2

915 Words
TRAVIZ’s POV Abala ako sa pagbibilang ng aking benta ngayong araw. Malaki ang benta ko dahil sa bago kong tinapay na ibinenta. Napangiti ako at inihiwalay ko ang kalahati sa kita ko. Lahat ng kita ko sa bakery ay nakalaan sa iba’t ibang bagay. Hindi na ako pabata kaya kailangan mayroong ipon. Para pagdating ng araw ay may madudukot ako. Nagbibigay rin ako sa aking Ate na siyang may-ari nitong puwesto ko. Sa bahay rin niya ako nakikituloy. Nasa itaas lang naman nito. Mayroon na akong nabiling lupa rin sa lugar na ito. Wala pa lang bahay. Iyon ang malaking pinag-iipunan ko. “Traviz, may tinapay ka pa ba d’yan?” nandito na naman si Juan. Tapos na siguro siyang nag-deliver ng tubig kaya may oras na para magmeryenda. Hapon na rin. “Mayroon, bro. Makakalimutan ba kita, bro? Siyempre hindi. Ipinagtabi na kita agad. Ito na ang paborito mong pan de himod.” Kinuha ko ang itinabi kong tinapay sa kaniya. Simpleng tinapay lang ito na nilagyan ko ng condensed milk sa ibabaw. Mayroon din sa gitna. Kailangan kong hiwaan at saka ko lalagyan sa loob. Naging pan de himod siya dahil sa dami ng gatas na tumatagas, kailangan mong himurin. Mabiling-mabili talaga ito lalo na at ipinapakita ko kung paano ko kainin. “Napansin ko kanina, ang daming babae. May narinig pa akong may bago kang produkto.” “Mayroon nga, ang pan de svso. Bukas ipagtatabi kita.” “Ano ba ‘yang mga pangalan ng tinapay mo?” “Inspirasyon ko lang kayo, bro. Kahit man lang sa tinapay, matikman ninyong may hinihimod at sinusvso.” Biro ko kay Juan. Mas matanda kami sa kaniya. Siya yata ang pinakabata sa aming tropa. Minsan lang kaming makumpletong lahat sa isang umpukan dahil busy sila sa kani-kanilang trabaho. Madalas ko silang makita kapag nadadaan sila rito para bumili ng tinapay. Kahapon, dumaan si Lorenzo at binigyan ako ng ani niyang talong. Mabili rin ang talong niya. “Salamat dito,” sabi sa akin ni Juan at akmang paalis na siya. “Anong salamat? May bayad ‘yan. Walang libre ngayon at nagtaas na ang mga panangkap.” Napilitan siyang magbayad. May dagdag naman ang tinapay niya. Hindi nga lang libre ang lahat. “Salamat sa dagdag. Doon ko na lang kakainin at baka may makakita pa sa akin kung paano ako humimod.” Natatawa ako sa sinabi niya. Napapailing ako habang tinitingnan ko si Juan na sumakay sa service niya para sa pagdedeliver ng tubig. Nagligpit na ako at kailangan ko na rin pumanhik sa itaas. Kailangan kong magpahinga bago ako maligo. Dumiretso ako sa aking kuwarto. Malaki rin ang bahay ng Ate Riza ko. Ilang kuwarto ang mayroon ang bahay nila ni Kuya Athan. Hanggang 4th floor itong kabahayan. Pero walang kuwarto na roon. Videoke, laruan ng dart, may billiards din. At marami pa. Mahilig ang bayaw ko sa sports. Kulang na lang magkaroon ng basketball court sa itaas. Nasa second floor ang kuwarto ko. Nandito rin ang mga guest rooms. Ang nasa third floor ay ang master’s bed room at mga kuwarto ng pamangkin ko. Panganay nila ay si Elsie, sinundan ni Eric, at ang bunso naman ay si Ethan. Ang problema lang dito sa second floor, common ang bathroom. Wala naman bisita ngayon kaya solo ko ang bathroom. Bihira lang magkaroon ng bisita. Itinago ko na muna ang pera ko. Habang nagpapahinga ako, nanonood ako ng basketball. Kaysa manood ako ng mga teleserye, baka magbalik lang ang mga alaalang matagal ko nang ibinaon. May mga pagkakataon lang na nabubuhay dahil sa mga bagay na maaaring magpaalala sa mapait kong nakaraan. Natapos ang laro at talo ang paborito kong team. Kinuha ko na ang towel ko at lumabas na ako ng aking kuwarto. Habang nagsasabon ako ng aking katawan, at nasa parte na ako na sinasabunan ko rin ang aking alaga, biglang bumukas ang pinto. May isang babae na pumasok pero hindi niya ako napansin. Hindi ba niya rinig ang lagaslas ng tubig? Anong nangyayari at para akong invisible sa kaniyang paningin? Sabagay hindi nagawi sa akin ang mga mata niya kaya marahil hindi niya ako nakikita. Pero kahit na ang tubig na lang na nananatiling nakabukas at tumatapon sa katawan ko. Inalis na niya ang damit niya. At tanging bra at panty ang natitira. Ano siya? Sasabayan ako sa pagpaligo? “Miss, sino ka?” tanong ko sa kaniya. Wala rin akong damit at hawak ko pa ang aking kahabaan. Naalis na niya ang bra niya ang bigla siyang humarap sa akin. Kitang-kita ko ang mala-rosas niyang mga dungg0t. “Bastos ka! Anong ginagawa mo rito?” hinila niya ang towel niya at itinakip sa katawan niya. Ako naman ay nanatiling hawak ko pa rin ang aking alaga. “Bakit ako ang bastos? Kanina pa kita tinatanong, deadma ka lang.” May inalis siya sa kaniyang tainga. May nakapasak pala kaya hindi niya ako naririnig. “May suot akong airpods, hindi mo ba nakita.” Hindi na siya sa akin nakaharap. Isinuot niya na ang damit niya ulit. “Malay ko sa ‘yo.” Sagot ko sa kaniya. “Bakit kasi hindi ka kumakatok?” “Bakit kasi hindi ka nag-lo-lock ng pinto?” sagot niya sa akin. “Sa susunod kahit hindi naka-lock, matuto kang kumatok.” Pahabol ko sa kaniya. “Sino siya? Anong ginagawa niya rito?” tanong ko sa sarili ko. Binilisan ko ang paliligo para matanong ko kay Ate kung may bisita ba kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD