PROLOGUE
"Bakit hindi ka pa kasi magjowa?"
ITO ANG NAG-IISANG TANONG NA COMMON NANG IBINABATO SA AKIN NG DALAWA KONG KAPATID.
Ang pagjojowa ay isang relaxation lamang ayon sa aming bunsong kapatid na si Jake. Kabloodline n'ya ang mga Martin, side ni Mama. Kaya napaka playboy gaya ng mga tito namin.
Si Kuya Arthem nama'y isang Teacher sa Hedwig University. Wala pa din s'yang girlfriend hanggang ngayon. Years kung magmove on sa nakaraan n'yang si Jemima. At sabi n'ya nasakanya daw ang family responsibility kaya nama'y family first s'ya mula nung naghanap ng iba si Ate Jemima.
Ako? Hindi naman kasi ako basta naggi-girlfriend lang. Delan bloodstream to kaya naman mapagseryoso at at hindi manloloko.
Honestly, I had a puppy love. S'ya lang ang nagustuhan ko hanggang ngayon pero kung gaano ako katorpe, ganun din ako kapagong mag -damoves hanggang sa nakapagjowa na s'ya ng hindi ko alam at nagka baby bunga nung isang gabing nilasing s'ya - mukang r**e pero jowa n'ya eh so maybe ginusto din n'ya iyon.
Nagkakausap pa kami sa mga oras na yun hanggang sa nalaman kong past time lang pala ako. Ganun ang halaga ko sa taong pinaglaanan ko ng puso at liligawan ko s'ya when time comes. She's two years older than me.
Nakakatawa man pero. Iniipon ko ang baon ko para ipambili ng bulaklak at tsokolate para sakanya at minsan pa'y ipangload naming dalawa for communication.
Iyon ay noong highschool palang ako. 2nd year mediophyte, to be exact.
Kakagraduate ko bilang Culinarian at may minor bilang Nutritionist. Hilig ko lang magluto, ipinaparamdam ko ang pagmamahal ko mula sa pagkaing ginagawa ko. Ilang buwan na lang ay lilipad na ako sa Spain for my career. Starting a restaurant na pinundohan ng dati kong Gourmet professor.
Hanggang sa isang araw. Dinalhan ko si Kuya ng iniluto kong Chicken curry. Nadatnan ko s'yang may pinapagalitan na tatlong estudyante.
"Sige hahanapin ko nalang Dawn, kasama ba talaga iyon ng ipinasa mong activity Andie?" ani Kuya.
"Yes sir ipinasa ko talaga yun kahapon dun sa table n'yo po" sabi nung babaeng Andie ang pangalan.
"O'sige Dawn at Alwynn. Itatanong ko nalang sa table ko mamaya. How many time do I have to tell you na sa akin kasi magpasa!" ani kuya at namumula sa galit. Ang sungit sungit talaga ni Kuya daig pa babae.
Napayuko nalang yung tres marias sa harapan ni Kuya. Ito talaga si Kuya. Baliin ko nga yung panenermon n'ya.
"Kuya! " napatingin sakin yung mga estudyante n'ya at si Kuya pero tuloy tuloy pa rin s'ya sa panenermon.
Nahumaling naman ako sa sulyap nung ..
Sumulyap ako sa Nametag n'ya ..
... Ah! Andie ...
Tama! Andie ang pangalan sa Jersey jacket. . Matangkad s'ya at saksakan ng kagandahan. Kung bakit naglaglag sila ng Dyosa dito sa lupa.
"Kuya! Tawag from mama! " nabigla naman si Kuya Sir at ikinuha ang phone ko hanggang sa umalis s'ya to have some privacy.
Napatingin naman sakin yung Dawn. Ang cute n'ya, s'ya yung pinakamaliit sa tatlo. Ang singkit ng mga mata nila. Magpipinsan ba tong mga ito? tapos yung Andie...
A n d i e. . .
Ano tong nararamdaman ko. Parang tumigil ang mundo ko sa mga ngiti n'ya. Kahit pinapagalitan s'ya nakuha n'ya paring ngumiti sa likod nito. She cheers, maybe those two were her cousins viz. Dawn and Alwynn.
Lumapit ako sakanila habang nakatitig kay Andie. "Guys! Hello. Sige, pwede na kayo maglunch. Ako na bahala kay sir Arthem. Kuya ko s'ya, so don't worry. Pasensya na kung masungit, walang jowa eh!"
Napatawa naman yung Alwynn. Pero gusto ko si Andie. Wala pang babae na naattached o nakapagpanganga sakin bigla at first sight beside her. She caught me with her attractive and charismatic smile. Nose is perfectly attached in her face too. Everything in her face, her eyebrows and forehead lining and her lips is so damn perfect.
Paalis na sila ng biglang natigil at napalingon sakin si Dawn. Sa mga galaw n'ya mukang may gusto s'yang sabihin.
Ikinaway n'ya ang kamay nya, I'm sure they were thankful sa pagsalba ko sa kanila mula sa pangigisa ng aking masungit na kuya. Nginitian ko naman at ganoon din naman s'ya. Napasmirked lang yung Andie. How cold but damn beautiful.
"Nice! Laki ng pasalamat ng tatlong yun sayo!" bumalik naman si kuya at hinablot ang dala kong paper bag at dagdag n'yang
sinabi" thankful nga ba talaga sayo o customer service ng SMART!" pasungit n'yang bulong sakin.
Napatawa nalang din ako sa tricks ko para lang matigil ang panenermon n'ya. Kaya nama'y tumawag ako sa CS ng smart at get pretended na si Mama. Bigla nalang ako naging protective kay Andie from kasungitan ni kuya, out of nowhere.
Bagay sa kanya yung Jersey jacket uniform nila. Mukhang kakatapos ng Physical Fitness class.
Pagkauwi ni kuya. Nagpatulong s'ya magcheck ng papers. Tapos naman na ako magluto kaya nama'y tinulungan ko s'ya. Una sa paper n'ya yung Dawn ang name.
Ah ito yung isa sa napagalitan kanina.
Hinanap ko naman yung paper ni Andie, my loves.
Nakita ko naman yung classcard nilang may picture na inaayos ni kuya. Pasimple kong hiniram at tinignan yung classcard nung Andie. Walang picture pero may contact number.
Kinuha ko naman iyon at in-save agad agad habang wala si Kuya.
Kinabukasan. Uwian naman na kaya yayayain ko magshake si Andie. Tinawagan ko yung number na ninenok ko kay kuya Sir.
Under the phone:
"Hello! Pwede ka ba ngayon? "
"Sino to?" medyo.. Middle-aged na ang boses. Mature na siguro yung boses n'ya sa phone.
"Kapatid po ni Sir Arthem, andyan po ba si Andie. "
"Dawn! Si Andie daw? Boyfriend mo ba yan!! " mukhang may kinausap yung babae sa katabi n'ya.
"Hello? Hoy Andie! Bakit? Kakaalis mo lang ah miss mo na ako agad? " ani nung boses sa phone.
"Andie? Si Andie ba to?" sagot ko.
"Wrong call ka brad. Bye! Wag kana tatawag!" sabi nya bigla.
"Arthem!" sigaw ko. Mukhang narinig naman kaya bumalik sa thread.
"Sir Arthem? Hoy! Hindi tumatawag ng ganito si Sir. Masungit yun! Wag kang nagpapanggap na sya bastos ka! Bwisit ka wag ka na tatawag ako ang napapahamak sayo. Akala ng nanay ko. Bf ki...!" sabi ng tuloy tuloy kaya pinutol ko.
"Kapatid to ni Sir Arthem, I'm Ally! Yung kahapon remember?"
"Ah, bakit po? " sabay paggalang n'yang sagot.
"Pwede ka ba ngayon? Kain tayo sa labas?" yaya ko.
"Okay sige. Pero saglit lang ha. Sakto may bibilhin din ako sa bayan..." madali n'yang sabi.
"Isama mo sina.... "hindi na natapos ang sasabihin kong isama sina Dawn at Alwynn nang... "Go na ako bye! See ya 7eleven" sabi nya.
Okay. Sige. Sakto. Okay nang masolo ko si Andie baby ko. Nagkita kami sa 7eleven. 20 minutes ding paghihintay ko. Malapit lang naman bahay nila sa Poblacion, bakit kaya?
Parating na s'ya. Pretty girl approaching in 20 meters. 10 meters. Shet. Ang ganda talaga n'ya. Ganda talaga ng future ko!
"Hi Ally!" sabi nya ng nakangiti. Shet.. Damn. Matutunaw na ako.
"Hello Andie! Uhm.. Ganda mo!" sabi ko ngunit parang nadismaya pa s'ya sa sinabi ko.
"Andie? Si Andie ba hanap mo?" sabi n'ya ng pagtatataka. Ako din eh nagtataka.
"No! No! Andie ang name mo diba?" tanong ko din nang pagtataka.
Ngumiti naman s'ya. "Ah! Alam ko na! Ikukwento ko sayo! Andie name ko kahapon pero yung totoo, it's Dawn, Dawn Ramirez" sabi nya habang. Inoffer n'ya naman kamay n'ya. Pati kamay n'ya hirap bitawan kapag nahawakan na. Hindi ako makapagsalita.
Tikom ang bibig kong niyaya s'ya sa Hedwig shake. Hihintayin yung kwento n'ya.
Nakipagkwentuhan at inayos yung misunderstanding sa Dawn at Andie.
Name ng aking prinsesa pala’y Dawn. Hindi Andie. Dawn Ramirez.
Paano nangyari iyon? Sa sobrang taranta daw nila sa pagpapatawag ni Sir Arthem, kuya kong masungit, ay nakapagpalit daw sila ni Andie ng jersey jacket. Tsaka yung number na nilagay nila sa classcard ni Andie ay yung kay Mama ni Dawn.
Dawn, niligawan ko din s'ya almost two months. Ikinuwento ko din sakanya na baka mahirapan kami sa LDR. Kaya sinagot na nya ako. 3rd week of February. Beside tama naman s'ya noong sinabi kong, kung sigurado ba s'yang sinasagot na n'ya ako.
Relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw, ani niya. Enough na daw yung 7 dates para makilala n'ya ako at iconfirm din n'ya yung love at first sight n'ya.
Ipinakilala n'ya ako sa magulang nya linggo bago ako lilipad ng Spain. Ganun din naman ako kila Mama.
Sunset, sunset nung hapong sinagot n'ya ako. Binigay n'ya yung matamis n'yang oo noong sabay namin pinagmamasdan ang namumulang banaag sa paglubog ng araw.
We ate and had a food trip, we laughed together and had a picnic. She teased me. But I'm not. She smiled a lot.
Sinulit namin ang bawat oras na natitira sa amin nang magkasama. Every afternoon ng uwian n'ya, dumidiretso kami sa dagat. Naghahabulan. Nagbubuild ng sand castle. Minsan nagpapahinga. Minsan umiiyak s'ya. Minsan tumatawa.
Sa buwang magkasama kami ay parang isang taon na naming magkakilala, comfortable sa bawat isa. At ganoon din yung feeling na kaka-kilala palang namin kasi excited na excited at hindi nagsasawa sa isa't isa. More surprises especially nung first monthsarry namin.
Hanggang sa dumating ang araw ng pag-alis ko. Hindi ako nakatulog. Nag video chat lang kami hanggang ikatlo ng umaga. Sacrifice n'ya yung quiz nila ng kinaumagahan.
Bago ako pumunta ng airport. Dumaan ako sa school nila. I'm wearing ripped jeans with white sando and cotton blazer na bigay n'ya sa akin nung first monthsarry namin. Niyakap ko s'ya ng mahigpit.
IT'S VERY HARD FOR ME PARA IWAN ANG KAISA-ISANG KUMUKUMPLETO NG ARAW KO. DAWN RAMIREZ.
"Untill we meet again Dawn Ramirez, my agape!" sabi ko sakanya habang patulo narin ang butil saking mga mata.
Lumuhod ako at inoffer sakanya ang moon pendant gold necklace. "Will you be my wife in the future, agape?"
Napaiyak na sya ng tuluyan at niyakap ko na s'ya ng mahigpit. "Yes Ally, my future husband!", dagdag pa n'ya. "Hihintayin kita para mayakap kang muli Allybson Delan Third!" sumpa niya at mas humigpit pa ang yakap n'ya. Isang taon din ang hihintayin namin bago mayakap ang isa't isa.
Ikinabit ko na yung necklace na iyon. At tuluyan ng umalis. Sinabihan ko naman na sina Andie at Alwynn to take care the rest after I left. Patuloy parin ang pag-iyak n'ya ng makita ko sa rear mirror. Ganun din yung pag alis ng mga tao sa paligid nila. Pinapanuod pala kami.
The moon represents my heart Dawn.