I hate Turbulence. Nothing is much more pleasing, enduring the pain brought by pressure and heights just to see your precious love of your life – Dawn, my compass. Dawn, as beautiful name as herself, and sweet as honeybees but as fierce as lions.
v/.
I WAS WEARING A BLUE RIPPED JEANS WITH WHITE SANDO AND BLAZE WITH GRAY HOOD JACKET AND A HOT SHADE. WELCOME HOME CHEF ALLY! IT’S BEEN 12 MONTHS NG HINDI KA NAKAUWI DITO SA PINAS. MAS MASARAP PARIN ANG HOMELAND AIR! I CAN’T WAIT TO SURPRISE MY DEAR AURORA!
…
Checking a Grab Taxi. And paying thru e-bank.
“Kuya!”
“Kuya!”
Huh! Bakit may ungas dito na may pabanner pa, parang loko! Bata! Sabi ko if ever man na sasalubong sila wag na silang mag aabala at nakaka awkward! Parang feel ko yayamanin na turista sa sasalubungin o mala artistahing magcoconcert sa Pinas ang datingan! Sa bwisit ko, I ignored my damn brother Jake! Parang tanga kasi.
“Huyy Kuya!” sabi nya na naasar na, but seems dumaan lang ako sa harap nya na walang nakikita. Beside nakaheadset naman ako.
Nakita ko naman na ang family Van kaya dun na ako dumiretso. Cancel ko nalang yung Taxi wala naman akong konsensya kasi bayad na yung service fee. Travel Bag lang naman dala ko! Nauna na yung baggage a couple of weeks before my arrival! Hahaha ungas ka! Sabi ko kasi sainyo walang magpapabanner kapag sasalubungin ako at …
hindi ko sinabi kung kelan ako darating, so mukang may private investigator talaga tong mga to o dahil sa friend kong nagtatrabaho dito sa Airline. Hays! Rhen! Lagot ka sakin, how dare you to disclose my itinerary!
Kumatok ako sa van! Walang lumalabas. Mukang si Jake lang talaga ang nanundo! And that’s good!
“Hoyyy! Bilisan mo!” tawag ko sa ungas kong kapatid na may kinausap nanaman na german chicks, haysss babaero! Ewan ko ba dito kung saan nagmana, kung anong dugong dumadaloy sakanya. Delan ba talaga to o Martin?
Nakasandal nalang ako sa Van habang tinititigan syang may pabulong sa girl na fair-haired ang buhok na . . . damn! I hate modern girls! Short skirts na lumalabas na yung black cycling short. Kulang nalang magbikini eh. Mainit. Kung mainit man edi maghubad na sila. Kung hindi lang sa Family ko at syempre sa aking Aurora hindi ako pupunta dito. Pero saan kaya s’ya ngayon? Nasa school s’ya for sure, it’s Thursday. Yeah! Sabi nga pala n’ya exam nila ngayon! Kakausap lang namin thru video chat noong nakaraang gabi! bakit miss na miss ko pa rin sya! Damn! Pupuntahan ko s’ya. Beside I will visit Professor Zian, my research professor. Tawagan ko kaya!
No. Surprise Ally. Surprise is something that taking unawares to cause unexpected feelings. Okay!
Sige, her bestfriend Andie nalang.
Calling …
Huh?! Napadungaw na lang ako sa loob. Bakit may tumutunog na cellphone sa loob ng Van? I hanged up the call as the ringtone inside stops. Then call again, then the ringtone inside do so. Bakit nasa kapatid ko yung phone ni Andie? Sumingkit ang mata ko at humarap sa babaerong kapatid ko.
“ Hoy! Yung cell. . . “
“ SURPRISE! “ hindi natapos ang saway ko kay Jake ng bumukas ang pinto ng Van. It’s Aurora. My love, My inspiration.
You brighten my day, showing me my direction.
You’re comin’ to me, and given me inspiration.
How could I ask for more from you my dear
Maybe just a smile in your heart…
She hugs me tightly. And crying. I just kissed her smooth forehead. Wahh! Parang iiyak na din ako sa kagalakan ng mga oras na iyon. No! lalaki ka, kahit emotional ka. Hindi parin good na umiiyak ka sa harap n’ya. 12 months is like 12 years for us. I missed my agape damn much!
“ Thank you! . . .” bulong ko sakanya.
“And you’re bad! Umabsent ka pa sa klase mo for this!”
She just smirked and said “Miss kita eh, walang sinumang makakapigil nun!” at mas humigpit pa ang yakap sya. Ngunit nasira ang mood ko ng makita ang suot nya. Pero, today is an exception.
“Oh sya! Tama na yan naiinggit na kami!” putol na sabi ni Andie.
“Naeexcite na akong magbeach!” banggit ni Andie. Asan ko si Chino, wala na ba sila? Maybe later tatanong ko baka magmuka akong lalaking chismoso, not a journalist.
“Huh? Anong beach?” pagtataka kong sinabi.
“Pinaalam na kita agape kay Tita, sabi nya naman malakas naman daw ako sakanya kaya sige daw kahit gaano ka pa nya namimiss stay ka muna sa Quezon for couple of days!” excite nyang sabi na halos hindi na huminga sa pagsasalita.
“Kaya heto! Pinagamit naman ni papa itong van at walang magbabantay sa bukid kaya hindi na sila sumama beside uuwi naman tayo ng Sunday for church service!” sabat ni Jake.
Haba ng byahe mula Manila hanggang Quezon Province. Hanggang sa nakatulog nalang si Dawn, sumiksik sya sa leeg ko at nakayakap sakin, I miss her clingy, habang si Andie naman ay solong solo ang back seat.
Marami ding nangyari ng isang taon. Bumili ako ng residencia sa resort nila, I designed it’s interior and technology-built in. Naging close ko din family ni Dawn, her friends and everything about her and her environment. Especially yung spy ko para kay Dawn. Sa panahon kasi ngayon hindi na hindrance ang distance. We’re now equipped with technology; the only difference is that – it is still a virtual. Hindi mo mahawakan ni mayakap.
Finally. We’re home!
Sumalubong samin si Chino at Sam. Daig pa na si Andie ang kagagaling sa ibang bansa sa yakap nya dito kaysa sakin na kaibigan nya. Magkaibigan nga tayo Chino! Possessive b***h.
“Pasalubong ko Kuya Ally?” salubong ni Sam, pinsan ni Dawn habang niyakap naman ako. Close kasi kami nito at guess sya yung spy ko over Dawn.
“In-SCAM ka ni Ate mo?” sabi ko habang nakatingin sa nakasimangot na Dawn at mukhang nagseselos. Hahaha. Nakakatuwa talaga sya. Pati nga mga alaga kong love birds pinagseselosan nya yan. As sweet as honeybees but as fierce as lions kapag tinopak.
“Hindi! Joke lang Kuya Al, Thanks sa Sneakers!” banggit nya.
“Hey Bro! The best chef in the world is at home! Ready na ang ingredients sa kitchen” bati nya habang inoffer nya ang kamao nyang magfi-fist bump.
Hindi ko alam kung maaasar ako, sa kung totoo ba o joke ang sabi nya.
“Tatawa na ba ako?” Pajoke kong sumbat sakanya.
Tumuloy na kami ni Dawn sa Residential room ko para magpahinga saglit at lalabas mamaya for sunset view. Kumain naman na kami drive thru kaya want ko ihiga ang katawan ko at irelax ang pwet kong namamanhid. Beside turbulence is quite punitive.
“Punta muna ako sa Villa ko agape! Magpapalit then puntahan nalang kita sun down! May pupuntahan din kami ni Sam eh” paalam ni Dawn. Tamad kong inupo ang sarili sa couch sa lebensraum at tinititigan ko lang sya habang nagpapaalam. She’s Damn hot. The woman whom I destined to share our lives. Napangiti ako sakanya. Humiga ako sa couch habang inoffer ang dalawang nakaspread kong kamay.
Lumapit sya, at bigla ko syang hinila at napapatong sakin.
“Ally !!! may makakita !!!” asar nyang reklamo.
“Stay agape! Beat the air turbulence” bulong ko sa mabango nyang tenga. Nakakapagod. Di na bago ang jet lag sa eroplano kahit akyat-panaog na ako sa iba’t ibang lugar for cuisine visit. May month kasi na Gourmet researcher ako for my book, “Trek to Gourmet World”.
“Close the door HomeLynx! And play Bed of Roses Bon Jovi” utos ko sa House Command, computer program na nakainstall sa aking room.
“Welcome home master! Selection, Air lock or Free lock?” computer voice.
“Free lock” I confidently said.
“Free lock can cause disturbance and unexpected events, still, do you want to continue free lock master?”
Napahalakhak nalang ako sa Emotional Quotient Intelligence level ni HomeLynx. Beside it is a modern computer. Napalaki naman mata ni Dawn na akala mong may gagawin kaming milagro. Yeah. We don’t make love yet even matagal na kami sa relasyon. Four corners temptation can’t beat our seduction control.
“Ally! What if may pumasok at makita tayong ganito! You know how people thinks” sabi n’ya. Asar nyang sumbat.
“And so? Edi makita agape, think whatever they want! We’re couple! They’re aware of it! And they know how gentleman I am and I don’t wanna change it beside I respect your family, do you know what I mean right?” sumbat ko kay Dawn. At napaismid nalang tong magandang babaeng to at nakuha naman yung ibig kong sabihin.
“Affirmative HomeLynx!” I said to House command.
“Don’t worry babe! It will be short! You can go if tapos na ako” bulong ko sakanya habang napasmirk.
“Bed of Roses Bon Jovi is playing” computer voice.
“Ally! Anong mabilis? Parang tanga!” reklamo nito habang pumipiglas mula sakin.
Napangiti nalang ako, pumikit at nagsimulang manermon.
“Ang ganda ganda ng legs mo, ganda mo kapag nakashort pero ayaw kong nakikita yan ng iba! Magsuot ka nyan kapag dalawa lang tayo! Okay? Every parts of your body are valuable to me, I’m damn selfish you know that! Even the tip of your hair and nails are as gems to me and I don’t wanna expose it to others.” reklamo ko habang pawala na ang consciousness ko sa antok. Mabilis naman akong makatulog lalo na kapag s’ya ang kayakap ko.
“Ayaw ko! Pakawalan muko” rinig ko pang sumbat sya habang pumipiglas s’ya mula sa pagkakayakap ko pero mas makakas ako. Walang nagawa si Dawn kundi ang yakapin nalang ako pabalik, at nagpahinga kami sa couch with our favorite song ‘Bed of Roses’.
Ambango bango ng hininga n’ya. Iyon naman ang habol ko kapag magkatabi kami wala ng iba pa. Yung naamoy ko yung hangin na lumalabas sa ilong at bibig nya. Walang mangyayari sa amin. Hindi dahil sa pagod ako or what. Wala, hanggang hindi pa kami parehong haharap sa Pastor na magkakasal sa amin. Iyon ang pangako ko sakanya. She’s attractive yeah! Normal naman yun but we’re at control emotionally and physiologically. Patience is a virtue. Virtue is time and Time is rightful.