Chapter 2. Sunset

2377 Words
IT WAS A LONG NAP, ENOUGH TO SEE AURORA. I MISSED HER A LOT, EVEN THOUGH IT JUST A COUPLE HOURS OF SLEEP. HOW DARE HER TO LEFT ME IN THE COUCH! MASASAMAIN KA TALAGA SA AKIN MAGANDANG BINIBINI!   Simulan mo na maghanap sa taong mapang-iwan Ally! And hug her tight when you found her beautiful smile yet wicked eyes. Nakasando lang ako ng lumabas na pinatakluban ko lamaang ng cotton blazer, yung gift n’ya sakin. Nasaan ka Aurora ko?   Pumunta ako sa Villa nila at ipapagtanong kila Tito Bench, tito ni Dawn at may ari ng resort. Pero si Tito mukang busy kausap yung mga tauhan nya. Sige ako nalang maghahanap. Pumunta ako sa SkyView ng resort, Infinite Pool Area, Leisure Area, holly damn! Where are you? Maiikot ko na ang buong resort wala talaga, and right timing naman talaga! hindi ko din mahagilap sila Andie, Sam at Chino! Naipagtanung ko naman kila Nanang Kim at Louvie, room service clerk ko, hindi naman daw n’ya napansin! Hayss, Dawn! San kana?!   Mula sa paghahanap ko sa babaeng takasidera, nakaramdam ng gutom. Ano kaya ang menu sa restau? Later na ako magluto beside Cholo is the cook, Cholo is used to be my mentee way back in Culinary school. How’s small world! Anyway, I trust him with the foods. I’m a tourist so I will make myself as a visitor for now. Relationship that chooses sunset as its symbol lasts. Believe me, if not, I bet my dusks.   v/.  ... Pagpasok ko sa Restau, saan naman kaya ako pupwesto? Halos mapuno na ang restaurant, puro foreigner ang laman nito. Damn! I feel suffocated! But anyway, ipagpapalit ko ba ang kumakalam kong tiyan sa ilang lakad dito hanggang Residencia ko? No way.   Searching …   Gotcha! Doon na lang ako sa pang 4 person diner, damn! Seriously?! Katabing table ng dalawang artistahing babae!? Naku! Patay ako nito! Malalagot ako kay Dawn kapag nalaman n’ya ito, baka sabihin nya intention ko ang pagpunta sa table na yun. Pero wala akong choice kung hindi kumain sa katabing table ng dalawang babaeng iyon!   Paparoon na ako sa table nang napahinto nalang ang mga paa ko sa paglalakad, nakita ko si Dawn sa harap ko nanlilisik ang mata at nakacrossed arm! That damnest pretty woman! Pati ba naman sa imagination ko? Pinawi ng sitwasyong iyon ang pagkalam ng aking t’yan. Hinawi ko ang malausok na imagination na nagagalit na Dawn at nagpatuloy sa paglalakad.   Pumuwesto ako kung saan nakatalikod ako sa dalawang babaeng iyon. Hiubad ko ang Cotton blazer ko, nakaramdam ako ng init.   “Hey girl! Sino yan? Ang hot n’ya girl! Makalaglag ng panty. Tara tabihan natin?!” I heard a woman’s voice. As expected. Umiinom ako ng red wine, waiting for my order.   “Gaga ka, manahimik ka nga! gusto mo bang mapatalsik tayo sa resort? Girlfriend nya yung pamangkin ng may-ari nitong resort!” sabi naman ng babaeng kasama nya. Ganito na ba kalakas ng pandinig ko o sadyang paobvious lang magparinig ang mga loko. Am I really hot? Para magparinig pa sila? Napangiti na lang ako sa asar. I’m not used to it. Nakakaasar pala kapag may magpaparinig sayo.   “Whoa! Bilis mo magresearch sa hotman ha! Just a speck! Let’s see if he really has a girlfriend! Walang tumatanggi sa kagandahan ko!” she replied. Na aakmang tatayo, malakas and friction sound ng upuan na kahoy.   “Kamusta Chef?” sabi ni Chef Cholo. Na taymingan naman ang pagdating ni Chef Cholo. I guess, hindi natuloy yung dalawang babae sa likod ko.   “Whoa! Is he a Chef? Lakas ha. Special delivery pa from Chef! Gwapo din ng Chef.” Sabi nya. ”Mukhang the ratio is even. Sayo si Chef, akin si Hotman” dagdag pa nito na mukhang papunta na sa amin.   “Hi Chef and you Hotman! I’m Etheena Gwerio, this is my friend Arriance Gallardo! We’re the night’s guest singer. Can we join you?”. The woman requested habang inaabot nya yung kamay nya sakin for shake hands. But I ignored it.   “Y-yeah! Ss-ure. Why not! Beautiful is always welcome! Diba Chef?”. nauutal pang sabi ni Chef Cholo. Yeah. Those two are hot and beautiful as they were. But not as beautiful and hot as my Aurora.   “Tskk. Anyway, may I excuse myself? Maiwan ko na kayo beautiful ladies and Chef Cholo! I’ll find my woman!” sabi ko habang kinuha ko lang yung green tea shake na inorder ko at iniwan yung rest of the food. Nawalan ako ng gana. I don’t know why. Ambango pa naman yung beef steak and mushroom soup. Maybe next time when I catch some appetite again.   “Yes! Chef Ally!” Hindi ko na pinansin yung reply ni Cholo.   “Hey Hotman!” sigaw naman nung babae at binilisan ko nalang ang lakad.   “Told you!” sabi nung babae. Mukhang pinag usapan nila ako habang palayo sa kanila. Sino ba namang lalaki ang tatanggi sa kagandahan ng dalawang iyon. Ikaw lang naman Ally. Well you’re damn loyal and faithful, and nothing is wrong with that.   “You’re Lucky but an idiot man! Don’t you know how those two dumped us?” biglang sabi nung german guy sakin. Napatingin nalang ako sa kanila and replied an empty impression then tumuloy na palabas ng restaurant. Hindi naman ako tulad nila na playboy. Especially German shepherd asses.   Where are you Aurora? Malapit na mag sunset! At Malapit na akong maasar! Lagot ka sakin if we didn’t make it.   Sniper Shot! Sa wakas nakita ko tong dalawang lintang ito na naghahalikan pa.   “Andie, Chino? Nakita nyo ba si Dawn? Inikot ko na ang resort pero anino nya hindi ko makita even Sam?” mahinahon kong tanong kahit naaasar na dahil bukod sa gutom, miss ko na yung babaeng iyon.   “Inikot? O nakipagdate sa dalawang main guest ng resort , Ally?” teased naman ni Chino. Hindi ko alam kung ano ang nakita nila pero binawela ko iyon.   “Ano nga, nakita nyo?” habang nakasimangot ko ng tanong sa dalawa.   “Si Dawn at Sam pumunta ng Downtown, isasama ka nga sana pero sabi tulog ka daw” banggit ni Andie. “Pero si Etheena at Arriane nasa restau mukang bet ka, wala kaming sasabihin kay Dawn!” pang-aasar ni Chino, at buti nalang nakatanggap s’ya ng siko kay Andie.   Binawela ko lang sila. Even, thank you hindi ko nasabi sa pang aasar ni Chino. Gusto ko syang digwasan pero baka masayang lang yung oras na patulan sya sa paghahanap ko sa babae ko! Naasar na ako. Paghahanap ang ayaw kong gawin. Wala naman kasing paalam, katamaran din magchat sa pagpapaalam. Kung hindi ko pa tanungin sa iba hindi ko pa alam kung saan siya nagpunta.   Pabalik na ako ng Residencia, magluluto nalang ako. Napalitan ng gutom ang pag-aalala ko. Nagulat ako sa nakita ko, napalunok ako ng makita ko ang nanlilisik na mata ni Dawn na nakatingin sakin. Nakasandal s’ya sa gilid ng pinto ng residencia ko.   “D-Dawn.” nauutal kong sabi sakanya. Nakarating ba agad sakanya yung nangyari? Mukhang galit s’ya. Bakas sa mukha nya at natatakot ako kapag ganun sya. Itinuto nya yung pintuan. At pumasok kami sa loob. Nakacrossed arm sya ng humarap sa’kin.   “Saan ka galing?”, mahinahon n’yang sabi na parang yung Nanay ko dati na inaakalang tumakas ako mula sa pagpapatulog n’ya saakin sa tanghali.   “Sa Restau po, kumain agape?” maamong tupa kong sabi sakanya, habang natatawa na sa itsura nya.   “Bakit ka ngumingiti? May nakakatawa ba?” galit nyang sabi habang naka-laser beam na yung mata nya sa galit sa akin. I missed her being like this. She’s so sweet.   “Sorry na, nagutom ako eh! At hinahanap kita.” Palambing ko paring suyo sakanya habang niyakap ko sya at inamoy ang noo nya.   “Talaga?” sabi nya ng malambing at niyakap ako pabalik. Ganyan lang naman suyuin yan si Fierce gorgeous Dawn. Marupok. Hinila nya ako sa harap ng kitchen at binuksan ang ref.   “Ano nakikita mo? Ayan oh dinalhan na kita ng pagkain mo? …” sabi nya ng tuloy-tuloy. Patay! hindi pa pala tapos , napahampas na lang ako sa noo ko habang nakikinig sa litany n’ya. “ … Hindi kasi naghahanap eh! O baka naman gusto mo lang makita yung dalawang magandang guest ng resort? At nakasando ka pa nga Ally! Ano ba sabi ko sayo na ‘wag kang lalabas ng nakasando lang, hindi ba! Ginagawa mo siguro sa Barcelona yan ano?! Hindi ka na ba nakikinig sakin?”. Nang matapos na s’ya sa sandamakmak na paratang at tanong, nagpaliwanag at nagkwento na ako mula sa pang-iiwan nya sakin sa couch hanggang sa insidenteng pagkakawala ng blazer ko.   We end up both seating in the couch, while hugging her back. Inaamoy yung batok n’ya. Nakumbinse ko naman sya, yun naman kasi talaga ang mga nangyari, pero mali ko bang hindi sabihin sakanya about dun sa dalawang babae na lumapit sakin? ‘Wag na beside, maliit lang naman na bagay yun sakanya, baka mang-asar pa s’ya. Wala namang special na nangyari! Kaya … f**k wala nga ba? Sinabihan ko pa rin sila ng beautiful ladies. At ayaw nya yun! Pero kinakabahan na ako ng hindi ko nabanggit sakanya nung nagkukwento ako. Ang sabi ko nalang naiwan ko yung blazer sa table kung saan akom kumain, maiinit kaya tinanggal ko.   “Stop it! I’m ticklish and tempting!” she said na iniiwas yung batok nya. Hininto ko na at ganun lang naman yun, hindi ko din sinasadya. Kailangan naming magpigil. It’s a long run. Ilang years pa yung bubunuin nya sa pangarap nya maging Successful Marketing Entrepreneur. At ‘di namin need magmadali.   “Dawn may sasabihin ako.” Sasabihin ko ba? Pero bakat sa mga mata at ngiti nya ang saya ng maglock ang mga mata namin. Sisirain ko ba yun?   “Sorry Dawn kung tine-temp kita, I don’t mean it! Nakakaadik kasi yung amoy mo.” sabi ko sakanya sincerely, ‘wag na. Ibaon na lang sa limot, wala naman yun, muka namang hindi big deal sakanya pero nakokonsensya parin akong nasabihan ko sila.   “I know love! Should I change my perfume then?” sabi nya. Is she tempting me? Niyakap n’ya ako. Ramdam ko naman na miss na miss na n’ya ako. Isang taon ba naman eh.   “No. Never Agape!” tumayo ako at inilahad ang open-arms ko sakanya. “I guess, it’s time. Tara Dawn!” Sabi ko sakanya habang itinayo ko s’ya ng yakap. Lumabas na kami at pumunta sa tabi ng shore.   Sunset, ito ang inaabangan di lamang kami kundi karamihan ng couple, and sunset symbolizes our relationship. Their resort is perfect spot for Sunset viewing, at magsisimula na yung dusk concert ni Etheena at Arriance, yung dalawang babaeng nasabihan mo ng maganda kanina sa restau. Damn! Naalala mo nanaman.   “Ni wen, wo ai… ni you duo shen, wo ai … ni you chi fen  . . .” guest singer singing. Nakikinig kami sa first song ng concert. It’s a Chinese mandarin song, ‘The moon represents my heart.’ Sabagay, karamihan naman ng guess ng resort ay foreigner, majority is a Chinese national.   “Dawn! Remember the song?!” sabi ko kay Dawn at ngumiti naman s’ya, ito yung madalas na kinakanta ko sakanya kapag namimiss ko s’ya sa voice message. Nakaupo parin kami sa pinong buhangin sa baybayin, mainit ito tama lang para maibsan ang lamig na simoy dala ng hangin-dagat.    “Wode xing yi xing, wode ai bu pian . . .” guest singer continuesly singing.   “Wode ai bu pian, yue liang dai pa wode xin” sinabayan ko sa pagkanta ang guest singer. Si Dawn nakatitig lang sakin, naiinlove nanaman ata sa boses ko.   “May gusto ka ba sakanya? Sa singer?” sabi ni Dawn. I guess it’s not in love, sweet Jealous man!   “Bakit mo s’ya sinasabayan? Sabi ko bang sabayan mo?” dagdag pa nya, tumayo sya at aakmang iiwanan ako sa gitna ng ka-sweetan namin. Pero hinila ko sya pabalik.   “Sorry na my gorgeous Aurora! It just a harmonic feedback, Sorry in behalf of my trachea!” sabi sakanya habang ipinulupot ko ang kamay ko sa tummy nya. Papatawarin n’ya daw ako kung kukuha ako ng pagkain namin. See? Sweet nya diba? Isinama ko naman si Chino. Sinabihan ko si Andie na bantayan yung kapaligiran para kay Dawn. Baka may impaktong kumidnap sa aking Aurora. Sira ang future ko if ganun.   Pagbalik namin. Nakita kong inilalahad na ng isang Chinese national ang kamay nya kay Dawn. Sabi na eh, Andie talaga. Walang pagpipigil, porket may itsura at foreigner.   “Piao liang, ni xiang gen wo yiqi zou zou ma?” offer nung lalaking Chinese kay Dawn.   “Wei! b***h!  Ge shi ni yi zhong ren, chuan shang, get lost!” bulyaw ko habang piglas kong hinawakan ang kamay ng lalaking Chinese at itinulak papalayo kay Dawn, napaupo ito sa buhanginan. Basic taking down of enemy.   “Ally!” bulyaw ni Dawn. Akmang susuntok yung dalawang kasama nya, ngunit pinigilan ito nung lalaking gustong makipagdate kay Aurora ko, mukang leader ata nila ito or boss. Don’t know, but it seems like it.   “Dui bu qi!” sabi nung lalaki sa amin habang umalis papalayo samin, tinititigan ko yung kasama n’ya na ang sama ng tingin sakin. Pinadaan ko yung kamay ko sa leeg ko at binigay sa lalaki ang simbolong yun.   “Okay ka lang? Nahawakan ka ba nya? Mag alcohol ka?!” Sabi ko habang nag aalala kay Dawn. Napanganga naman si Chino at Andie sa nangyari, o sa marunong ako magchinese, hindi ko alam basta nakatitig sila sakin.    “OA ka. Napakalaking OA Ally! Hindi ko nga alam mga pinagsasabi nya, bakit naman ako papahawak sakanya? Purket ba singkit mata ko? Alam ko na sinsabi nya?” sabi nya habang sapilitang nag alcohol. Kinain naman n’ya yung sandwich na ginawa ko nang mabilisan sa residencia. Reklamo pa n’ya , pero hindi na daw s’ya nag-expect ng junkfoods ang idadala ko. Health is wealth Dawn, health is wealth.   Nakatulala pa rin yung dalawa sa amin, sa akin.   . . .  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD