing to her, I wonder?" sabi nito habang ngumunguya. "Ayana!" Napatayo siya habang nakapamewang. "Sshh... Ayan na ini-interview na sila ni Krista Farr," anito na hindi inalis ang tingin sa tv. Nagulat siya ng isa-isang pumasok ang buong miyembro ng Lunar Gonzaga. Naghiyawan ang buong audience. "Alright, this is a third time na muli nating makakasama ang Lunar Gonzaga. Hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang pinaka-bagong miyembro ng grupo. Excited na ba kayong makilala siya?" Sobrang lakas ng sigaw ng mga audience sa loob ng studio karamihan ay mga fans. "Let's welcome Gabriel Segovia. The new guitarist of Lunar Gonzaga." Parang slow motion sa paningin ni Sunny ang pagpasok nito sa loob ng studio. Kumaway ito at tinutok up close ang camera sa mukha nito. He had light make-up that emphasize his beautiful face. Gabriel had this cheerful and sincere smile. Naalala ni Sunny na kaya maraming nagkakagusto dito ay dahil nagtataglay ito ng maamo at magandang mukha, kaya noong sila pa paulit-ulit niyang sinasabi dito na huwag nitong gugupitin ang hanggang balikat nitong buhok. Gusto gusto niya kapag tinatali nito ang buhok nito in a wavy messy ponytail, that leave the other portion of some strand of his hair. Madalas itong magsuot ng salamin kapag nagbabasa kaya lalo itong nagmumukha cool sa paningin niya. Napapitlag siya ng may kumaway na kamay sa harap niya. "Okay kalang, Sunny? Natulala ka na kasi sa Tv." Napansin niyang commercial break na pala pero nakatayo pa 'rin siya at nakatanga sa harap ng tv. Napahiya siya at namumulang dumiretso sa ref para kumuha ng tubig. Nakailang baso siya ng tubig. Nang balikan niya si Ayana ay nanunudyo na ang tingin nito. "Tumigil ka!" masungit na sabi niya. At tumalikod Saktong natapos na ang commercial break. Parang may kung anong naghila kay Sunny at bumalik siya sa tabi ni Ayana at naupo. Masamang tingin ang pinukol ni Sunny sa kaibigan. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan si Keith yung tinitingnan ko." Tumawa ito, " Wala naman akong sinasabi, ah. Bakit defensive ka?" Umingos siya at tinutok nalang ang tingin sa Tv. "Wow! Si kuya ba talaga yang nasa TV?" parang hindi makapaniwalang sabi nito Ayana habang hindi inaalis ang tingin. Nanatiling nakatutok lang ang pansin niya sa harap. Nang muling magsalita ang host. "Trending tayo ngayon sa Social Media. Mukhang mainit ang pagtanggap ng ating mga viewers at mga fans. Sobrang dami ng nagpapadala sa atin ng tweets at message sa Twitter at f*******: page. Anong masasabi mo Gabriel?" "Maraming salamat sa mainit niyong pagtanggap and, for giving me a chance to be part of this band. " "Aw, parang gusto ko na 'yatang sumali sa fan club niyo girls," tumatawa'ng sabi ni Krista. Hiyawan at palakpakan ang sinagot ng mga audience. "I hate her guts. Look at her sunny Kung paano niya titigan si Kuya. Parang gusto niyang kainin ng buhay." Hindi niya 'rin maintindihan ang sarili pero alam naman niya na normal lang na ma StarStruck dito lalo na ang katulad ni Krysta farr. Pero naiinis pa 'rin siya kahit alam naman niya na wala na sila ni Gabriel. "I swear pag nakita kong dinala ni kuya 'yan sa bahay. Papatumba ko yan!" sabi nito habang sumusuntok sa hangin. Hinarap siya nito. "Ay meron pa pala akong natitirang gayuma. Ano kaya kung gayumahin mo si Kuya. Pagkatapos pikutin mo na 'rin para maging mag sister in law na tayo." Gulat na nilingon niya ito. Nang maalala niya ang dahilan ng pagkaka-ospital ng pinsan niya. "No You wouldn't do that Ayana," mariing sabi niya. "Bakit? Effective kaya. Napansin ko hindi na masungit sa akin si Cameron. Sweet na nga siya at hindi na niya ako pinagbabawalan sa opisina niya." Dahil natatakot ang pinsan ko na baka May kung anong gawin ka na raman. "Bago ang lahat. Tanungin naman natin ang mga gwapong member na ito kung May special na babae na ba sa buhay nila?" "Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Pasimple. Gusto lang niya malaman kung May girlfriend na ba si kuya, eh." "Ah! Nandiyan pala 'yung girlfriend ni Romeo nanonood. Pakitutok 'yung camera sa kanya. OMG! President ka ng fans club nila. Ilang taon na? Nakakakilig naman." "So tanungin na 'tin si Gabby Segovia kung may special someone na siya?" "Sabi na, eh!" react ni Ayana. Biglang natahimik ang lahat sa loob ng audience. Halos pigilan niya ang paghinga. Babaeng espesyal dito, hindi malayong may girlfriend na ito. Ilang taon itong namalagi sa Greece. malamang may babaeng nagugustuhan na ito. Sa inis niya ay hindi na niya hinintay na sumagot si Gabriel sa interview at pinatay na niya ang Tv. "Hala! Bakit mo pinatay?" Hindi niya sinagot ito at dumiretso na sa kwarto niya at nagkulong. Bakit ba siya affected? Ano ngayon kung May especial na babae na ito. Matagal na silang wala. Dapat kalimutan na niya ito. Sinubukan naman niya kaya lang parehong failed ang relationship niya. Una niyang naging boyfriend si Lucas, sinagot niya ito dahil gusto niyang kalimutan na si Gabriel. Sinigurado talaga niya na kabaliktaran ito ni Gabriel. Ang pagkakapareho lang nito sa dating nobyo, they both love music; mahilig itong mag bar at sumali sa mga dangerous activity. Drop out student sa college at Illegal Motor Club racer , kaya lagi siyang kinakabahan sa tuwing naaksidente ito. Ramdam naman niyang minahal siya nito, pero para sa kanya may kulang hindi man lang bumibilis ang t***k ng puso niya di tulad ng pag lagi niyang kasama si Cupid. Hindi 'rin nagtagal ang relasyon nila. Sa pangalawa niyang boyfriend ay nireto lang sa kanya ng mommy niya sa pangungulit nito. Ayos naman si Armand, galing sa prominenteng pamilya. Ang ayaw lang niya ang pagiging OCD nito o neat freak kahit siya parang ayaw hawakan nito. My pagka-bossy at dominante 'rin ito gusto nito ito ang nasusunod sa bawat mga lakad nila at kung anong kakainin niya at sa maging isusuot niya. Hindi niya natagalan ang ugali nito. Kaya na-realize niya na mag-focus nalang sa pagpapalago ng flower shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD