Chapter 2

1479 Words
"Ate, isa pa ayun oh nasa ulunan mo!" rinig kong sigaw ng nakababata kong kapatid na si Lara. Kasalukuyan akong nasa itaas ng puno ng mangga, namimitas kami ngayon at plano naming ibenta ito sa bayan mamaya. "Saglit lang abutin ko lang ito." sagot ko rito at inayos ang buho na hawak para masungkit ang di kalayuang mangga. Nang masungkit ito dagli naman itong sinalo ni Lara. Kinuha ko na rin ang kanina pa nitong tinuturo na nasa ulunan ko. "Okay na to ate, marami rami na rin ito." Tiningnan ko siya sa ibaba at nakitang binibilang nito ang mga mangga napuno namin ang dalawang balde pero marami pa rin ang bunga sa puno ngunit wala na kaming lalagyanan kaya tama na nga siguro iyon. Dahan dahan na akong bumaba at nilapitan ang kapatid ko. "Tulungan moko, mag abang tayo ng sasakyan sa puno ng akasya padaan na rin ang trycicle ni Aling Marites baka pwede tayong makisabay." sabi ko rito at binuhat na ang balde. Mabilis naming nilakad kung nasaan ang puno ng akasya hindi rin nag tagal ay dumaan na nga ang trycicle ni Aling Marites. "Oh ang aga nyo namang magkapatid, sa bayan ba kayo?" huminto ito sa tapat namin. "Opo, okay lang po ba na makisabay Aling Marites?" tanong ko rito medyo nahihiya pa. "Ano ka bang bata ka, syempre naman ipasok nyo na yan at tara na." Mabilis naming pinasok ang balde sa loob, umupo si Lara sa loob at ako naman ay sa likod umupo katabi si Aling Marites. Nang makarating sa bayan ay nagpasalamat na kami at nag umpisang ibenta ang dalang mga mangga sa tindahan nila Mang Berto. "Akala ko ay mamaya pa kayong hapon ah, halina muna kayo." "Sayang po kasi ang araw, babalik pa po ko sa palayan mamaya. " sagot ko rito. "Naku sige, ilatag nyo nalang yang mga iyan sa labas." Kaya naman katulad ng sinabi ni Mang Berto nilagatag nalang namin ang mga mangga sa lalagyanan sa labas ng kanyang tindahan. "Mang Berto si ate Beth po?" Maya-maya'y tanong ni Lara. "Ayun ba nasa kabilang baryo eh may pasok siya ngayon." "Ganoon po ba, sayang naman po." Close ni Lara si Beth dahil matalik ko itong kaibigan. Kung ako ay nahinto sa pag aaral sya naman ay nasa kabilang baryo at doon na nga ipinag patuloy ang pag aaral ilang linggo ko na rin syang hindi nakikita dahil busy ito sa pag aaral at ako naman ay sa sakahan. Nakakamiss rin pala ang kakulitan ng babaeng iyon. "Tapos na po Mang Berto." wika ko rito ng matapos ilatag ang mga mangga. "Osige salamat, eto nga pala oh." Wika nito at nag abot ng tatlong daang piso. Bale ang bili niya sa mangga namin ay 150 isang balde. Sa katunayan nga nyan ay dapat 100 lang isang balde pero dinagdagan na niya ito. Napakabait takaga ng tatay ni Beth. "Sige po maraming salamat." Pag papasalamat ko rito at aalis na sana ng may humintong itim na sasakyan sa tapat ng tindahan ni Mang Berto kaya naman napatigil kami ni Lara sa pag lalakad at pinagmasdan ang sasakyan. Si Mang Berto naman ay tila nakilala ang sasakyan dahil dagli itong lumapit doon. Bumaba ang driver ng sasakyan at bumaba ang isang dalaga. Maganda ito at matangkad, nakasuot ito ng uniporme ng isang sikat na paaralan sa Manila, maikli ang palda nito kaya kitang kita ang haba ng kanyang makinis na binti. Lumapit ito sa mga manggang nilatag namin. "Señorita Lucrecia, napadaan po kayo." ngumiti ang dalaga kay Mang Berto at itinaas ang isang mangga. "Magkano po ang mangga nyo Mang Berto?" Tanong nito, tila natameme naman ako sa lambing ng boses nito. "Ayan ho ba? Libre nalang po sainyo Señorita." Mahinhin itong tumawa at umiling. "Hindi po pwede iyon Mang Berto malulugi ka niyan." "Naku, ayos lang po malaki ang natulong ng inyong pamilya sa mga katulad ko na kapos sa buhay. Maliit na bagay lang po ito." wika naman ni Mang Berto at naghanda na ng plastic bag para sa mga mangga. "Ganoon ba," may ngiti sa labi nito ng dumako sa akin ang paningin niya. "Anak nyo ho Mang Berto?" Tanong nito habang nakatingin saakin, malalim ang tingin nito. "Ay hindi señorita, ang anak ko ay nasa kabilang baryo at nag aaral. Si Michaela iyan at ang kapatid niyang si Lara anak nila Timo at Alessa." pagpapakilala ni Mang Berto. "Hello po ate ganda." magalang na bati ni Lara na sinuklian naman ng mabining tawa ng dalaga. "Hello po señorita." medyo yumuko pa ako ng sabihin ito. Hindi ako bulag para hindi mapagtantong isa itong De Alba. Sa pananamit, sa sasakyan at sa pag trato pa lamang ni Mang Berto rito ay alam ko na kung anong klaseng tao ang kaharap ko. Muli itong napatingin saakin may bakas pa rin ng ngiti ang labi, "Sainyo ba galing itong mga mangga?" "Ah opo saamin nga, binenta lamang po namin kay Mang Berto." Nakangiting tumango-tango ito habang namimili ng manggang ilalagay sa plastic. Mukha itong masayahin at palangiti, parang ang gaan gaan niya kausap. "Pwede mo ba akong tulungang mamili?" Pag-agaw nito sa pansin ko. "Ah okay lang naman po. Ano po bang gusto niyo?" Tanong ko rito at medyo lumapit, hindi ganoon kalapit dahil baka maamoy niya ang pawis ko nakakahiya naman. "Yung maniba?" Patanong na wika nito habang nasa akin pa rin ang paningin, kaya naman itinuon ko nalang ang paningin ko sa mga mangga at namili. Hjndi ko kayang salubungin ang mga tingin nito masyadong malalim. "Mga ganito pong klase ay maniniba." Wika ko habang pinapakita ang isang mangga at tinuturo ang kaibahan ng hilaw sa maniba. Si Mang Berto ay muling pumasok sakanyang tindahan dahil may bumili, si Lara naman ay hawak ang plastic. "Ganito?" Malambing na tanong nito habang pinapakita saakin ang isa. Ang lambing talaga ng boses niya parang hindi marunong magalit. Tumango naman ako at ngumiti, "Opo." Isang malakas na pagsara ng pintuan ng sasakyan ang nakaagaw ng atensyon namin matapos kong kunin sa kamay ni Señorita Lucrecia ang mangga. "What's taking you so long, Lucrecia?" tila ba napako nanaman ako saaking kinatatayuan ng muli kong masilayan ang napakaganda nitong mukha. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas ng magpunta kami sa mansion ng mga De Alba ng para sa ayudang bigay ng Donya. Ngayon ko na lamang ulit siya nakita at tila ba ay lalo itong gumanda. Nakasuot rin ito ng uniporme ng sikat na paaralan sa Manila, bagay na bagay sakanya iyon at hapit na hapit sakanyang katawan kaya naman kitang kita ang kurba ng kanyang katawan. Maikli rin ang suot nitong palda kaya kita ang napakakinis niyang hita. Kahit ganoon ay napaka elegante nyang tingnan. Kunit noo itong lumapit sa pwesto ni Señorita Lucrecia at ibinaling ang tingin saakin, agad naman akong napa iwas at napalunok. Ano ba yan! Bakit para ata akong kinakabahan. "Namimili pa ako ng maniba. Pwede namang sa sasakyan mo na ako hintayin." Mahinahong wika ni señorita Lucrecia. "I've been waiting for already 10 minutes, Lucrecia I can't wait any longer. Make it fast." napangiwi ako sa lamig ng boses nito. Pagod siguro sa byahe kaya medyo masungit. "Okay chill," nakangiting wika naman ng isa. "I think this is enough." wika nito at tiningnan ang plastic na may lamang ilang pirasong mangga. "Thank you, Michaela and Lara." "You're welcome po ate." Nakangiting wika ni Lara rito, tumango lamang ako at sinabing walang anuman iyon. Muling napadako ang tingin ko sa panganay na apo ng mga De Alba. Napansin ata niyang may nakatingin sakanya kaya nag angat ito ng tingin saakin, nang mag salubong ang tingin namin ay nginitian ko ito bilang pag galang na rin sa presensya niya mukha naman itong natigilan at maya maya pa ay mabilis itong tumalikod at pumasok na sa sasakyan nila. Natatawa namang humarap saakin si Señorita Lucrecia, "Forgive my cousin, pagod lang iyon sa haba ng byahe. Anyways thank you for this again." "Walang anuman po Señorita." "Please drop the señorita. Call me Lucrecia." Iniabot nito ang kanyang palad. Nag dadalawang isip pa akong abutin ito dahil napakalinis ng palad nito samantalang ako ay hindi ko nga alam kung malinis ba ang kamay ko. Muli itong ngumiti at inabot ang kamay ko para kamayan. "I hope to see you again, Michaela." Natulala pa ako sa ganda ng ngiti nito ni hindi ko nga namalayan na nag paalam na rin ito kay Mang Berto at naka alis na ang kanilang sasakyan. Anong klaseng dugo ba ang meron ang mga De Alba at ang gaganda ng lahi nila? Pero iba pa rin talaga ang ganda ng panganay ng mga De Alba kahit na masungit pala ito pag pagod. Sa amo ng mukha niya ay may kasungitan rin pala itong taglay malayo sakanyang pinsan na si Lucrecia na ubod ng bait. Nakakahawa ang ngiti nito, pero mas nakakahalina ang kay Señorita Catalina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD